Daechelle Hernandez: Fearless Fil-Am kid sa Bratz movie
Sa edad na 12 taon, gumagawa na ng marka sa music industry sa US ang Filipino-American na si Daechelle Lynn Tiongco Hernandez. Ngayong July 31 ay maririnig ang kanyang tinig sa awiting âFearless" sa sound track ng live-action film na "Bratz." Ang pelikula naman ay ipalalabas simula sa Agosto 3. Ikatlong henerasyon sa pamilya Hernandez si Daechelle. Purong Filipino ang kanyang ina na si Michelle Sandoval pero sa Carmel, California na siya isinilang. Sa San Diego, California naninirahan si Daechelle, kasama ang kanyang pamilya. Ang lola ni Daechelle na si Estelita Lempin Velasco at lolo Primitivo Tiongco ay mga taga-Cubao, Quezon City. Bagama't ikatlong henerasyon na ng mga Hernandez, bihasa pa at tuwid magsalita ng Tagalog si Daechelle. Kumakanta pa nga siya ng mga awiting Pinoy. "We are very, very closeâ¦thanks to webcams, text messages and emails. My entire family helps me to pronounce the words correctly and then my mom writes it down for me phonetically so that I can read and memorize it. It seems like a complicated process, but it comes naturally and I can memorize a song in a few hours. Nothing is impossible," kwento ni Daechelle sa e-mail na ipinadala sa GMANews.TV. Lumpia at chicken adobo ang ilan sa mga paboritong lutuing Pinoy ni Daechelle kahit nasa Amerika siya. Taong 1970âs nang pumunta sa US ang pamilya ni Lolo Primitivo sa US. At dahil malaki rin ang pamilyang naiwan sa Pilipinas, hindi nawawalan ng tagasuporta si Daechelle tuwing lumalaban siya sa mga singing competition sa Amerika. âDaechelle has a huge family support group still living in the Philippines. They are Daechelle's biggest fan base and major promoters. Most of her winnings that required votes can be credited to her aunts, uncles, cousins and friends from the Philippines! She got 8,375 votes for the International Song Contest and 6.5 million votes for the USA World Showcase," dagdag naman ni Cat De Felice ng Geffen Records. Big break Noong 2005, idineklarang Little Miss Phillipines- Universe na ginawa sa Los Angeles Convention Center si Daechelle. Ngunit itinuturing na big break sa kanyang career ang pagkakasama ng kanyang kantang âFearless" sa soundtrack ng live-action film na "Bratz." Mapakikinggan din sa nasabing soundtrack ang sikat na grupong Black Eyed Peas kung saan miyembro ang Pinoy na si Allen Pineda (aka Apl.de.ap); Lifehouse, Ashlee Simpson at marami pang iba. Sa 4,000 âunsigned artists" na nagpadala ng kanilang kanta para sa âBratz" movie, talaga namang masasabing may kakaibang panghalina si Daechelle para mapili. Katunayan, may inihahanda na ring solo album ang Geffen Records para sa kanya. Lubhang napabilib ang Geffen Records sa talento ni Daechelle, at ngayon pa lang ay hindi na maiwasan na ihalintulad siya kay Christina Aguilera nang magsisimula rin itong kumanta. Ang âFearless" ni Daechelle ay nagkamit ng 1st place sa pop category ng 2006 Billboard World Songwriting Contest at nanalo rin bilang âPeopleâs Voice Award" sa 2006 International Songwriting Competition. Sa kanyang blog sa MySpace, lumitaw na kahit musmos pa lang ay kinakitaan na ito ng hilig na maging entertainer. Sa edad na tatlo ay nagmomodelo na siya at kumakanta. Gayunpaman, hindi niya pinabayaan ang pag-aaral. Kasama siya sa honor roll ng Valley Center Upper Elementary School ng siya ay nasa sixth-grade. Aminado si Daechelle na ang pagkakasama niya sa âBratz" ay malaking hakbang sa katuparan ng kanyang pangarap na maging mang-aawit. Nagsimulang mabuo ang kumpiyansa sa kanyang sarili nang makatanggap ng mga papuri sa mga tao sa husay niya sa pag-awit na nooây sa mga magulang lang niyang naririnig. Ang kanyang inang si Michelle ay todo suporta kay Daechelle na maabot ang pangarap ng kanyang anak. Hindi siya makapaniwala sa tagumpay ng anak na dating kaagawan lamang niya sa mikropono kapag kumakanta sa kanilang karaoke. Sa kanyang mga tagahanga sa Pilipinas, ipinarating ni Daechelle ang kanyang labis na pasasalamat. "I would not be where I am today if it wasn't for my Filipino supporters. I am proud of who I am today and will represent the Philippines in everything I do. I love my family. I won't let you guys down. Mabuhay!" - Fidel Jimenez, GMANews.TV