Lily Lara: RP's best nurse sa Amerika
Maging tapat, mapagpakumbaba at magkaroon ng isang salita. Ito ang naging patakaran sa buhay ni Lily Maniquiz Lara, tubong San Miguel, Bulacan. Napili siya bilang 2006 Best Nurse ng Advance for Nurses Journal, isang lathalain para sa mga nurse sa buong Amerika. Nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas si Gng Lara, 66 anyos, kasama ang asawa na si Romy. Tita Lily ang magiliw na tawag sa kanya ng mga pamangkin, katulad ni Leslie na nag-aasikaso sa mag-asawa habang nasa bansa. Nang puntahan siya ng GMANews.TV sa tinutuluyang bahay sa Quezon City, masaya niyang ibinahagi ang kanyang buhay at tagumpay bilang nurse sa Amerika. Hindi rin niya ipinagdamot ang mayamang karanasan sa napiling propesyon na tiyak na kapupulutan ng aral ng maraming Filipino, hindi lang sa mga kabataan na nais din maging nurse at magtrabaho sa ibang bansa. Matapos ang halos 35 taon ng pagtatrabaho sa VA (Veterans Affair) Greater Los Angeles Healthcare System, pinag-iisipan ni Lara na magretiro sa susunod na isa o dalawang taon upang pag-ukulan ng lubos na atensyon ang sarili at pagtulong sa Fil-Am community sa US. Word of honor âSabi ng tatang ko mag-iingat ka sa mga pangako mo kasi kapag sumira ka at lagi kang masisira hindi ka na paniniwalaan ng tao. Totoo naman âyun kaya âyan ang naging philosophy ko sa buhay," kwento niya. Wala umanong masama kung sundin ng mga kabataan ang nasabing pangaral dahil makatutulong ito sa isang tao upang magpursige sa kanyang trabaho. Sa tulad niyang hindi tumanggi sa mga iniuutos ng nakatataas sa kanya nang nagsisimula pa lamang siya bilang nurse sa US, mahalaga umano na magkaroon ng isang salita. Hindi umano magandang ugali sa trabaho ang pagtango sa inatas na trabaho pero hindi naman gagawin. Pero kung paiiralin ang patakaran na âisang salita," ang tinanguang trabaho ay tiyak na matatapos. âYun iba kasi sasabihin âOo gagawin koâ (pero) hindi naman nila agagawin. I donât like to fail⦠basta sinabi ko, âyan ang word of honor ko. Mahirap para sa akin na sinabi ko tapos hindi ko naman masusunod," paliwanag niya. Kung hindi pa handang gawin ang trabaho, ipinayo nya na makabubuting ipagpaliban muna ito sandali hanggang dumating ang oras na handa mo na itong harapin. âEverything na ipagagawa sa akin I treat it as a challenge. Mahalaga rin ang may support ka ng mga supervisor," dagdag ni Lara. Dapat din umanong magkaroon ng determinasyon ang mga kabataan sa propesyon na kanilang tatahakin. Sinabi ni Lara na sapat na gusto lang ng isang estudyante ang maging nurse dahil sa inaasahang malaking kita rito, kailangan may puso rin para sa napiling propesyon. âEver since (I was a kid) gusto ko na talagang maging nurse," aniya. âMag-aral mabuti at isipin ang itinuturo sa kanila. Ang pagiging nurse ay hindi basta-basta. It really needs concentration, hard work and study." âDapat lagi nilang tandaan na ang nursing is love, caring for the patient with integrity and commitment," dagdag niya. Diskriminasyon sa trabaho Tulad ng ibang kwento ng mga nagtagumpay na Filipino sa ibang bansa, nakaranas din si Lara nang pagsubok sa kanyang pagsisimula bilang nurse. Pagkatapos ng kursong nursing sa Manila Central University, nag-apply siya sa US bilang immigrant sa ilalim ng âthird preference program" ng Amerika. âYun isa kong kapatid miyembro ng navy doon kaya nag-apply naman ako sa third preference program. Open pa ang US noon sa mga professionals like nurses, doctors and teachers. Ngayon yata wala na âyun (program)," pahayag niya. Nakarating siya sa US taong 1970 at agad na nakapasok sa isang maliit na pagamutan sa Los Angeles. Dahil alam niya na mas magiging madali ang pag-angat ng kanyang karera kung magiging registered nurse (RN) siya sa US, pinaghandaan ni Lara ang eksaminasyon sa California Nursing Board na katumbas ng NCLEX ngayon. âDumating ako December 1970 noon, hindi na ako umabot sa schedule ng exam sa next year (1971), eh once a year lang ang exam noon kaya nakakuha ako 1972 pa. Pero thatâs good naman kasi I have time to review," pahayag niya. Aminado si Lara na nakaranas din siya ng diskriminasyon sa trabaho at mga pagsubok. Kabilang na rito ang malakas na paglindol na tumama noon sa California kung saan direct hit ang lugar na kanyang kinaroroonan. Ngunit hindi umano niya binibigyan ng lubos na atensyon ang mga diskriminasyon at mga hirap na itinuturing niyang negatibo na makasasagabal sa pag-unlad ng isang tao, sa personalidad man o sa trabaho. âItâs true I donât like to deal with negatives. âYung