ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Francis M's cremated remains taken back to Christ the King memorial chapel
MANILA, Philippines - Dinala na ang mga labi ni Francis Magalona sa Christ the King Memorial Chapel sa Green Meadows, Quezon City, mula sa Paz Crematory ngayong Miyerkules ng umaga. Ini-cremate ang mga labi ng King of Pinoy Rap bandang alas-dos ng madaling araw. Magdadaos ng isang misa bago tuluyang ihatid ang yumaong artista sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Marikina City. Ang tinaguriang Master Rapper ay pumanaw noong nakaraang Biyernes dahil sa acute myelogenous leukemia. Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, pararangalan ng Malacañang ng Presidential Medal of Merit si Magalona para sa kontribusyon nito sa patriotismo sa pamamagitan ng kanyang makabayang musika. -Aie Balagtas See with Johanna Camille Sisante, GMANews.TV
Tags: francismagalona
More Videos
Most Popular