ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
SONA 2012: A guide for kids
By VERONICA PULUMBARIT, GMA News
On Monday, President Benigno Simeon Aquino III delivered his third State of the Nation Address (SONA), a yearly tradition in which the President reports about the status of the Philippines.
Here are excerpts from Aquino's SONA, delivered in Filipino. An English translation is posted on the government's Official Gazette. The complete text of Aquino's SONA can be accessed here. (1) 'NIGHTMARES' OF PREVIOUS DECADES
"Sawa na kami sa korupsyon; sawa na kami sa kahirapan. Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang tunay na kakampi ng taumbayan."
"Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang aking ama; tatlong taong napilitang mangibang-bansa ang aking pamilya; naging saksi ako sa pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya."
"Huwag po nating kalimutan ang pinag-ugatan ng Batas Militar: Kinasangkapan ng diktador ang Saligang Batas upang manatili sa kapangyarihan. At hanggang ngayon, tuloy pa rin ang banggaan sa pagitan ng gusto ng sistemang parehas, laban sa mga nagnanais magpatuloy ng panlalamang."
"Mula sa unang araw ng ating panunungkulan, walang ibang sumalubong sa atin kundi ang mga bangungot ng nawalang dekada."
(2) PROBLEMS LEFT BY PREVIOUS ADMINISTRATION
"Nariyan po ang kaso ng North Rail. Pagkamahal-mahal na nga nito, matapos ulitin ang negosasyon, nagmahal pa lalo. Sa kabila nito, binawasan ang benepisyo."
"Nariyan ang walang pakundangang bonus sa ilang GOCC, sa kabila ng pagkalugi ng kanilang mga ahensya. Nariyan ang isang bilyong pisong pinasingaw ng PAGCOR para sa kape. Nariyan ang sistemang pamamahala sa PNP na isinantabi ang pangangailangan sa armas ng 45 percent ng kapulisan, para lang kumita mula sa lumang helicopter na binili sa presyong brand new."
"Wala na ngang iniwang panggastos, patung-patong at sabay-sabay pa ang mga utang na kailangang bayaran na." (3) ECONOMIC REFORMS
"Nagpatupad po tayo ng reporma: tinanggal ang gastusing hindi kailangan, hinabol ang mga tiwali, at ipinakita sa mundong open for business under new management na ang Pilipinas."
"Ang dating sick man of Asia, ngayon, punung-puno na ng sigla." "Sa Philippine Stock Exchange index, nang una nating nahigitan ang 4,000, may mga nagduda. Ngayon, sa dami ng all-time high, pati economic managers, nahirapan yata sa pagbilang: nakaka-apatnapu't apat na pala tayo, at bihira nang bumaba sa 5,000 ang index."
"Sa bawat sulok ng mundo, nagpapakita ng paghanga ang mga komentarista. Ayon sa Bloomberg Business Week, 'Keep an eye on the Philippines.'"
(4) SOCIAL SERVICES FOR MORE PEOPLE
"Sinisiguro po nating umaabot ang kaunlaran sa mas nakararami. Alalahanin po natin: Nang mag-umpisa tayo, may 760,357 na kabahayang benepisyaryo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program."
"Base sa listahan ng DSWD: May 1,672,977 na mga inang regular nang nagpapacheck-up. 1,672,814 na mga batang napabakunahan laban sa diarrhea, polio, tigdas at iba pa. 4.57 million na estudyanteng hindi na napipilitang mag-absent dahil sa kahirapan."
"Ang maganda pa rito: ang 5.2 million na pinakamahirap na kabahayang tinukoy ng ating National Household Targeting System, buong-buo at walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth."
(5) HEALTH CARE ACCESS FOR ALL
"...ang hangad natin: kalusugang pangkalahatan. Nagsisimula ito, hindi sa mga pagamutan, kundi sa loob mismo ng kanya-kanya nating tahanan. Ibayong kaalaman, bakuna, at check-up ang kailangan upang mailayo tayo sa karamdaman. Dagdag pa po diyan ang pagsisikap nating iwasan ang mga sakit na puwede namang iwasan."