mga tao na masyadong negative nakikita ko walang nangyayari sa kanila, nakikipag-away pa," sabi ni Lara, na tumanggap ng nursing excellence award for administration mula sa Philippine Nurses Association of Southern California ngayong 2007. Pagkatapos makuha ang lisensiya bilang registered nurse, nakalipat agad si Lara sa VA Healthcare System kung saan hanggang ngayon ay dito pa rin siya nagtatrabaho. Kasalukuyang nurse manager si Lara sa Nursing Home Care Unit 213-2 na nakakuha rin ng parangal bilang best nursing team ng Advance Journal ngayong 2007. At sa mahigit na 1,000 nurse na nakalaban niya sa titulong âBest Nurse," talaga namang lubos ang kaligayahan ni Lara na mapili ng Advance hindi lang para sa sarili kundi maging sa mga kapwa Filipino. PDSA approach Unti-unting nakilala si Lara sa kanyang mga ipinatupad na programa sa nursing home upang mapababa ang bilang ng mga matatandang pasyente na bumabagsak sa sahig o kung tawagin sa US ay âpatient fall." Pag-amin ni Lara, nagkaroon siya ng guilty feeling nang bumagsak sa sahig ang isang nâyang pasyente na nagresulta sa pagdugo ng ulo nito. âWhen it happened na-guilty ako, inisip ko bakit siya bumagsak? Ang mga supervisor ko na naniwala sa kakayahan ko, may itinuro silang P.D.S.A or plan, do, study, act. Ibig sabihin, kung may problema iplano mo kung papaano lulutasin, pag-aralan mo ang dahilan, at gawan mo ng intervention. Ngayon kung maganda ang result how will you spread it out," paliwanag niya. Unang ipinatupad ni Lara ang âhourly safety check" sa mga pasyante kung saan ang bawat staff sa nursing home ay binigyan siya ng toka na bisitahan ang mga pasyente tuwing ika-15 minuto. âMay 16 staff ako na every 15 minutes palitan sila ng silip sa mga pasyente just to check the patient and say âhi, how are you? Anything you want? Noong una ayaw nila (staff) pero pagtagal nakita nila ang response ng mga pasyente nagustuhan na rin nila," sabi ni Lara. Sumunod nito ang ânursing as caring" na direktang komunikasyon ng mga staff sa mga pasyente. Paliwanag ni Lara, dahil matanda ang mga pasyente, marami sa kanila ang bugnutin at nalulungkot kapag hindi nakikita ang kapamilya. âMay mga pasyente na nagwawala, mura ng mura. Sasabihin ko sa staff na huwag sagutin at hayaan na lang. What I wanted is to make them feel na kami ang pamilya nila para mabawasan ang lonesome nila," dagdag ni Lara. Ikatlong approach ang âpolypharmacy" o pagbawas sa gamot na ibinibigay sa mga pasyente. Napuna ni Lara na halos lahat ng kanyang pasyente na bumabagsak ay pinaiinom ng mahigit na siyam na gamot. Dahil sa edad, naniniwala si Lara na nagkakaroon ng epekto sa katawan ng pasyente ang labis na gamot katulad ng nagiging dahilan ng kanilang pagkahilo at pagiging bugnutin. Ikaapat naman ang âbowel and bladder" kung saan pinag-aralan nila ang oras ng pasyente sa pagpunta sa banyo at kakayanan nitong magtungo sa banyo na mag-isa. Isa umano sa madalas na dahilan ng âpatient fall" ay ang pagpunta ng pasyente sa banyo kaya naman kinukuha nila ang oras kung kailan dapat magtungo sa banyo ang pasyente. âAlam mo sa bowel and bladder" program, hindi lang nabawasan ang patient fall, nakatipid pa ng malaki ang gobyerno dahil nabawasan na ang konsumo sa supply ng mga pasyente like diaper," kuwento niya. Kung noong taong 2000 ay nagkakaroon ng 75 cases ng patient fall sa kanilang pagamutan, sa programang ipinatupad ni Lara ay naibaba ito sa 35 pagsapit ng 2001. Nitong 2006, umabot lamang sa 17 ang kaso ng patient fall. Pasasalamat Dahil malaki ang nagagastos ng pamahalaan ng US sa mga operasyon at pagpapagamot sa mga matatanda na bumabagsak na nagreresulta sa pagkabali ng mga parte ng katawan at kung minsan ay nagiging dahilan pa ng kamatayan, ang programa ni Lara ay ginagamit na rin sa ibang pagamutan. Bukod sa parangal at pagkilala sa kanyang mga nagawa, higit na malaking sukli para sa kanilang mga nurse ang pasasalamat na natatanggap mula sa mga kamag-anak ng mga pasyente. Ipinakita ni Lara sa GMANews.TV ang mga sulat na ibinigay sa kanya ng mga anak ng mga pasyente upang ipaabot ang pasasalamat sa itinuro niya sa kanyang mga staff sa tamang pagkalinga at pag-alaga sa kanilang mahal sa buhay. Isa sa mga sulat ay mula sa isang dayuhan na nakasulat sa wikang English ngunit sa pagtatapos ng liham ay kapuna-puna ang malaking titik na âMABUHAY!" âGusto ng mga pasyente ang mga Filipino kasi tayo we are caring persons, walang pretension. Kaya sana ay ipagpatuloy natin ito," pagtatapos ni Tita Lily Lara. - Fidel Jimenez, GMANews.TV