ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

(Episode 2) Transcript, part 1: Isang Tanong, May 6, 2007 episode


MIKE ENRIQUEZ: Magandang, magandang gabi po mga Kapuso. Ito na po ang ikalawang pagtatanghal ng espesyal na programa ng GMA News and Public Affairs, ang ISANG TANONG—The Senatorial Forum. Ito po ang pagsasama-sama ng mga kandidato sa pagkasenador, sasagutin nila ang pinaka-importanteng tanong ng bayan. Bawat kandidato inyong maririnig, bawat kandidato inyong mapapanood, bawat kandidato sasagot at susubukan nilang patunayan kung sila’y talagang karapat-dapat nga sa inyong boto at para ipaalala sa inyo mga Kapuso kung pa’no tatakbo ang ating programa panoorin nyo po ito… VOICEOVER: Haharap po sa apat na mga katanungan ang bawat senatorialble. Ang unang tanong ay magmumula sa mga anchors ng GMA News and Public Affairs, sa loob ng isang minuto at tatlumpung segundo kailangan nilang sagutin ang isang tanong ng mga ito. Habang ang isang kandidato ay nasa “Hot Seat" ang dalawa pang kandidato ay mananatili sa loob ng isang sound-proof cubicle. Ang ikalawang round ng tanungan ay manggagaling sa ating I-Witness host na si Howie Severino at sa mga media partners natin. Ang Philippine Daily Inquirer, ang Philippine Center for Investigative Journalism, Newsbreak at Catholic Media Network. Sila po ang magiging panel of interrogators at ang mga kandidato bibigyan natin ng tig-iisang minuto para sagutin ang mga tanong nila Ang ikatlong round ng tanungan ay magmumula sa mga senatoriable, nakalagay sa isang ballot box ang mga tanong na sila mismo ang gumawa. Bubunot ang bawat kandidato ng isang tanong at kinakailangan nila yang sagutin sa loob ng isang minuto. At sa huling bahagi ng forum may isang tanong para sa lahat ng mga senatoriable, may kalahating minuto naman ang bawat kandidato para sumagot. MIKE: Katulad po nung isang linggo kasama din natin ngayong gabi ang mga pinakarespetado at pinakapinagkakatiwalaan na mga haligi ng GMA News and Public Affairs walang iba kungdi sina Mel Tiangco, Jessica Soho, Arnold Clavio, Vicky Morales, Winnie Monsod, Howie Severino. At sa ating panel of interrogators, mga Kapuso, ang kolumnista ng Philippine Daily Inquirer at manunulat din ng Lipa libro, ang napakalalim pong sumulat na si Manolo Quezon III; ang Multi Media Desk Head ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ Alecks Pabico; batikan sa larangan ng investigative jounalism Glenda Gloria; at ang presidente ng Catholic Media Network—CMN Veritas si Fr. Francis Lucas. Dyan lang po kayo mga Kapuso, sa loob po lamang ng ilang saglit ihaharap na namin sa inyo ang mga kandidato sa pagkasenador. Ito ang ISANG TANONG, The Senatorial Forum. MIKE: Hindi na po tayo magpapaligoy-ligoy, mga Kapuso, kilalanin na po natin ang mga kandidato. Narito po ang unang tatlong kandidato para sa gabing ito. Una, isang dating broadcast journalist at TV host ang nagbabalik pulitika, Loren Legarda; dating presidential chief of staff at kalihim ng Department of Environment and Natural Resources, Mike Defensor; kilalang artista at atleta, Richard Gomez. At para simulan na ang ating tanungan, ang akin pong partner sa 24-Oras, sapagkat hindi natutulog ang balita pati sya hindi natutulog, si Mel Tiangco. Pero bago po yan ay aanyayahan ko po si ma’am Loren Legarda na magpunta na po sa “hot seat" kasama si Mel Tiangco at si Secretary Defensor at si Richard Gomez na magpunta po sa ating sound-proof na cubicle at isuot ang headset at ang mapapakinggan po nila ron, imbes na ang mga magaganap, ay ang sikat na sikat na ITAKTAK MO. VTR INTERVIEW: LOREN: Honest, that’s very important. Maski anong