"Marami pa po tayong kailangang solusyonan. Nakakabahala ang mataas pa ring maternal mortality ratio ng bansa. Kaya nga po gumagawa tayo ng mga hakbang upang tugunan ang pangangailangan sa kalusugan ng kababaihan. Nais din nating makamit ang Universal Health Care, at magkaroon ng sapat na kagamitan, pasilidad, at tauhan ang ating mga institusyong pangkalusugan." (6) SIN TAX BILL
"...malaki ang maiaambag ng Sin Tax Bill. Maipasa na po sana ito sa lalong madaling panahon. Mababawasan na ang bisyo, madadagdagan pa ang pondo para sa kalusugan."
(7) EDUCATION REFORMS
"Ano naman kaya ang sasalubong sa kabataan pagpasok sa paaralan? Sa lilim ng puno pa rin kaya sila unang matututo ng abakada? Nakasalampak pa rin kaya sila sa sahig habang nakikipag-agawan ng textbook sa kaklase nila?"
"Matibay po ang pananalig natin kay Secretary (Armin) Luistro: Bago matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana nating 66,800 na kakulangan sa silid-aralan." (8) RESPONSIBLE PARENTHOOD BILL "Sana nga po, ngayong paubos na ang backlog sa edukasyon, sikapin nating huwag uling magka-backlog dahil sa dami ng estudyante. Sa tingin ko po, Responsible Parenthood ang sagot dito."
(9) STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES
"At para naman po hindi mapag-iwanan ang ating mga State Universities and Colleges, mayroon tayong panukalang 43.61 percent na pag-angat sa kanilang budget para sa susunod na taon." "Paalala lang po: lahat ng ginagawa natin, may direksyon; may kaakibat na kondisyon ang dagdag-budget na ito. Kailangang ipatupad ang napagkasunduang SUC Reform Roadmap ng CHED, upang siguruhing de-kalidad ang magiging produkto ng mga pamantasang pinopondohan ng estado."
Nang maupo tayo, at masimulan ang makabuluhang reporma, minaliit ng ilan ang pagpapakitang-gilas ng pamahalaan. Kundi raw buwenas, ningas-kugon lang itong mauupos rin paglaon. May ilan pa rin pong ayaw magretiro sa paghahasik ng negatibismo; silang mga tikom ang bibig sa good news, at ginawang industriya ang kritisismo.
(10) MORE JOBS
"Sinisiguro nating manganganak ng trabaho ang pagsigla ng ating ekonomiya. Alalahanin po natin: para tumabla lang, kailangang makalikha ng isang milyong bagong trabaho para sa mga new entrants kada taon. Ang nalikha po natin sa loob ng dalawang taon: halos 3.1 million na bagong trabaho."
"Ito po ang dahilan kung bakit pababa nang pababa ang unemployment rate sa bansa. Nang dumating tayo, eight percent ang unemployment rate. (11) INFRASTRUCTURE IMPROVEMENTS
"Malaking bahagi din po ng ating job generation strategy ang pagpapatayo ng sapat na imprastruktura. Sa mga nakapagbakasyon na sa Boracay, nakita na naman ninyo ang bagong-binyag nating terminal sa Caticlan. Nakalatag na rin po ang plano upang palawakin ang runway nito."
"Magkakaroon pa po ng mga kapatid iyan: bago matapos ang aking termino, nakatayo na ang New Bohol Airport sa Panglao, New Legaspi Airport sa Daraga, at Laguindingan Airport sa Misamis Oriental. Ia-upgrade na rin po natin ang ating international airports sa Mactan, Puerto Princesa, at Tacloban. Dagdag pa po diyan ang pagpapaganda ng mga airport sa Butuan, Cotabato, Dipolog, Pagadian, Tawi-Tawi, Southern Leyte, at San Vicente sa Palawan."
"Nitong Hunyo po, nagsimula na ring umusad ang proseso para sa LRT Line 1 Cavite Extension project, na magpapaluwag ng trapik sa Las Piñas, Parañaque, at Cavite." "Dagdag pa diyan, para lalong mapaluwag ang traffic sa Kamaynilaan at mapabilis ang pagtawid mula North Luzon hanggang South Luzon Expressway, magkakaroon ng dalawang elevated NLEX-SLEX connector. Matatapos po ang mga ito sa 2015."
