Transpormasyon ng magkakaibigan
Pinakamatinong hotel sa Davao City ang aming pinanggalingan. Habang toka ng drayber ang manibela ng 4-wheel drive na van, kasama namin ni âTedâ ang sundo?mommy niya. Humimpil kami sa isang pantalan ng pinakamalaking ilog sa Mindanao?Ilog Agusan. Bandang alas-2:00 ng hapon sumakay ang van sa barge. Umalingawngaw ang ripeke ng makina saka lumayag pakontra-agos ang parihabang sasakyan sa tubig ng mga sasakyan sa lupa. Bawat langkay ng mga ibon na makasagap ay nabulabog mula sa sukal ng kakahuyan sa bungad ng gubat ng magkabilang pampang. Di mayayakap ng lima katao ang mga punong natatanaw. Pinagmukhang palito ng mga ito ang mga punong unang nakita ko sa gilid ng imprastrukturang hi-way sa Samar, nakaugnay ito sa mga isla ng Luzon-Leyte-at-Mindanao. Wala akong natatandaan na kaidaran. Kundi bata, matanda ang matatalik na kaibigan ko. Sa ibaibang panahon at lugar kami nagka-tagputagpo. At dahil palipatlipat sa poder ng mga magulang, lola at tiyuhin ang kabataan ko, ang labas sa pamilyang mga kaagapay ay pabagubago. Ang mga pakikipagkaibigan mula bago mag-Grade I hanggang Grade III sa Samar ay ganun lang ang inabot. Si Rod, kaklase noong Grade V hanggang Grade VI sa Bagong Buhay ang unang pinaka-bestfriend. Dalawang grupo ng mga kapitbahay at kaklase ang mga nabarkada noong hayskul sa Pasay. Ang kawalang-malay na pundasyon ng mga sarili ay untiunting sumabak sa magagaspang at makikinis na karanasan. Halata sa mga bagong hilig at dinig sa piyak ng boses. Kaeskwela si Ted at ka-batchmate si âEspie Brownâ noong kolehiyo sa isang unibersidad sa Malabon. Preparasyon sa adulthood ang yugto ng pagtatagpo namin. Kaya bukás ang isaât isa na magbahaginan ng mga karanasang pangklasrum, pampamilya, pinansyal at pangdamdamin. Rock music ang soundtrack ng mga pag-apak namin sa Lupang Hinirang. May hilig makinig ang karamihan sa barkada. Pero angat ang oiudo ni Rod sa gitara. May training sa piano noong bata si Espie Brown. Mula 1970s hanggang sa kasalukyan, ang arkipelago ay salit-salitang dinarambong ng diktador, mga kroni at kauri nitong oligarkiya. Walang humpay ang makinarya nila sa pag-imbento ng ampaw na pagasa. Nauna rito, bago nag-1962, ang July 4 ay ipinagdiriwang bilang independence day ng Pilipinas. Dikta ng US colonial government mula unang dekada ng 1900s. Hindi Fil-American Friendship Day na nakagawian nang ipagdiwang sa loob ng apat na dekada. Sa propesyunal na buhay, mga rakista rin na: makata, kwentista, nobelista, scriptwriter â manunulat, mamamahayag; artists at filmmakers ang naging malalapit na kakilala. Iniisip ko na kaysa kumumporme sa tradisyunal na halagahang moral (moral values), ang pagiging kritikal at pagkakaroon ng alternatibong bisyon, kiling sa syentipikong proseso, national industrialization at sa mga advocacy ni Ka Bel, ang nagtipon sa amin para tanawin ang linaw ng higit sa sariling hangarin. Bago nakapag-abroad noong mga unang taong ng dekada 80, minsan lang kami nagkita ni Rod sa Pasay. May dalawang taon na siyang nakipagtanan noon sa karelasyon. Tagay ang nagpadaloy ng kumustahan at plano sa buhay niyang katatapos lang ng hayskul. Karaniwang kawani pareho sa General Hospital ng gobyerno ang mga magulang ni Espie Brown. Nalito ang mga ito kung nanghihimasok sa mga isyung panlipunan ang extra curricular activites niya o kung adik siya. Dalawang basehan ito ng mga magulang kaya idineklara ang anak na nasapian ni Taning. Bilang takda ng repormasyon para mailayo sa barkada, pinauwi si Espie Brown sa Palawan. Nawala