talino mo kung ikaw ay magnanakaw walang mangyayari at maski anong sipag mo kung ikaw ay hindi matapat na tao wala ring mangyayari. MEL: Hindi na rin ho ako magpapaliguy-ligoy pa, Bb. Legarda ang isang tanong ko sa’yo ay tumutukoy sa political turncoatism, Ano ba ang katotohanan, ang mga tumatakbo ba ay sumasanib sa political party dahil sa kanyang mga prinsipyo na nais nyang ipaglaban o simply for convenience? LOREN: Ang mga pagtakbo sa political party ay ayon na rin sa mga prinsipyo ng political party na yun at ayon na rin sa mga circumstances nung mga panahon sa panahon na yun. Ah, pag ikaw ay sumama sa isang party naniniwala ka sa paninindigan nun at pag ikaw ay lumipat ay ibig sabihin may nangyaring diperensya na iyong pagdidiperensya sa mga paninindigan ng mga miyembro ng partidong yun o ang kanilang posisyon sa mga bagay-bagay kaya ka lumipat. Sa tingin ko, Mel, para maiwasan ang mga paglilipat-lipat na napakaraming partido hindi natin malaman kung saan ang mga kandidato ay mag two-party system, mahalaga para maliwanag kung ikaw ay dito sa posisyon na yan o dito. Dahil ngayon pag lima, anim na partido sa administrasyon merong dalawa, tatlong partido sa oposisyon ganun din ay hindi maliwanag sa taong bayan kung ano ang position mo sa mga issues, kaya para maliwanag two-party system ang sagot dyan. MEL: Maraming salamat, Ms. Legarda, may katanungan sa’yo si Igan Arnold Clavio. ARNOLD: Magandang gabi ho, Senador. Sabi n’yo po kayo’y biktima ng dayaan sa election at ngayon eh muli kayong sumabak di ko alam kung nagtitiwala ulit kayo sa proseso. Pag nahalal po ba kayo anong electoral reforms ang inyong isusulong at kasama ho ba ang pagbuwag ng Commission on Elections? LOREN: We have to believe in institution. somehow, ako’y bumabalik po para maglingkod na muli bagama’t pinaglaban ko ng tatlong taon ang aking protesta na napakabagal, napakagastos but it was principled fight. Ano ang mga reforms? Unang-una po kailangan po talagang mag-computerize. Kailangang iakma natin sa kaalaman na rin ng ating napakaraming baka ma-disenfranchise pag hindi kayang computerization kaya kailangan turuan. Pangalawa po, kailangan akma rin sa budget na inallocate para sa Comelec. Pangatlo, yung time limit naman po pag anim na taon yung termino gaya ng aking ano Bise-Presidente eh dapat po up to 1 year lang po ang taning pag three years ang term, 6 months ang taning. Dapat state-subsidized ang protesta eh kaso natalo na po, nadaya eh ikaw pa magbabayad abunado ka pa kawawa naman po kami. Kaya dapat po itong mga reforms na ito at yung iba pang bagay ang syang mabigyan ng pansin pagbalik ko po sa Senado dahil ang tinig po ng sambayanan ang syang nadadaya hindi lang po ang kandidato. MEL: Maraming-maraming salamat sa’yo, Ms. Legarda. Tawagin ko naman po ang susunod na kandidato mula naman sa Team Unity si Mike Defensor. VTR INTERVIEW: MIKE DEFENSOR: Pareho din yan di ba? Why is it also an affair of the heart, puso, pero kailangan mo ding… syempre may mga desisyon na kailangan kong gawin ah merong mga yung engagement mo noh o yung relasyon mo, kailangan mong may respeto may pagmamahal kayo sa isa’t isa eh gumagana din yung utak dyan. MEL: At ang aking isang tanong ho sa inyo, ano ho ang inyong stand sa political turncoaticism? Yung napapansin ng taong bayan na lumilipat-lipat lang partido for convenience, kung saan sya mananalo, kung saan sya makakakuha ng personal agenda nya eh dun sya sasanib. MIKE DEFENSOR: Well una sa lahat Ma’am Mel, nung ako po ay pumasok sa pulitika, nung 1992 na tumakbo akong konsehal ako po’y miyembro ng Partido Liberal. Magmula po noong 1992 hanggang sa ngayon ako