(12) TOURISM
"Kaakibat ng pagpapaunlad ng imprastruktura ang paglago ng turismo." "...Hunyo pa lang ng 2012-- 2.1 million na turista na ang napalapag. Mas marami pang dadagsa sa peak season bago matapos ang taon, kaya hindi ako nagdududang maaabot natin ang quota na 4.6 million na turista para sa 2012. "Ang pahayag nga po natin sa daigdig: "It's more fun in the Philippines." Kahit wala pang isang taon sa puwesto si Secretary Mon Jimenez, nagagapas na natin ang positibong bunga ng ating mga naipunlang reporma. Masasabi nga po nating pagdating sa turismo, "It's really more fun-- to have Secretary Mon Jimenez."
(13) AGRICULTURAL REFORMS
"Kung paglago po ang usapan, nasa tuktok ng listahan ang agrikultura. Kayod-kalabaw po si Secretary Alcala upang makapaghatid ng mabubuting balita. Dati, para bang ang pinapalago ng mga namumuno sa DA [Department of Agriculture] ay ang utang ng NFA [National Food Authority]."
"Huwag lang po tayong pagsungitan ng panahon, harinawa, sa susunod na taon ay puwede na tayong mag-export ng bigas."
"Sinimulan po ng aking ina ang Comprehensive Agrarian Reform Program. Nararapat lamang na matapos ang programang ito sa panahon ng aking panunungkulan. Isinasaayos na po ang sistema upang mapabilis ang pagpapatupad ng repormang agraryo." "Ang atas ng batas, ang atas ng taumbayan, at ang atas ko: Bago ako bumaba sa puwesto, naipamigay na dapat ang lahat ng lupaing sakop ng CARP."
(14) ENERGY SECTOR
"Liwanagin naman po natin ang nangyayari sa sektor ng enerhiya. Mantakin po ninyo: Dati, umabot lang ang kawad ng kuryente sa barangay hall, energized na raw ang buong barangay." "...para subukan ang kakayahan ng DOE at NEA, naglaan tayo ng 1.3 billion pesos para pailawan ang unang tinarget na 1,300 sitios, sa presyong isang milyong piso bawat isa."
(15) LOWER CRIME RATE "Patuloy po ang pagbaba ng crime volume sa buong bansa. Ang mahigit limandaan libong krimen na naitala noong 2009, mahigit kalahati po ang nabawas: 246,958 na lamang iyan nitong 2011. Dagdag pa rito: ang dating dalawanlibo't dalawandaang kaso ng carnapping noong 2010, lampas kalahati rin ang ibinaba: 966 na lang po iyan pagdating ng 2011."
(16) NATIONAL DEFENSE
"Dumako naman po tayo sa usapin ng pambansang tanggulan. May mga nagsabi nga po na ang ating Air Force, all air, at no force. Imbes na alagaan ng estado, para bang sinasadyang ilagay sa alanganin ang ating mga sundalo. Hindi po tayo makakapayag na manatiling ganito."
"Makalipas nga lang po ang isang taon at pitong buwan, nakapaglaan na tayo ng mahigit dalawampu’t walong bilyong piso para sa AFP Modernization Program."
"Kasado na rin po ang tatlumpung milyong dolyar na pondong kaloob ng Estados Unidos para sa Defense Capability Upgrade and Sustainment of Equipment Program ng AFP. Bukod pa po ito sa tulong nila upang pahusayin pa ang pagmanman sa ating mga baybayin sa ilalim ng itatayong Coast Watch Center ng Pilipinas."
(17) TERRORISM
"At ngayon ngang inaaruga na sila ng taumbayan, lalo namang ginaganahan ang ating kasundaluhan na makamtan ang kapayapaan. Tagumpay pong maituturing ang dalawandaan at tatlong rebeldeng sumuko at nagbabalik-loob na sa lipunan, at ang 1,772 na bandidong nawakasan na ang karahasan.: (18) PEACE PROCESS
"Sa peace process naman po: hayag at lantaran ang usapan; nagpapamalas ang magkabilang panig ng tiwala sa isa't isa. Maaaring minsan, magiging masalimuot ang proseso; signos lang po ito na malapit na nating makamit ang nag-iisa nating mithiin: Kapayapaan."