sa tono ang teklado ng kanilang piano. Gitara rin ang nagamay niya. Hindi na pinag-enrol sa third year. Pagbalik, ipinasok siyang institution worker sa ospital. At inirekomenda niya naman ako sa grupo ng mga residenteng doctor na nangailangan ng boy. Nanibago ako sa ingles na komunikasyon nina Ted at mommy niya. Pero palagay na nanliit sa tayog at yabong ng luntiang kalikasan. Bandang alas-7:00 ng gabi na dumaong ang barge sa isang paahan ng bundok. Saglit lang at naglitawan ang mga kinse kataong grupo na mga naka-M-16 rifle. Isang bagay na hindi ko inasahan. Pinagitna ang pwesto namin pagsakay ng armadong grupo sa dalawang van pa. Ipinaliwanag ni Ted na kumalat kasi sa komunidad ang pagdating namin. Posible aniyang may banta na kidnapin kami. Ang grupong ito ang magtitiyak sa kaligtasan namin. At parang zigzag na daan ang binaybay rin ng isip ko, âWow, dahil sa pakikipagkaibigan, mukhang bigtime na pala âko!â Executive block ng housing ang pinaradahan ng mga van. Sa tinapatan na pinakamagandang bahay na pagbabakasyunan namin sa loob ng isang bâwan, ipinakilala ako ni Ted sa daddy niyang vice president ng logging concession na ito na pag-aari ng isang Don EZ. Cessna plane pabalik ng Davao at regular flight ng local airline ang sinakyan namin pa-Manila. Walang bawas ang P35.00 na baon ko. May pasalubong pang durian, mangosteen, at suha. Kung si Rod ay kauring nag-uuliuli ang isip sa puyo ng agos ng panlipunang kamalayan, o social consciousness, si Espie Brown ay lower-middle class at si Ted ay upper class, na mga natransporma sa isang antas ang kamulatan. Wala sa idad kundi nasa esensya ng malayang kaluluwa ang pakikipagkaibigang pakay. Natapos ni Rod ang tahanan nilang walang finishing, dalawa sa anim niyang anak ay nag-OFW na rin. Nag-NGO si Espie Brown at pag-alis ay saka sumapi sa isang liberation movement. Samantala, sa isang inuman namin noong Setyembre 2007, suko na ang tono ng deklarasyon niyang,
âGlobalisasyon na talaga ang uso ngayon!âIbinalita pa sa akin ng ina ni Espie Brown na kasama ang misis niya sa byahe ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa Europa noong Oktubre 2007 bago pumutok ang ampaw na pag-asang broadband scandal. At nag-Hongkong pa noong Disyembre 2007 ang buong pamilya nila pati kasambahay. May nakapagkwentong sumapi rin sa liberation movement si Ted noong kolehiyo pa lang. Pero ipinahuli raw ng mga magulang sa kamaganak nilang militar. At dalawampuât walong taon na âkong walang naririnig sa kanya. Sa pambansang antas, umalingasngas noong 1962 ang badya ng paniningil ng bagong halal na presidente sa modelong kaibigang US. Tumanggi ang kongreso ng US na bayaran ang $73 milyong war damage nila sa Pilipinas. Bilang reaksyon, inilipat ni Presidente Diosdado Macapagal sa June 12 ang independence day galing July 4. Saka idineklara ang araw na ito, gaya ng alam na nating okasyon ngayong panahon ng neokolonyalismo. Sa kabataang yugto ng prosesong singhaba ng buhay, nagaganap ang transpormasyon ng magkakaibigan, loob ng mga indibidwal at pangmamamayan. Sa tumpak na katwiran ang laban ng kalayaan. Pero maahon-lusong, sikot-bingit ang lakad na tinahak ng gustong magtanda. At hindi iilan ang dumadausdos sa uring pinanggalingan. Habang lumalambi-lambitin ang buhay sa pagitan ng kinakapitan sa tingala at babagsakan nang plakda, binabatbat ng kirot ang balikat. Saka may nagpapain ng nilubid na peraperang usapan?idinudunggol na bisyo sa mukha ng dignidad. Bago maabot ang birtud ng pakikiugnay, sarili muna ang malupit na kinakaaway.