Sex eyeball sila
Tikatik ang ulan pag garahe ng bus sa terminal. Pasado alas-otso (8:00) ng gabi. Patungpatong ang mga silaw ng ilaw sa agwat ng abot-tingin at nilalakaran. Salasalabid galing sa mga establisyemento ng magkabilang bangketa. Sumakay pa âko ng tren sa Doroteo Jose, istasyon ng LRT. Haluhalong pauwi at papasok sa trabaho ang mga kapwa pasahero. Samantala, bumaba ako sa Vito Cruz. Ilang minuto na lang ay Cultural Center of the Philippines na. Sabay ang tapos ng wisik sa tigmak ng mga patak, sa pamamagitan ng pitik sa ilalim ng tapeta ng payong, at ang pagdating ng hinihintay. Bahagi siya ng crew ng pelikula. Pagkatapos rekisahin ng mga gwardya ang mga katawan at bag, pinadaan kami sa may detector na lagusan sa pasukan ng Little Theater. Masigabo ang bungad ng mga boses ng manonood na natipon sa bulwagan ng center. Halata sa bihis na mahilig sa sining ang karamihan ng mga nagsidalo. Pinasadahan namin ang posters ng mga pelikulang in competion sa short at full length categories. Pero palabas lang at hindi panlaban ang panonoorin. Isang kakilalang manunulat-Doctor of Medicine at isang direktor ang nakasalubong na lumalabas sa bungad ng Tanghalang Aurelio Tolentino, ang pagdadausan ng screening. Sa ilang minutong pagitan ng tsikahan, pareho ang tanong nila kung ano at sino ang direktor ng panonoorin ko. âS. E. B.. Cyber Game of Love, ni Cris Pabloâ. Kinausap ng crew ang isang production staff. Saka sinabing hindi na raw makararating si Mr. Pablo. Maagap ang mga usherette at usher na nagpapasok sa tanghalan. Tama lang para makapamili ng pupwestuhan. Habang nanunuot sa balat ang lamig ng simoy-erkon, nakapanghihinayang ang paglampas ng pagkakataon. Para interbyuhin sana ang direktor. Halimbawa, kung ano ang kontribusyon ng S. E. B. sa lagay ng digital movies at âindependentâ filmmaking? Nadidiskarga ang bigat ng katawan ko habang sumisinag sa screen ang mga trailer. Kadalasang nangyayari ang pag-aantok pag di interesante ang panoorin. Paghalo ng buhangin, simento, graba sa proyekto ng kamaganak, at mahabang byaheng itinawid sa NLEX ang dahilan ng pagod. Impunto alas-nwebe (9:00), oras na para sundan ng gisÃng na malay ang aksyon sa iskrin at dilim. Andap pero naihanda ng impormasyon ang pansin ko, na kwadrolohiya ang pelikula. EPI 1: Bigo si Daryl, ang dalagang main character, sa katapatan ng ka-eyeball niyang ka-chat. Sa sandali ng pagbalik sa lugar at bahay, lumalantad ang mundo niya. Bagamat may PC siya, ang lagay ng pamilya at tahanan ay hindi kasing-unlad ng teknolohiyang salalayan sa pagtukoy ng tunay na pag-ibig niya. Diskoneksyon ng kuryente ang insidenteng nagtulak sa kanya para humanap ng computer shop na magpapadaloy sa komunikasyon ng panibagong ka-chat. Isang binatang mestisuhin at dalagang sosyal ang nakasundo niyang mag-sex eyeball, ang intindihan nila? Hmmmâ¦Threesome! EPI 2: Isang upper middle class na mag-asawang nayayanig ang pagsasama. Mga nasa late twenties ang idad ng mga karakter. Sa pamamagitan ng production design, ipinahuhula ng episode na âto kung ano ang sakit ni misis. Isang sakit na nagpababa ng gana niya sa pakikipagtalik. Paâno ang bio-need ni mister? Solusyon: nagkasundo sila na makipagkikita si mister sa ex niya sa isang hotel. At habang lumaladlad ang foreplay ng mag-ex sa isang kwarto, sa katabing kwarto ay pinanonood ni misis sa laptop ang pagtatalik. Sa sukdulan, nasa dulo ng dila ni mister ang ikinapika ng isa sa dalawa. Na nauwi sa kumprontasyon. EPI 3: Mahilig sa Massive Multiplayer Online Role Playing Game ang isang Pinoy OFW habang nasa abrod. Mga karakter ng fantasy-action game ang midyum sa paghahayag ng emosyonal na kuneksyon niya sa kalarong kababayang nasa Pinas. Pag-uwi ay masidhi ang pagtatalik nilang⦠panaginip lang pala! Pag gising, syempre, hinanap ni OFW ang kababayang player. Sa tulong ng teknolohiya ng selepono, natagpuan niya ang bahay ni Menk, ang kababayang player. Kung sa panaginip ay tanggap ni OFW ang wala sa standard beauty ng pisikal na katangian ni Menk, mas