(19) MINING
"Mapayapang pag-uusap rin po ang prinsipyong isinulong natin upang mabuo ang ating Executive Order ukol sa pagmimina. Ang kaisipan sa likod ng nabuong consensus: mapakinabangan ang ating likas na yaman upang iangat ang buhay ng Pilipino, hindi lamang ngayon kundi pati na rin sa susunod na salinlahi. Hindi natin pipitasin ang ginintuang bunga ng industriyang ito, kung ang magiging kabayaran ay ang pagkasira ng kalikasan."
(20) DISASTER MANAGEMENT
"Pag-usapan po natin ang situwasyon sa Disaster Risk Reduction and Management. Dati, ang gobyernong dapat tumutulong, nanghihingi rin ng tulong. Ngayon, nasa Pasipiko pa lang ang bagyo, alam na kung saan idedestino ang ayuda, at may malinaw nang plano upang maiwasan ang peligro."
"Real-time at direkta na ang pakinabang ng walumpu't anim na automated rain gauges at dalawampu’t walong water level monitoring sensors natin sa iba’t ibang rehiyon. Bago matapos ang 2013, ang target natin: anim na raang automated rain gauges at apatnaraan at dalawampu’t dalawang water level sensors. Ipapakabit po natin ang mga ito sa labingwalong pangunahing river basins sa buong bansa."
(21) ILLEGAL LOGGING
"Matagal na pong problema ang illegal logging."
"Ang mga trosong nakukumpiska ng DENR, lalapag sa mga komunidad na naturuan na ng TESDA ng pagkakarpintero. Ang resulta: upuan para sa mga pampublikong paaralan na hawak naman ng DepEd. Isipin po ninyo: ang dating pinagmumulan ng pinsala, ngayon, tulay na para sa mas mabuting kinabukasan. Dati, imposible nga ito: Imposible kung nagbubulag-bulagan ang pamahalaan sa ilegal na gawain."
(22) IMPROVED SALARY, PENSION
"Iba na po talaga ang mukha ng gobyerno. Sumasabay na nga po sa pribadong sektor ang ating pasahod para sa entry level. Pero kapag sabay kayong napromote ng kaklase mong piniling mag-pribado, nagkakaiwanan na."
"Mahahabol din po natin iyan; sa ngayon, ang good news natin sa mga nagtatrabaho sa pamahalaan: Performance Based Incentives.
(23) PANATAG SHOAL CONTROVERSY
"Mayroon po tayong mga miron na nagsasabing hayaan na lang ang Bajo de Masinloc; umiwas na lang tayo. Pero kung may pumasok sa inyong bakuran at sinabing sa kanya na ang kanyang kinatatayuan, papayag ba kayo? Hindi naman po yata tamang ipamigay na lang natin sa iba ang sadyang atin talaga."
"Kaya nga po hinihiling ko sa sambayanan ang pakikiisa sa isyung ito. Iisa lang po dapat ang kumpas natin. Tulungan ninyo akong iparinig sa kabilang panig ang katuwiran ng ating mga paninindigan."
"Hindi po simple ang sitwasyon, at hindi magiging simple ang solusyon. Magtiwala po kayo: kumokonsulta tayo sa mga eksperto, at sa lahat ng pinuno ng ating bansa, pati na sa mga kaalyado natin-- gayundin sa mga nasa kabilang panig ng usaping ito-- upang makahanap ng solusyon na katanggap-tanggap sa lahat."
(24) NEXT CHIEF JUSTICE
"Kaya po sa susunod na magiging Punong Mahistrado, malaki ang inaasahan sa inyo ng sambayanan. Napatunayan na po nating posible ang imposible; ang trabaho natin ngayon, siguruhing magpapatuloy ang pagbabago tungo sa tunay na katarungan, matapos man ang ating termino. Maraming sira sa sistemang kailangan ninyong kumpunihin, at alam kong hindi magiging madali ito. Alam ko po kung gaano kabigat ang pasanin ng isang malinaw na mandato; ngunit ito ang atas sa atin ng taumbayan; ito ang tungkuling ating sinumpaan; ito ang kailangan nating gampanan."