po ay naging kaparte na ng Liberal Party. Ngayon sa akin ho importante talaga, hindi lamang dun sa pagpapalit-palit ng partido para kung saang interes ka sa pulitika pero higit sa lahat hindi napapayaman yung mga partido. Kung ang bawat kandidato, ang bawat pulitiko pwede lang syang magpalit ng partido kahit kailan hindi nya napapasagana yung mga polisiya, mga debate sa loob ng partido kaya po ako ay hindi para dyan dapat ho baguhin ‘yang batas na yan at parusahan ang mga nagpapalit ng partido. MEL: Salamat po. May katanungan po si Manolo Quezon. MANOLO: Magandang gabi, Mr. Secretary. Bilang tao na naging mambabatas at nais ninyong maging mambabatas uli lalo na sa Senado, ang mahalaga dito ay ang tinatawag na precision sa language na malinaw ang mga nakasulat sa batas at malinaw din ang mga binibigkas n’yong salita. Ngayon nung sinabi nyo nung panahon ng kaguluhan nung 2005 na sa mga ika nga Garci tape na ang naririnig daw dun ay boses ng Pangulo ngunit hindi ang Pangulo ang nagsasalita, ano ang ibig nyong sabihin? DEFENSOR: In 2005, when we made a study batay na rin ho dun sa pag-aaral nung isang tao na naging eksperto sa pag-aaral nung Garci tapes, ginawa po nila yung pag-aaral tungkol dun sa splicing na tinatawag meaning to say they were—these are sound… na tinanong nila kung ano yung mga lumalabas na mga boses at mga salita. Ang sabi nila merong mga splice nangyari or there is an anomaly that was precise word. An anomaly in the tapes that were mentioned or in the sound that were, the discussion that came about between a certain woman and a certain man. So ang sinasabi nila yun ay maaaring boses, boses ng isang tao pero pero pinagpalit-palit ang ibang segments dito. So it is the voice of the President but not necessarily the President talking because there was already a contamination o may ginawa nang pag-aayos dun sa lumalabas na salita. Now ako hindi ko yun sinasabi that was the opinion of the expert and I feel that-- MEL: Maraming salamat sa inyo, Mr. Defensor. Ang susunod naman na kandidato ay walang iba kundi si Ginoong Richard Gomez. VTR INTERVIEW: RICHARD GOMEZ: Unang-una, kailangan yung pagmamahal sa pamilya, dahil kung kaya mong pagandahin yung pamilya mo, kaya mong alagaan yung pamilya mo, kaya mong bigyan ng magandang buhay yung pamilya mo, ganun din ang trato mo sa bayan eh. So you have to fix your family first, kailangan maayos yung patakbo mo sa pamilya and then maglingkod ka sa bayan. MEL: Ang aking isang tanong ay ganito, kung sa bagay ikaw bago ka nag-file ng certificate of candidacy mo hindi ka malaman kung kaninong partido, sinong partido ang aako sayo di ba? Tamang-tama ‘yan sapagkat ang gusto kong bigyan mo ng iyong opinion ay yung tinatawag na political turncoaticism, ‘yung sasanib ka lang dun sa political party kung saan mo maitataguyod yung iyong personal na agenda, what’s your take on that? RICHARD: Ah yung sa unang sinabi mo Mel, ako, ah. nung naisip kong tumakbo kinausap ko si President Estrada tapos sabi nya nun na ah I have further commitment so I took on the word that sinabi ng ah administration-- MEL: You have only one minute and 30 seconds. RICHARD: Yeah, ang sinabi ng administrasyon that ah we are extending our hand, yun ang kanilang general ah na statement. So in-offer ako ng Liberal Party to join them together with ah Lito Atienza and ah I weighed the consequences noh kung ano ba talaga yung maganda sa sinusulong ko at advocacy ko on anti drugs and sports at ah I came up with a conclusion na I think I’d be better running as an independent and uhm I think I’m doing well. I goes direct to the people, I’m ah convey-- MEL: Eh kung