Gabay sa pagkamit ng PhilHealth reimbursement
Upang mapadali ang pagkamit ng PhilHealth reimbursement ng mga miyembrong OFW, iminumungkahing ihanda ang mga dokumento na nakasaad sa gabay na ito. A. Local confinement Outright deduction: Upang makamit kaagad ang PhilHealth benefits bago lumabas ng ospital, isumite sa Billing Section ng ospital ang mga sumusunod: * Original PhilHealth Claim Form 1 (memberâs data record, o MDR) * Valid Enhanced MDR, o PhilHealth Premium Payment Receipt (ang mga ito ay E-receipt, PhilHealth Official Receipt, MI-5) * Kung dependent ang na-confine at wala ang pangalan nito sa Enhanced MDR, maglakip ng kopya ng dokumentong magpapatunay sa relasyon ng legal dependent sa miyembro Direct Reimbursement: Isumite ang mga sumusunod sa PhilHealth sa loob ng 60 araw pagkalabas ng ospital: * Original PhilHealth Claim Form 1 (MDR) * Original PhilHealth Claim Form 2 (hospital data record) * Original PhilHealth Claim Form 3 (para lamang sa na confine sa level 1 hospital (primary) o naospital ng mababa 24 oras). * Valid Enhanced MDR, o PhilHealth Premium Payment Receipt (ang mga ito ay E-receipt, PhilHealth Official Receipt, MI-5) * Original Official Receipt (OR), o waiver na galling sa ospital at duktor na nagpapatunay na walang naibawas na PhilHealth benefits sa kabuuang binayaran. * Hospital Operative Record (kung may surgical procedure) * SPA or Letter of Authorization for spouse/dependent to claim in behalf of the member abroad. B. Confinement abroad Isumite ang mga sumusunod sa PhilHealth sa loob ng 180 araw pagkaraang lumabas ng ospital: * Original PhilHealth Claim Form 1 (MDR) * Valid Enhanced MDR, o PhilHealth Premium Payment Receipt (ang mga ito ay E-receipt, PhilHealth Official Receipt, MI-5) * Kung dependent ang na-confine at wala ang pangalan nito sa Enhanced MDR, magsumite ng kopya ng dokumentong magpapatunay sa relasyon ng legal na dependent sa miyembro * Official Receipt ng binayarang bill sa ospital at duktor. * Statement of account (may kaukulang singil para sa kwarto, gamot, X-ray at iba pang laboratory examinations, operating room at bayad sa duktor). * Medical certificate mula sa attending physician kung saan nakasaad ang final diagnosis, petsa ng pagkakaospital at iba pang serbisyong isinagawa. Paalala: Dapat nakasalin sa English ang mga dokumentong nakasulat sa ibang wika. Maaaring pirmahan ng itinalagang kinatawan ng miyembro ang PhilHealth MDR kung ang member ay nasa abroad. Mahihingi ang nasabing form sa ospital, PhilHealth office, o mag-download ng Forms sa PhilHealth website. Bumisita o tumawag sa: * Overseas Workers Program (OWP) office 11th Flr. Citystate Centre 709 Shaw Blvd., Pasig City Contact Nos. (02) 637-37-54, (02) 637-99-99 locals 1122 & 1124 (Cel) - 0918-963-5396 e-mail - owp@philhealth.gov.ph * OWP Operations Center POEA Ortigas Ave. cor EDSA, Mandaluyong City Contact Nos. (02) 724-9414; 725-51-78 Source: http://www.philhealth.gov.ph/owp.htm