ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

'Jesse fulfilled his dreams:' Excerpts from news conference of Leni Robredo


After days of extreme worry and then grief, Interior Secretary Jesse Robredo's widow Leni faced the media for the first time on Thursday to share her fondest memories of the man she called "a regular dad, regular husband," who came home to Naga every weekend to spend time with his family, and even fix the plumbing in the house. Some excerpts from her news conference: We feel very honored na inoffer ang Libingan ng mga Bayani, but Jesse said Naga has always been his home so he prefers to be buried in Naga.   We are coping. Napakahirap, masakit mawalan ng asawa, tatay, kapatid, pero kami kasi alam namin ito ang ginusto ng Diyos. Wala naman kaming magagawa kundi tanggapin.   When the accident happened, maluwag sa kalooban kong tanggapin na yun ang nakatakda para sa kanya. Ang pinaka matutulong na lang namin sa katahimikan niya na mapakita na matatag kami at kaya namin.   Mahaba ang usapan namin. On a regular basis nag-uusap kami mga 10-20 times a day. Pero that particular Saturday, dumoble yun, pati text. Kung ano ang nangyayari sa okasyon dito, I would update him. Tatawag siya, masaya, kakausapin anak ko.   All throughout the day ganun ang usapan namin. He wants to go home. Akala niya 5 p.m. matatapos yung event pero nag-text ako ng 2 p.m. natapos na. Akala ko hindi na siya tutuloy pero a staff told me na tumuloy pa din. Tuwang tuwa kasi yun na sinosorpresa kami na kala namin di siya dadating pero dumadating pa din. Tinext ko siya ng 3:15 p.m. Sabi ko 'pa, 'Tutuloy ka pala.' Sabi niya, 'Oo, boarded na.'   Sinusundo ko kasi yun sa airport. Magda-drive ako. Tapos sabi niya, 'Take your time kasi ETA (estimated time of arrival) is 4:15 pa naman'   Just before I reached the airport nag-text siya, 'Balik ang plane sa Cebu.' Tinanong ko bakit pero nag-reply ng 'balik ang plane sa Cebu.' I was waiting for instruction kung uuwi na pero di ko siya makontak. I decided to go home. Sabi ko, 'Tawag ako ng tawag hindi ka sumasagot.' He answered, 'Mahirap kasi ang signal.'   When I reached home at 4:40 chineck ko sa call log, kaya sabi ko imposibleng 4:30 nangyari ang accident. I was finally able to contact him sa Smart number niya. He answered pero ang sabi niya, 'Sandali lang may inaasikaso ako. Tawagan kita…' in a very calm voice na parang he was attending a meeting. Sabi ko, 'OK.' Hinayaan ko na yun kaya I thought for a fact na he safely landed in Cebu.   Pero about 15 minutes after, mga 4:55 to 5 p.m., his security in Manila called me up. Sabi niya, 'Ma'am nakausap mo ba si Sir?' Sabi ko 5 minutes ago. Pero apparently mga 15-20 minutes ago na. Sabi ko, 'Bakit?' Tapos sinabi na niya. A few minutes ago he asked for help na i-clear ang Masbate airport for emergency landing.   Several officials were there pero may sighting na yung plane nag-crash sa dagat. Hindi nag-register sa ‘kin at tinanong ko kung sila Jess ba yun. Sabi ni Paul ‘wag naman sana pero when I put the phone down, dun ko na naisip. I told my youngest daughter. I asked to pray. She was crying. I called Aika, she was at Araneta Coliseum watching UAAP. She left the game, picked up her sister and went to church. Sinabihan ko na din mga kapatid ko.    In a few minutes dumating si Mayor Bongat until madami ng tao sa bahay. Everyone was hoping na he would be ok pero ako I knew from the first night that he was gone.   I only read about it in the papers pero ‘di niya sinabi. Sinabi niya lang babalik sa Cebu (Cebu Pacific flight schedule).   Hindi ko pa siya (aide-de-campe) nakausap but I texted his father. I was told he was going to Manila with his father. I knew how he must be feeling.   