sakaling maboto ka bilang Senador? Papano yun? RICHARD: ‘Yun ang kagandahan, as an independent, I’ll be free to decide on myself what you—which one will be good be good for the people. MEL: Ah, but making laws, you will need, you know, the cooperation of the other senators, the other congressmen. RICHARD: Yeah the beauty of that nga I will not be pressured by any political party dun sa mga utang na loob dahil ako ang utang na loob ko kapag ako’y nanalo ay ang tao. MEL: OK, thank you very much Richard. Si ah Mareng Winnie Monsod, may tanong din para sa’yo. WINNIE MONSOD: Marami-rami na ring showbiz personalities na naging senador, nandidyan na yung dalawang Estrada, yung dalawang Revilla, isang Lapid at kung isasali natin ang mga broadcaster aba’y kasama na rin d’yan si Loren Legarda at si Noli De Castro. Sino sa mga personalidad na ito sa inyong pananaw Richard ang nagbigay ng pinakamalaking kontribusyon para sa kapakanan ng sambayanan at ano ang kontribusyon nito? RICHARD: You know Mareng Winnie, I’m not one who will point specifically kung sino talaga ang may nagawang maganda at pangit ah I cannot also generalize na dahil ah marami nang artista at people from the television industry ang naging senador, hindi naman lahat sila pangit o masama ang ginawa, others have failed but marami rin naman na may nagawang maganda para sa bansa natin and ah here we are couple of actors trying to enter this noble cause of helping the underprivileged noh ah. Ang gusto lang naman natin talagang makatulong eh, this is what I want to say kung naging maganda talaga ang patakbo ng ating gobyerno these past years hindi namin kailangan tumakbo kasi masaya na kami eh dahil maganda na ang patakbo ng gobyerno, there’s no reason for us to run but then again hindi kami masaya eh maraming tao ang nagrereklamo at patuloy na naghihirap and that’s the reason why kung ano yung kaya naming, kung ano yung advocacy na tinutulak naming, yan ang binibigay namin. And we’re willing to help this country. MEL: Maraming salamat sa ‘yo Mr Gomez, Loren and Mike. Hindi pa d’yan nagtatapos ang mga katanungan sa inyo, hindi ba Mike? MIKE: Ay tama ka dyan, Mel. Narito po sa ating ballot box ang mga tanong na galing mismo sa mga senatoriable natin at mga Kapuso. Uunahin po natin si Loren Legarda. Ma’am Loren oh ito LOREN: Akala ko ang laman nyan baka fake ballot. MIKE: Dyan po kahit alin dyan, OK. Ako po ang magtatanong sa inyo ma’am at kayo po ang sasagot , dito lang po kayo. Ang inyo pong nakuhang tanong ay galing kay Ed Orpilla. Bakit maraming mga Filipino ang kumakain ng isang beses lang sa isang araw? LOREN: Maraming kumakain… MIKE: Maraming Filipino ang kumakain isang beses lang. LOREN: Ayon sa survey ay gutom nga ang number 1 problem sa ating bansa at 50 million Filipinos live on only 1 dollar or less than 50 pesos a day. Ang sugpo po dito o solusyon ay pagbibigay po ng diin sa ating agrikultura, the food producers of our country, ang ating mga magsasaka, ang ating mangingisda na nagbibigay ng pagkain sa bawat hapag kainan. Ang problema po nabigyan sila ng lupa thru CARP pero hindi naalagaan. Kailangan po bigyan ng low cost fertilizer, access to low interest credit, bigyan po ng mga post storage and post harvest facilities at bigyan na rin po ng suporta ang ating mga sector na pang agrikultura. Kung ‘di po natin gagawin ‘to talagang magugutom ang mga tao. Maliban po dun small and medium enterprises kailangan pong bigyan ng pansin para magkaroon ng sariling negosyo ang maliliit na tao hindi lang po aasa sa empleyo para po mabawasan at maibsan ang kagutuman sa ating bansa. MIKE: Marami pong salamat sa inyong