Pinoy version ng encyclopedia nasa Internet na
Ikaw baây estudyante na nagsasaliksik tungkol sa Pilipinas? O kaya naman ay dayuhan na hangad malaman ang kultura at kasaysayan ng mga Filipino? Pwede rin ang mga Pinoy na sa ibang bansa na lumaki at nais balikan ang tinubuang lupa. Ngayon magagawa na âyan sa isang click lang sa Internet sa pamamagitan ng encyclopedia tungkol sa Pilipinas. Iniulat sa Unang Balita ng GMA news nitong Huwebes, ang paglulunsad ng kauna-unahang online encyclopedia ng Pilipinas sa pamamagitan ng www.wikipilipinas.org. Ang bersyon ng wikipilipinas ay hango sa sikat na âwikipedia," ang libreng encyclopedia para sa buong mundo na nakikita rin sa Internet. Sa Pinoy version na wikipilipinas, makikita rito ang mga impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at mga Filipino, kwento ng mga dakilang bayani, mga artista, isyu ng pulitika, kultura, isports at iba pa. Bukod sa pagiging encyclopedia, ang wikipilipinas ay magsisilbi ring directory at almanac. Malalaman din sa website ang mga lugar ng mga pinakamainit na gimikan. At makikilala kung sino ang mga pinakasikat sa iba't-ibang larangan. Libre at kahit sino ay pwedeng gumamit ng website na ito. Ang isang gumagamit ay maaaring magdagdag o magbawas ng mga detalye tungkol sa paksa. âAng mga estudyante o mag-aaral kung gusto nilang mag-research ng madalian magagamit nila ito sa pamamagitan ng mobile phone o Internet," ayon kay Gus Vibal, ang nasa likod ng pagtatatag ng wikipilipinas. Pero dahil bukas o may access sa lahat ang website para sa gustong mag-edit o magdagdag ng impormasyon, hindi umano maiiwasan na magkaroon ng mga maling detalye rito. Kaya naman inirerekomenda na i-double check sa iba ang makukuhang impormasyon. Sa ngayon, mahigit 30,000 articles na ang mababasa sa website at target ng mga nasa likod ng wikipilipinas na maaabot ang 100,000 articles upang mapabilang ito sa top ten encyclopedia sa buong mundo. - Fidel Jimenez, GMANews.TV