Luneta Seafarers’ Center, kauna-unahan sa Pinas
Nagbago na ang isang bahagi ng Luneta o Rizal Park bilang tambayan ng mga seaman habang naghahanap ng mapapasukan o naghihintay ng kanilang mga papeles na pinoproseso ng manning agencies. Sa loob ng tatlong dekada, palaboy-laboy sila sa Luneta at itinataboy ng park guards kapag nagsimula na silang magkumpol-kumpol. Ngayon, isang bahagi ng Luneta ang matatawag na nilang âhaven" at sila ang bida rito. Hindi na sila itinataboy at hindi na sila naghahanap ng trabaho. Tatambay lamang sila doon at maya-mayaây lalapit na ang mga ahente ng manning agencies dala-dalaây placard kung saan nakapaskil ang inaalok na trabaho kasama ang salary rates. âIt takes one to know one." Napansin ng isa ring seaman ang kawawang kalagayan ng mga seaman noon na nakaupo lamang sa ilalim ng mga puno sa parte ng Luneta gawing T.M. Kalaw St., sa panulukan ng Maria Orosa St. hanggang sa malapit sa National Library building. Nagpasya si Captain Gregorio Oca, presidente ng Associated Marine Officersâ and Seamenâs Union of the Philippines (AMOSUP), na magtayo ng foundation para mapangalagaan ang mga pangangailangan ng mga seaman na tumatambay sa nasabing lugar. Noong ika-16 ng Abril, 2007, binuksan ang Luneta Seafarersâ Welfare Center (LSWC) sa ilalim ng Luneta Seafarersâ Welfare Foundation, Inc. na itinatag ni Capt. Oca, isang Master Mariner. Ayon kay Atty. Beulah Coeli C. Fiel, OIC Managing Director ng LSWC, mula noong Abril dumarami na ang mga ahensyang nagtatayo ng booths sa loob ng 2,516 square meters na lote na inuupahan ng foundation mula sa Department of Tourism. âSa ngayon, mayroon nang 42 booths ng manning agencies, insurance companies, remittance firms, developers, banking institutions at ilan pang mga ahensyang nangangalaga sa mga seafarer," ani Atty. Fiel. Tinatayang 2,000 hanggang 5,000 seamen ang pumupunta sa center araw-araw. Ang LSWC ay mayroong dormitory na may 58 beds para sa mga seaman na nais mag-overnight stay, sa halagang P80 kada araw. Mura rin ang pagkain sa center, sa P25 may dalawang ulam at isang kanin na. Walang recruitment na mangyayari sa paligid ng center. âThe Philippine Overseas Employment Administration has allowed the dissemination of manning information but not actual recruitment. Recruitment will be done in the principal place of business of the agencies," ani Atty. Fiel. Ayon sa kanya, âAng long-term goal namin ay magiging one-stop center ng mga seaman itong LSWC kung saan lahat ng kanilang mga pangangailangang assistance gaya ng mga papeles, mga benpisyo, serbisyo, at kung anu-ano pa ay maibibigay." âPangarap ng foundation na magiging seafarersâ haven ang LSWC," dagdag pa niya. - Luis Gorgonio, GMANews.TV