sagot sa tanong. At susunod po na kukuha po ng tanong mula dito sa ating ballot box, Mike Defensor. Secretary. Ang tanong na nakuha ninyo ay mula po kay Koko Pimentel at ito po ay sa wikang ingles. What kind of leaders do you want our youth to be. What bills or laws will you author or support in this regard? DEFENSOR: Well, una ho sa lahat kailangan po natin dito ang mga leader na may paninindigan, leader na may mga bagong idea at leader na merong katapatan sa kanilang panenerbisyo. Ah dito po sa panahon natin ngayon, sa gitna ng mga kaguluhan kailangan din po natin ng lider na nakikipag-usap at willing makipagtulungan sa darating na panahon. Sa mga darating po na taon, na tatlong taon na natitira kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, una sa lahat kailangan nating ayusin yung budget, ayusin yung programang pangkalusugan, pang-edukasyon, ayusin po natin ang mga programang imprastraktura upang maiangat natin ang buhay ng bawat Filipino kasama po dyan ang mga batas na kinakailangan ng mga mahihirap katulad po yung mga sinabi natin, yung sa Philhealth na magkaroon ng bakuna ang mga kabataan para mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Ito po ay ilang mga bagay na kailangan nating gawin upang sabihin natin yung sinasabing paglakas ng ekonomiya ay magbenepisyo ang taong bayan. MIKE: Marami pong salamat, Secretary. Ang susunod po na kukuha ng tanong sa ating ballot box at sasagot, Richard Gomez. Goma ang napili mong tanong o nakuha mong tanong ay galing kay Zosimo Paredes. Would you go for a parliamentary form of government for the Philippines and why? RICHARD: I’d like to have a constitutional change but uhm my personal opinion is that I really think ang constitutional change natin should take effect after the term of ah president GMA nang sa ganun maiwasan natin ang self interest. Ah karamihan dyan gusto nating maiwasan na magkaroon ng conflict dahil dun sa mga… gusto mga seating legislators or ng mga ibang opisyales na extend yung kanilang termino so kung tayo’y magkakaron ng constitutional reform the best would 2010 sa election na yun nang sa ganun maiwasan natin lahat, lahat nung gustong mag-extend ng termino nila, those who would like to extend their power in politics. MIKE: Maraming salamat, Richard. RICHARD: Thank you. MIKE. Mga Kapuso, d’yan lang po kayo magpapatuloy ang ISANG TANONG, The Senatorial Forum dito sa GMA. MIKE: At mga Kapuso tuluy-tuloy po ang pagkilala at pagkilatis natin sa kumakandidato sa pagkasenador dito sa ISANG TANONG, The Senatorial Forum ng GMA, mga Kapuso. Naging Philippine National Police director general sa makatuwid hepe ng lahat ng mga pulis sa Pilipinas, re-electionist senator mula sa Genuine Opposition… Ping Lacson. Dati po syang kalihim ng Visiting Forces Commission, mga Kapuso, pero ngayon s’ya po ay tumatakbo sa pagkasenador ng ating Republika, mula sa partidong kapatiran, Zosimo Paredes. Ang tinaguriang Jukebox King of the Philippines, manganganta, mang-aawit, kompositor, kilalang-kilala ng lahat Victor Wood. At ang mamumuno po sa pagtatanong sa puntong ito, isa sa mga Kapuso nating haligi ng GMA News and Public Affairs, Kapuso nyo, Jessica Soho. Umpisahan na po natin mga Kapuso, aanyayahan ko na po si Senador Lacson na unang umupo sa hot seat para sa grupong ito-- VTR INTERVIEW: LACSON: Si Gat Jose Rizal. Gusto kong malaman kung ano yung o gusto kong mabasa yung mga nabasa yung mga nasa isip nya at kung papano nyang pinanatiling dakila yung kanyang sarili sa paglilingkod sa kanyang Inang Bayan at sa kanyang mga kababayan. JESSICA: Isang tanong, Senator Lacson kung manalo ho kayong muli na senador, ano