ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Negosyong walang panimulang puhunan


Laganap na ang negosyong e-load, pero may bagong paraan para makapagsimula ang sinumang gustong pumasok sa negosyong ito na hindi kailangan ang panimulang capital. Magbibigay ang Globalpinoy Chamber of Small and Medium Enterprises ng Free Trial Account sa Negosyo sa Cellphone. Ang Globalpinoy ay isang non-profit oriented non-government organization (NGO) na nakabase sa Quezon City. Hangad nitong makatulong sa kapwa Pilipino saan mang sulok ng mundo na makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtutulungan sa pagtatayo ng mga maliliit na negosyo at kabuhayan lalo na sa mga mahihirap na mamamayan. Ang Free Trial (Retailer) account ang susi upang makapagsimula ng sariling negosyo. Sa gustong sumubok, libre ang registration fee. Sa loob ng isang buwan na gamit mo ang trial account para kumita ay hinihiling ng Globalpinoy na mag-ipon ka para sa iyong sariling Retailer Account sa pamamagitan ng pagtatabi araw-araw ng P10.00 buhat sa kita sa pagbebenta ng prepaid products na nakapaloob sa Negosyo sa Celphone. Makaiipon ka ng P300.00 sa loob ng isang buwan (P10.00 x 30 days = P300.00). Ang Free Trial ay maaaring gamitin sa loob ng isang buwan lamang. Pagkatapos ng 30 days, ibabalik ang Free Trial Account sa Globalpinoy. Inaasahan na may naipon ka nang halaga na P300.00 sa loob ng isang buwan para ipambayad sa iyong sariling Retailer Account. Upang makapagsimula ng Negosyo sa Celphone, kailangang lagyan ng laman ang iyong Load Wallet kung saan ibabawas ang halaga ng bawat transaction sa pagbenta ng prepaid products. Ang minimum na halaga sa load wallet ay P500. Hindi pa kailangang magbayad sa Retailer Account – gamitin muna ang pera para sa load wallet para simulan ang Negosyo sa Celphone. Magdeposito sa bangko ng Portal Innovations sa alin mang branch ng BPI sa buong bansa: Name of Bank : BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS (BPI) Account Name : Portal Innovations Corp Savings Account : 4021-0108-77 Pagkatapos na maideposito ang halaga ay ipadala ang kopya ng deposit slip sa globalpinoys@ serbisyopilipino.org upang mabigyan ka ng ID at payment-in-kind (PIK) numbers. Gamitin ito upang ipadala ang iyong payment confirmation sa LoadXtreme upang mailipat ang perang ibinayad sa iyong load wallet. Para sa karagdagang impormasyon, magpadala ng e-mail sa globalpinoys@ serbisyopilipino .org. - Luis Gorgonio, GMANews.TV