Sabi ko "Si Leni Robredo po ito. Pakisabi kay Jun nagpapasalamat kami kasi nabuhay siya at alam namin na binantayan niya yung asawa ko."   May nababasa ako about him pero sino ang prepared for plane crash? We don't expect na isalba ang asawa ko at siya mamamatay, instinct na yun. Yun ang nakatakda. Jun served Jesse very well kaya kung ano man ang nararamdaman ko kay Jun ay pasasalamat lang lahat.   Wednesday before that, I texted him. 'Pa, I started vigil for your confirmation.' Sabi niya, 'OK lang, wag na ako ipagdasal, OK lang yun. Pagdasal mo na lang 'yung midterms ng anak mo.'   Hindi naman yun ganun ka-importante for him. Mas importante sa kanya na nagawa niya yung trabaho niya ng mahusay. Para kasi sa akin parang formality yun. Ayaw ko na mag-comment sa postponement pero I would like to think na hindi malaking bagay sa kanya yun na hindi siya na-confirm.   As of now siguro dahil numb with grief, wala akong maisip na concrete. Gusto ko sana to keep his memory alive. I think yung pinakamapapakita para maalala siya ay masanay ang sinimulan niya sa kung sinoman ang papalit at yung seed na pinunla niya sa LGU, tumubo kasi sayang yun kung yung sinimulan ng asawa ko mapupunta sa wala.   Nung nabubuhay pa si Jess, lagi niyang sinasabi na gusto niya ma-cremate so maybe baka sundin namin siya. Pero we owe sa people of Naga na may burial na mabisita sila so we are preparing for that.   Kadadating pa lang ng kapatid niya, pag-uusapan pa lang ngayong umaga.   Pag-uusapan pa lang ngayon umaga how they would break the news for them. Ang mag-uusap yung magkakapatid ukol dun. Hinintay nila, gusto nilang mag-decide silang magkakapatid. Hinintay nila yung panganay.   Binibiro namin sa bahay si Jesse. Sabi namin, 'Papa grabe ka na.' He was always assured of the love from the people of Naga pero hindi lang pala taga Naga ang nagmamahal sa kanya. ‘Pag nakikita namin ang news para sa tribute about him, masaya. Nung nag DILG Sec siya, very passionate siya sa trabaho. Pag uuwi siya, nagtatanong siya kung may patutunguhan ang ginagawa niya. Hindi niya alam kung naappreciate ang ginagawa niya. Sabi ko ngayon, ayan sinagot ka na.   Dadating ang punto na mamimiss ko siya. Pero right now mas gusto naming isipin na ang saya-saya na niya ngayon.   Si Jess po was a regular husband, regular mayor. Hindi siya Secretary pag nasa bahay. Umuuwi lang siya every weekend. Lahat ng aayusin sa bahay, hinihintay ko siya. Busted lights, plumbing, sirang telepono, etc. One of the reasons why he wanted to go home every weekend was he feels grounded here.   Sabi niya everytime he wants to come home, he wants to feel like a regular husband and regular father. Yung doorbell namin sira, inayos niya. Pag brownout, tetext namin siya tapos tatawag siya after 5 minutes with update. Kapag wala kaming Internet, mamaya may dadating na mag-aayos. Bakit siya pa ang ginugulo namin sa ganyan? He wanted to feel important to us.   Palagi niyang sinasabi na, 'Mahirap masanay kasi baka hanap-hanapin.'   One time may nagtanong sa kanya bakit ka ba uwi nang uwi. Sabi niya masisira ulo ko sa Manila pag di ako umuwi.   Attire niya sa Naga naka-shorts at tsinelas. Nagbibisikleta siya walang guard. Palagay ko yun ang kanyang happiness. Yung trabaho niya sa Manila, trabaho lang talaga pero yung personal happiness niya nandito.   Si Aika at Tricia very active sa community service sa Ateneo. Active sila sa advocacies pero hindi sa politics. We are not closing doors pero very slim ang possibility na may magpupulitika.   While I was on my way to the airport, binasa ko ang text ng papa niya. 'Isama mo si Jill sa pagsundo, blowout natin siya.' I already explained to her na tapos na yung okasyon. Na hindi siya yung dahilan kaya nagmadali umuwi si papa niya. Ngayon naintindihan na niya na she was not to be blamed. Ganun lang talaga yung papa niya, laging nagmamadaling umuwi.   