People Power is love of country, freedom fighters' story –VP Leni
Vice President Leni Robredo said Friday that the bloodless People Power Revolution that ousted strongman Ferdinand Marcos in 1986 is about fight for freedom and love of country rather than a story about families.
In her statement on the 36th anniversary of the bloodless people's uprising she said:
"Kaisa ako ng sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Higit pa sa pangalan o apelyido ang diwa ng araw na ito. Ang kuwento ng EDSA ay pagtindig at paglaban para sa pangarap ng paglaya. Kuwento ito ng pagkakaisa ng kabataan at matatanda, ng buong bansa, ng mga madreng lumuluhod sa harap ng baril at sa mga sundalong di mapigilang maluha nang sabitan ng rosaryo ang mga baril na ito. Kuwento ito ng pagmamahal."
Puso at pagmamahal ang nagdala ng tagumpay ng bayan sa EDSA. At tuwing isinasabuhay natin ang pagmamahal na ito— People Power man o People’s Campaign; sa mapayapang rebolusyon man o napakahalagang halalan—kaisa natin ang lahat ng henerasyong nauna at susunod pa: Sa pagtindig, pagkakapit-bisig, at pagbubukas ng loob sa kapwa, sa ngalan ng isang maunlad, mapagpalaya, at makataong bukas."
Moreover, Robredo said that the lessons of EDSA live on through people who pay it forward by helping one another.
"Buhay ang diwa ng EDSA. Mapalad tayong makita ito sa mga nagpapakain ng kapwa, sa mga nag-aabot ng makakaya para tumulong sa nasalanta, at sa mga nagtataya ng pagod at oras para sa isang gobyernong tapat, na magdadala ng lipunan kung saan aangat ang buhay ng lahat— lahat nabibigyang-lingap, lahat nabibigyang-lakas, lahat napupuntahan nang agaran dahil may pamahalaang itinuturing na sentro ang laylayan."
Isang maligaya at makabuluhang anibersaryo ng EDSA sa bawat Pilipino."
People Power relevant as ever
VP Leni's running mate, Senator Francis "Kiko" Pangilinan, also said that People Power remains just as relevant because togetherness is needed to address poverty, among other social ills.
"Ako naniniwala [na] kailangan pa rin natin ang People Power para masolusyunan ang problema ng gutom, problema ng kahirapan, problema ng sinasabi nga nilang kinakailangan magkaroon ng mas magandang buhay," Pangilinan said.
(We still need People Power to address hunger, poverty and other problems to ensure a better life for Filipinos.)
"Yung Angat Buhay [na programa] actually ni Vice President Leni, ‘yan ang bagong People Power. Ang mga lider ng gobyerno, kasama ang mga organisasyon, kasama ang iba’t ibang mga citizen’s. ‘Yan ang kinakailangan na bagong People’s Power," he added.
(VP Leni's office's anti poverty program Angat Buhay aided by the private sector is an example of a new kind of People Power: of having all hands in deck, working with various organizations. That is the new kind of People Power.) —
Will of the people
Robredo said the will of the people will always defeat the powerful, as what People Power showed.
"Marami pong nagsasabi na mahirap ang laban na ito. Totoo. Mahirap ang laban na ito. Totoong kulang tayo sa pera, sa makinarya, pero wala sila ng meron tayo: kayo 'yun," Robredo said.
"Wala pong makakatalo sa sigasig at pagkakapit-bisig ng taumbayan. At iyon 'yung leksyon ng People Power Revolution: na gaano man kalaki ang kapangyarihan ng mga nakaupo, pag ang nagdesisyon ay taumbayan, walang sinabi ang anumang makinarya o pera sa kagustuhan nating lahat," Robredo added.—LBG, GMA news