po ang gagawin ninyo upang labanan ang matinding korapsyon o katiwalian sa ating gobyerno? LACSON: Kami hanggang panukalang batas yung kaya naming gawin at yung pag exercise ng aming oversight function, dalawa lamang ang gagawin ng mambabatas. Ako’y nagpasa ng anti-red tape bill na kung saan lilimitahan mo ng five days, 10 days yung mga transaction pagkuha ng mga lisensya, pagkuha ng mga permits. Ang sinusulong ko pang isa, na hindi makapasa-pasa, yung nawala kami sa probisyon ng bank secrecy act na oras na kami’y pumasok sa gobyerno bilang empleyado o bilang opisyal, dapat hindi kami magkanlong sa coverage ng Bank Secrecy Act at dahil ang public office is a public thrust at kaming lahat accountable to people. JESSICA: Ang magtatanong po sa inyo ay si Arnold Clavio. ARNOLD: Senator, magandang gabi po. LACSON: Magandang gabi, Arnold. ARNOLD: Kinundena po ng international community yung Arroyo administration sa issue po ng extra judicial killings. Paano n’yo po mabibigyan ng protection ang mamamayan kung sakaling makabalik kayo sa Senado gayung yung inyo pong pangalan ay nakakaladkad din po sa issue nung mga nakaraan pong panahon sa mga extra judicial killings po sa bansa? LACSON: Again, Arnold, we can only do so much ano dahil ito enforcement at saka implementasyon ito eh sa executive department ito. Ayokong mangako nang hindi ko naman kayang i-deliver, ang pwede lang naming gawin dyan pagka talamak na ‘yung extra judicial killings, magsagawa kami ng investigation at mag-submit ng committee report nang sa ganun pukawin o gisingin namin yung executive branch. Ito’y function ng commander-in-chief, function ito ng law enforcement so hindi naman kailangan ng karagdagang panukalang batas dahil naandyan na yung Revised Penal Code, nandyan na rin yung mga provision nagpaparusa tungkol dito. JESSICA: Maraming salamat, Senator Lacson. Ang susunod po naman nating tatanungin ay si Ginoong Zosimo Paredes. PAREDES: Bayan is composed of many families ano so pag minahal mo ang bayan mo, kasama ang pagmamahal sa pamilya hindi mawawala yun, alam ng misis ko yan noh mas mahal ko bayan ko kaysa sa kanya at alam rin ng mga anak ko. JESSICA: Secretary Paredes, isang tanong rin ho para sa inyo, kung manalo ho kayo bilang sendor ano po ang gagawin nyo upang labanan ang matinding katiwalian o korapsyon sa ating gobyerno? PAREDES: Ang problema ho sa bansa ay ang mga leaders na sinasabing leaders na wala na hong tunay na Panginoong Diyos sa kanilang puso, iba na ho ang diyos nila… demagogues na ho, ang diyos na nila ang diyos ng kapangyarihan, diyos ng salapi at diyos ng katanyagan. Dapat hong ibalik ang Diyos sa sentro ng pulitika. Sa pamamagitan ho ng aming partido na Ang Kapatiran kami ho, kaming tatlong kandidato, ako, si Adrian Sison at si Martin Bautista kapag pinalad hong mailuklok eh kami ho ang mag-uumpisa ng pagbabalik ng Panginoong Diyos, tunay na Diyos sa larangan ng pulitika. JESSICA: Isang tanong naman po mula kay Father Lucas ng Catholic Media Network. FR LUCAS: Kayo po ay pinuri ng maraming peryodista sa inyong principle resignation sa VFA Commission, ang akin lang pong tanong ay ito, ang inyong pinasok na partido ay ilan sa kanilang tinutulak sanctity of life, sanctity of the human person or the human being saka peace and active non-violence pero batay po sa inyong background, kayo ay military tapos tinanggap n’yo ‘yung VFA Commission which also in a sense promotes violence, active violence iyon ho ba’y para hong sa awit ay di sintunado yata, puwede hong ipaliwanag ninyo? PAREDES: Ah palagay ko ho hindi sintunado, in fact, compatible, ang nakakaintindi ho ng peace, ng tunay