He had a lot of frustrations pero it was told to me in confidence pero di ko na sasabihin kung ano. Pero he was very hopeful. Importante talaga na matino ang Presidente. Medyo impatient siya pero papunta na sana sa tamang daan.   Parati niyang sinasabi na parang ang husay ng choices sa Cabinet. I told the persons concerned already. He admired the people in the Cabinet. Lahat hardworking at matino. 'Yan namang si Dinky ang sipag sipag.' Sabi ko mas masipag pa sa yo?' Sabi niya, 'Oo. At least ako may weekend. Siya wala.'   I only requested our residence in Manila be secured. I know he has documents, I don't know if (they’re) in the house.   We just celebrated (25th wedding anniversary) last June 27. Very typical Jess. We celebrated on a weekday so I know he will not be coming home. So nung day ng aming anniversary, regular lang. Nag-work ako, nag-school anak ko. He arrived in the afternoon with flowers. Yung flowers hiningi niya sa dinaanan niya at nilagay sa bundle. He arrived afternoon and he left early morning.   Sabi ko nga magandang advertisement sa Timex. After 3 days underwater, it was still working, tama pa din ang oras. Yun ang suot ni Tricia. I have his wallet. I was told last night na yung kanyang bag nakuha last night. I was asking if we could have it.   Hindi naman ata ako qualified dun pero si Jess naniniwala na no one is indispensable. Sabi niya marami tayong talents na available, kailangan lang ma-tap. May mga mahuhusay pero di lang nabibigyan ng break. Sana yung ma-appoint will share his visions para matuloy ang nasimulan.   Wala (regrets). Alam ko na he lived a full life, fulfilled all his dreams. Last Sunday nag-uusap kami. Sabi niya, 'Quotang quota na ko. Wala na kong panaginip para sa sarili ko, sa mga anak ko lang.' Sabi niya yung mga nangyayari sa kanya hindi niya pinanaginip, sobra sobra na ito. Saka he was prepared to face the Lord. Napakadalas din niya magkumpisal kaya handang handa yun kaya I did not even question bakit siya kinuha ng maaga.   ‘Yun ang pinapaliwanag ko sa anak ko na tragic sa 'min kasi hindi kami prepared. Pero palagay ko reward yun sa kanya sa lahat ng ginawa nya.   (Magre-retire na daw sa politics?) lagi naman niya yun sinasabi. Everytime he feels frustrations, sasabihin niya ayaw na niya pero gagawin pa rin niya ang kanyang mga ginagawa.   Nagsimula siyang maging devotee (Our Lady of Peñafrancia) at 16. Fifty-four na siya. Walang paltos yun. Taon-taon kasama siya sa fluvial procession. Tinuro niya sa pamilya ang devotion, pag-novena.   Palagay ko nandiyan pa din siya. Siguro malungkot ang piyesta na wala siya kasi permanent fixture siya pag Peñafrancia. Sabi ko kay Jillian wag na siya malungkot kasi dati tuwing weekend lang siya nandito. Ngayon lagi na namin siyang kasama.   Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng pakikiramay. Malaking bagay sa pagharap sa aming kalungkutan ang pagmamahal na bigay ng lahat. Hindi namin inaasahan na ganito. Alam namin na mahal siya ng taga Naga, pero di namin alam na maraming buhay ang kanyang na-touch. May galing Mindanao, Nueva Vizcaya, iba pa. Kahapon nagpunta ang governors, nag-iiyakan. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng asawa ko pero ang laking consolation na sinasabi nila na, 'Ganito ang asawa mo..' Parang hindi lang po kami ang nalungkot, parang lahat ni-regard na pamilya siya. Alam namin na magiging masaya ang asawa ko.   Gusto namin i-announce na marami na po tayong flowers. Yung nagbabalak na magbigay ng flowers, donation na lang sa two favorite charity ng asawa ko... at Missionaries of the Poor. Bibigay later on ang details.