malakas ang hamon ng kanilang pagtatagpo. EPI 4: Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, balewala na ngayon ang pinakamalayong agwat kung pag-uusap lang ang pag-uusapan. Gumagana ang support system sa hanay ng mga kaibigan. Lalo na kung sugat ng puso ang kailangang ihingi ng payo. Kislot ng hinlalaki lang, mabubunot na ang tinik sa dibdib. Ganun ang siste ng dalawang magkaibigang bading. Hanggang sa magkita sila. Tipong transvestite ang isa at bihis-kilos lalaki ang isa pa. Pagkapanalo sa Miss Gay, nagkasundong umorder ng callboy sa website ang mga hitad. Pagkatapos ng madugong pangyayari, sila nga ba ang para sa isaât isa? Chikaaa!!! Flanguk. Nadaig ng pelikula ang antok ko. Nagpaalam ako sa crew para mauna sa CR. Mas marubdob ang sigabo ng mga boses at ingay ng lakad ng mga lumalabas sa ibaât ibang tanghalan. Sosyal ang halimuyak ng amoy! Mayroong mga aktres/aktor, producer, manager, lokal at foreign cineaste ang nagsidalo rin. Ang pinanood namin ay bahagi ng okasyon ng CINELAMAYA Philippine Independent Film Festival 2008, idinaos nitong ikatlong linggo ng Hulyo. At hindi ako nakapanood ng mga official entry kundi pa nalibre sa for exhibition na âto. Bihira ang pelikulang Pinoy na tumatalakay ng pag-ibig sa pamamagitan ng teknolohiya at cyberspace. Naalala ko ang sinabi ng isang bantay ng computer shop sa amin. Marami raw silang suki na nakapangasawa ng foreigner dahil sa chat. Nasa England na siya, mismo. Ang pamangkin na may tatlong taon na yatang karelasyon ng nakalaro sa DOTA. Ang nakatrabahong mahilig mag-download ng porno. Saklaw ng libog at pag-ibig ang katotohanang birtwal? Ipinakita ng bawat episode kung paano nakatutulong ang mga elektronikong impormasyon para kalburuhin ang pagkahinog ng mga hidwaan sa loob ng isang umiibig, relatibo sa panig ng kinasasangkutang relasyon. Ito ang sentro ng mga motibasyon sa pagbuo ng kapasyahan na tanging âdamdamin at isipâ lamang ng mga karakter ang makagagawa. Pabor o kontra sa binubuong relasyon. Basta nagpasya. Kung hindi, saklaw nga ng katotohanang birtwal ang libog at pag-ibig. Maaaring malingid sa birtwal na interaksyon ang dama ng mga pandinig at paningin. Lalo ng dampi, pang-amoy at panlasa. Kaya may pasyang pinipilipit at kinukontra-pihit tuloy ng aktwal na resulta. Ang hamon? Ang lubos na pagdama at masinop na paglimi sa tunay na buhay ay nakapipiga ng pasyang magiliw. Karaniwan sa mga pelikulang digitally video shot na available lights ang binabasehan ng exterior takes. Kaya kapag di pinag-isipan ang anggulo ay sunóg at kapos ang kuha. Di ko napansin kung malaking problema ito at ang tunog ng S. E. B.. Ang paggamit ng MMORPG ay nakadagdag ng birtwal na pakiramdam. Sa isang eksena ng romansa, asiwa ang pagdugtong ng sumunod na eksena ng paghiga. Ganumpaman, sa kabuuan ay nang-aaliw ang pelikula. May lalim ang damdaming hinugutan ng pagganap ni Julia Clarete bilang misis na may sakit sa Epi 2. Ang ibang aktres/aktor ay gitna ng floor at ceiling prices kumbaga ang akting. Katamtamang antas na inaasahan sa mga amateur maliban kay Clarete. Nalaman ko sa crew na produkto ng workshop ang lahat ng preproduction, production staffs at crews. Ibig sabihin, mga bagito. Batay dito, ceiling price ang resulta ng pelikula. At kasama sa pagkaaliw ko ang edukasyon. Kung babatayan ang pagkagawa at thesis ng pelikula, walang duda na indie âto. Pero ibang usapan pa kung umiiral ba ang independent filmmaking sa bansa bilang kilusang kaagapay ng mga pwersang umuusad tungo sa pag-unlad. Walang bubong na rooftop ng isang resto sa harap ng center ang pinagpahanginan namin. Tuluyan nang tumila ang ulan. Binusog ng pelikula ang kaluluwa, humulas pa ang pagod sa banlaw ng beer. Habang nagmamadaling-araw, nangunguryente ang mapagdiwang na ingay sa pwestong napuno ng mga cineaste. Kabilang ang mesa ng mga tipong unconventional yuppies sa harap. May kisap ang titigan namin ng isang ale na pinatingkad ng itim na damit ang ganda! Parang nag-morph bigla ang pagitan?at ang paligid ay cyberspaceâ¦