na peace ay ang isang sundalo sapagkat ang sundalo alam n’ya ang giyera, alam n’ya na sa giyera wala hong panalo ho rito kaya ako mula nung kadete pa sa PMA at pag-graduate dito yung peace ho nasa puso ko na yan eh at isa hong dahilan kung bakit ako nag-resign nang maaga sa military ayoko ho ng patayan lalo na kung ang pinapatay mo ay kapwa mo Filipino, mga NPA, mga rebel na mga Mindanao, puro Filipino ho yan eh kaya noon pa maski na ang background ko is military which we are trained to defend the country by having to kill if we need to, wala ho sa puso ko yan. Tapos ho yung trabaho ko sa VFA hindi ho giyera ang pinapairal dun kung hindi peace, defense ho laban sa mga dayuhang maaaring lumusob sa atin o manakop sa ating bansa. So it is compatible, my advocacy for peace and the position I’ve held in the training I’ve… JESSICA: Thank you very much, Secretary Paredes. Ngayon po naman tawagin na natin si Victor Wood ng partidong KBL. VTR INTERVIEW: VICTOR WOOD: I paint, I have a lot of painting, ah, actually ang 24 hours ko kulang sa pagpa-painting and music. Ah, piano I play the piano ire-release ko na yung album ko it’s all piano, it’s all music with meaning. JESSICA: Welcome po, maganda ho ba yung tugtog? WOOD: Si Joey de Leon, sumakit ang tenga ko. JESSICA: Isang tanong, Ginoong Victor Wood para sa inyo. Kung kayo po ay manalo bilang senador, ano po ang gagawin ninyo para labanan ang matinding korapsyon o katiwalian sa ating gobyerno? WOOD: Napakaganda ng question mo, salamat yan ang natapat no. Una, baguhin muna natin ang election natin dahil ang election natin napakalaking gastos, instead na three years, gawin nating six years. Saka isang ano na lang mula dun sa barangay hanggang dun sa dulo, after all it’s just a public servant no big deal. Now, pag ito naayos natin eh tiyak gaganda ang bayan natin dahil unang-una after election merong katakot-takot na perang gastos eh kawawa yung bayan, panalo yung financier. So ito lang ang bansang naiiwan sa buong mundo. America nga na napakayaman ay hindi gumagastos nang ganyan. Nandun ako sa New York, yung kandidatong senador eh andun lang sa kanto dala-dala yung placard nya, senador yun, Pilipinas hundred million, 200 million wow! Kaya nagkakagutom ang tao, baguhin natin yan. Una meron tayong public broadcasting Channel 4, magbigay sila ng time slot libre para marinig ng tao ang kanilang advocacy, yung sa channel na yan Channel 9, Channel 13. Ang dami nating public broadcasting na pwede nating gamitin, ngayon yung mga nasa probinsya mga mayor meron tayong mga cable na pwede nating gamitin after all ano ba ‘to public servant lang… JESSICA: Marami pong salamat Ginoong Victor Wood. Isang tanong naman po ngayon mula kay Manolo Quezon III ng Philippine Daily Inquirer. MANOLO: Magandang gabi, Mr. Wood. Sinasabi nila na may umuugong na mga balita na hindi pa man tayo nagkakaroon ng election, sa Disyembre na naman ay magkakaroon ng isang malawakang kilusan upang amyendahan ang ating Konstitusyon. Handa na ba kayo sa darating na labanan na ‘yun at ano ang position ninyo kung dumating ang kaso na ito sa Senado? VICTOR: Are you talking about parliament? Hindi ko alam ‘yan, wala akong masyadong knowledge tungkol d’yan pero actually ang katotohanan lang ay simple, kung ang bawat namumuno sa atin ay gamitin ang kanilang isip at ang puso sa bayan ay hindi magkakamali matagal na tayong tama. Nakikita natin yung kagutuman sa bayan natin, ako’y lagi sa abroad nakikita ko tuwing nandun ako sayang sana ganito ang Pilipinas sayang, bakit hindi magawa sa Pilipinas ito ano kaya ang dahilan, ano kaya ang problema? Election oh sino bang kumikita