"Maraming salamat sa pagiging instrumento ng katarungan, lalo na noong kasagsagan ng impeachment trial. Salamat din po sa dalawang institusyong bumubuo ng Kongreso: Sa Senado at Kamara de Representante, na tinimbang ng taumbayan at nakitang sapat na sapat."
"Paalala lang po: hindi natatapos ang laban sa isang tiwaling opisyal na natanggal sa puwesto, sa isang ma-anomalyang kontratang napigil ipatupad, o sa isang opisinang naituwid ang pamamalakad. Kaya naman nananawagan po tayo sa Kongreso na ipasa ang panukala nating pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act, upang mas mapaigting pa natin ang pagpapanagot sa mga tiwali."
Itong tinatamasa natin ngayon: ang bawat nailawan at iilawan pang sitio; ang bawat daan, tulay, paliparan, tren, at daungan; ang bawat kontratang walang bukol; ang kaligtasan at kapayapaan mula lungsod hanggang nayon; ang pagbalik ng piring sa sistemang pangkatarungan; ang bawat classroom, upuan, at aklat na napapasakamay ng kabataan; ang bawat Pilipinong nahahandugan ng bagong kinabukasan-- ang lahat ng ito, naabot natin sa loob lamang ng dalawang taon.
(25) 2013 POLLS
"Paparating na naman po ang halalan. Kayo po, ang aming mga boss, ang tangi naming susundan. Ang tanong ko sa inyo, "Boss, saan tayo tatahak? Tuloy ba ang biyahe natin sa tuwid na landas, o magmamaniobra ba tayo't aatras, pabalik sa daan na baluktot at walang patutunguhan?"
"Noon pong nakaraang taon, hiniling ko sa taumbayan: Magpasalamat sa mga nakikiambag sa positibong pagbabago sa lipunan. Hindi po biro ang mga pagsubok na dinaanan natin, kaya angkop lamang na pasalamatan ang mga taong nakibalikat, sa pagkukumpuni sa mga maling idinulot ng masamang pamamahala."
What is a SONA? According to the Official Gazette, the SONA is an annual practice that began during the Commonwealth of the Philippines in the 1930s.
President Manuel L. Quezon delivered the first SONA on June 16, 1936. However, the practice of giving an annual report on the state of the Philippines began 20 years earlier, with the implementation of the Jones Law of 1916, when the country was still a colony of the United States. The Jones Law stated that the Governor-General of the Philippine Islands must report to an executive office on the administration of the territory, which would then transmit the report to the President of the United States.
Aquino's SONA on Monday (July 23, 2012) was the 73nd in history, and the 26th of the Fifth Republic.
Some trivia The "Traditions and History" section of the SONA microsite on the Official Gazette lists some trivia about the SONA: When President Manuel L. Quezon, delivered the country's first ever SONA in 1936, he proposed the creation of a national language: Filipino. President Ferdinand E. Marcos, who was in power from December 30, 1965 to February 26, 1986, delivered the most number of SONAs: 20. President Gloria Macapagal-Arroyo, who was in power from 2001 to 2010, delivered the next highest number of SONAs next to Marcos: 9. President Sergio Osmeña delivered the least number of SONAs — only one — upon the restoration of the Philippine Commonwealth in 1945. Two presidents — Emilio Aguinaldo (in office from 1899 to 1901) and Jose Laurel (in office from 1943 to 1945) — did not deliver SONAs as the constitutions during their time did not require a report to Congress. On four occasions, Marcos did not deliver SONAs in front of Congress: 1973, 1974, 1975, and 1977. President Elpidio Quirino (in office from 1948 to 1953) delivered a SONA via radio broadcast when he was confined at Johns Hopkins Hospital in the United States. The broadcast was aired live in Congress while it was in session. The SONA is delivered every fourth Monday of July. President Benigno Aquino III delivered his SONAs on the following dates:
- July 26, 2010
- July 25, 2011, and
- July 23, 2012.
His mother, President Corazon Aquino (in office from 1986 to 1992), did not deliver a SONA when she assumed power in 1986. That became the only year since 1945 that a SONA was not delivered. From 1942 to 1944, during World War II, there were no SONAs delivered. - BM, GMA News
Useful links:
SONA page on the Official Gazette website List of all SONAs delivered by Philippine Presidents
More Videos
Most Popular