ngayon, wag naman kayong magagalit Channel 7, Channel 2, sorry ah wag kayong magalit, wag kayong magalit pero hindi n’yo naman kagustuhan yan eh, hindi nyo kagustuhan yun pero dun napunta lahat ang bangka so sa ngayon yung sinasabi mo na malawakan eh wala po akong idea dun. JESSICA: Marami pong salamat kay Ginoong Victor Wood. Mike-- MIKE: Maraming salamat, Jessica. Tuluy-tuloy na po tayo mga Kapuso at ngayon naman tanong ng mga senatoriable sa kapwa senatoriable mula dito sa ating ballot box. Unang sasagot sa tanong, Panfilo Lacson, senador kuha po kayo ng isang tanong na sasagutin ninyo. Ang tanong ninyo senador ay galing kay Victor Wood. Papano masosolusyunan ang problema sa peace and order ng ating bansa. LACSON: Ang problema ng peace and order talagang will be here to stay. Kung may kakulangan ang panukalang batas tungkol dito eh siguro dapat ah pagtibayin o palakasin ng husto kung merong naiiwanan pa. Sa aking pananaw marami na kamng naipasa, ano yung amendment ng Dangerous Drugs Act. Tapos sa akin, against ako dito, ‘yung pag-abolish ng death penalty. Kasi sa aking pananaw hindi naman pa talaga napapatunayan o nasusubukan na yung death penalty o pag-abolish ng death penalty ay magiging deterrent o makakapagpalago sa krimen dito sa ating bansa at sa tingin ko dapat review-hin ulit ito para nang sa ganun makita natin kung ano ang epekto nito. MIKE: Marami pong salamat, senador. Ang susunod pong sasagot sa tanong mula ballot box si Secretary Zosimo Paredes, secretary. Ang tanong na nakuha ninyo mula sa loob ng ballot box ay mula kay Richard Gomez. Do you have a solid anti-drug campaign or program? PAREDES: Ah meron ho ano pero dapat ito ay pag-aralan at dapat makunsulta ang mga batikan tungkol sa problemang ito tulad ni Richard Gonez siguro maaaring maging resource speaker pagdating ng public hearing pero sa ilalim ho ng problema ng drugs ay problema ng ating liderato kapag wala ho tayong magaling na liderato sa gobyerno, sa pamahalaan, maski anong programa ang gustong ipairal hindi ho ito mapapatupad o mapapairal. So dapat ho baguhin muna natin, pagbutihin muna natin na yung mga hinahalal natin sa mga iba’t ibang pwesto ay mga taong may matinding paniniwala sa Panginoon, numero uno, para ho hindi sila makagagawa ng anumang katiwalian at para maipatupad nila lahat ng magagandang programa na maiisip nila. Yung mag-isip ho napakadali maski sinong high school graduate tanungin mo anong gusto mong programa sa ganito… pero bakit ho tayo nalulugmok sa ganitong sitwasyon sa Pilipinas dahil ho sa mga lider… MIKE: Marami pong salamat, secretary. At pangatlo po sa grupong ‘to ng mga senatoriable si Ginoong Victor Wood, Victor. At ang tanong po na nakuha po ni Ginoong Victor Wood mula sa ating ballot box ay galing po naman sa isa nyang kapwa senatoriable na si Melchor Chavez. Papayag ba kayong maging heinous crime ang illegal logging? WOOD: Well, ah depende yan. Sa panahon na ‘to kailangan nating ma-control yung illegal na lumber na yan dahil napakaraming katulad nung araw sa Samar nung 1974 nakita ko yun, pinaglaban ko yung environmental problem na yun na sabi ko ito after 10 years, sabi ko ito maraming mga taong mamamatay dito so talagang dapat kung pupuwede pero depende gaano kabigat ang ginawa n’yang kasalanan, tama na pangalagaan natin ang ating mga punung-kahoy sa ngayon wala nang natitira at talagang kailangan, kailangan yun pero gaano kabigat ba ang kasalanan nya. MIKE: Ok maraming salamat, ginoong Victor Wood. At muli, nagpapasalamat tayo kina Senatoriable Panfilo Lacson, Zosimo Paredes at Victor Wood. Ito ang ISANG TANONG The Senatorial Forum dito lamang sa GMA.