Beefsteak at Bistek
Beefsteak at Bistek Wow! Nakakatuwa ang mga kuro-kuro, komentaryo at kwento ninyo! Matagal ko nang alam na maraming Pinoy sa ibaât ibang sulok ng mundo pero ngayon nagkaroon ako ng ibang klaseng ebidensya! At kahit nadye-german na, o urdu o Thai, interesado pa rin sa wikang kinagisnan. Eh syempre nga kasi, ang kinagisnang wika ang isa sa iilang lamang bagay na talagang masasabi ng isang tao na sarili at nagtatangi sa kanya sa ibang tao. At kahit na natuto na tayo ng ibaât ibang wika, madalas na ang pinakamalalim nating mga emosyon -- ng saya at lungkot, ng pagkatakot at tuwa â ay naihahayag lamang natin sa wikang kinagisnan. Kaya nakakainis at nakakalungkot na dito mismo sa sariling bayan natin, pagdating mo sa syudad, madalas na binabalewala ang kinagisnang wika ng mga probinsyano. Kung sabagay, ang gobyerno natin mismo, mas pinapahalagahan ang Ingles. Maraming ngang pagtatalo tungkol dito. Walang duda na napakamahalaga ng Ingles lalo na kung lalabas ng bansa, pero sa mga nasa probinsya, maghapon-magdamag, araw-araw, ang kanilang wikang mas na ginagamit ay ang lokal na wika. Kaya, sana hindi mabalewala ang ating mga kinagisnang wika kahit na kailangan nating matuto ng ibang wika. Pwede kaya, huwag na muna nating pagtalunan ito? Saka na. Marami pang ibang kwento at mga bagay na dapat linawin. Syanga pala, nabasa ko sa dyaryo noong nakaraang linggo na ang bawat Pebrero 21 pala ay dineklarang International Mother Language Day ng UNESCO noon pang 1999. Ginawa nila ito âto promote and preserve linguistic and cultural diversity and multilingualism.â Ayon pa sa ulat sa Tempo (Peb. 21. p 3), âSince then, UNESCO has supported programs promoting the study of the languages of major ancient and modern societies. It also established the need to safeguard and preserve not only the worldâs major languages but also those of the minority groupsâ tongues.â Unahin na siguro nating linawin ang tungkol sa language at dialect. Karamihan sa atin ay language ang tawag Ingles o Espanyol, at pati na ang Tagalog. Pero kung Bikol o Kapampangan o Sebuano, marami na dialect lang ang tawag. Pare-pareho namang wika ito, kung tutuusin, kaya lang, kapag tinawag na dialect, may sinasabi, hindi man hayagan, na ang dialect ay less o inferior, may limitasyon o hindi katumbas ng language. (Babalikan natin ang isyu na ito.) Pero, sabi ng titser ko sa lingguistics, mali ito. Ang Bikol at Sebuano, katulad ng Kapampangan at Ilokano at marami pang salita sa Pilipinas ay maituturing na wika o language. Ang bawat language naman ay karaniwang may ibaât ibang dialect. Halimbawa ang Tagalog, may dialect na Tagalog sa Batangas at dialect na Tagalog sa Bulacan at Tagalog sa Taytay. May mga pagkakaiba sa salita, sa tono siguro, pero nagkakaintindihan. Kapag hindi nagkakaintindihan, magkaibang wika na. Halimbawa, ang Ilokano ba at Pangasinense ay dalawang magkaibang wika? O iisang wika lang, pero magkaibang dialect? Ganito raw ang paraan para malaman ang sagot. Mahirap siguro, pero kung makakahanap ka ng isang Ilokano na walang exposure sa Pangasinense, at isang Pangasinense na walang exposure sa Ilokano, pagharapin at pag-usapin silang dalawa. Kung magkakaintindihan sila, ang mga salita nila ay iisang language, magkaibang dialect lang. Pero kung hindi sila magkaintindihan, kahit kalahating oras na silang nag-uusap, ang mga salita nila ay dalawang magkaibang language. Ayon sa mga linguist, may mga 100 languages sa Pilipinas at mahigit 500 dialects. (Syempre pinagtatalunan kung ilan talaga.) Ang ilan sa major languages (dahil sa dami ng nagsasalita nito) maliban sa Sebuano at Tagalog ay ang Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Bikol, Waray, Ilonggo, Kinaray-a, Tausog. Ang Maliban sa pagiging ganap na wika o language ng mga salitang nabanggit, may isa pang dapat banggitin na wika, ang tinatawag na lingua franca. Ang simpleng depinisyon siguro nito ay â ito ang wika na ginagamit kapag nag-uusap ang dalawang taong magkaiba ang wika. Dito, nagunguna ang Ingles sa maraming okasyon. Kapag ang isang Pilipino ay nakikipag-usap sa isang âforendyerâ, Amerikano man siya o German, Hapon, Bombay (Indian), ang wikang una niyang susubukang gamitin ay Ingles. Malamang na ang forendyer na ito ay susubukan ding mag-Ingles kahit hindi siya gaanong marunong. Kahit papano, may mararating sila kay sa kung ang Pinoy ay magta-Tagalog o Ilokano at ang Hapon naman ay magha-Hapon! Ang tawag sa Ingles sa okasyon na ito ay lingua franca. Sa bawat lugar, lalo na sa mga syudad na halu-halo na ang mga tao, may mga nadebelop nang lingua franca. Sa Baguio, ang lingua franca ng mga Ilokano kapag kausap ang mga taga-Cordillera (Ibaloi, Tingguian, Kalinga, Ifugao na pawang may kanya-kanyang wika) ay Ilokano. Pero kung kausap nila ay mga taga-Maynila o iba pang parte ng Pilipinas ang lingua franca nila Tagalog o yung tinatawag na Pilipino o Filipino. (Syempre marami ring pagtatalo tungkol sa pagkakaiba ng Tagalog sa Pilipino at sa Filipino.) Pero hindi wika ang pinoproblema ng bakasyunistang tinatawaran ang binibiling strawberry at brocolli sa palengke sa Baguio. Presyo ang isyu nila. (Kung gusto talaga ng bakasyunista na makamura sa gulay sa Baguio, maghanap siya ng marunong mag-Ilokano at pumunta sila sa palengke sa likod ng tourist palengke sa bungad.) Sa kabisayaan, hanggang Mindanao may mga lugar na ang lingua franca ay Sebuano, may Ilonggo, may Maranaw, may Tausog, may iba pa. Sa Davao halimbawa, minsan Sebuano, minsan Tagalog. Ang pinakamalinaw sigurong ebidensya tungkol sa mga pangunahing lingua franca sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa radyo at TV dahil sa ngayon, ang radyo at TV ay ang dalawang pinakamalawak na mass media. Kung pakikinggan ang mga radyo sa ibaât ibang lugar sa Pilipinas, mas madalas na ginagamit ang lokal na salita. Pero ang TV, dahil natiowide ang brodkast ng major TV stations, ang talagang dominanteng wika ay Tagalog/Pilipino/Filipino. Bakit kailangang gumastos ng libu-libo para tagalugin ang mga cartoons? Simple lang ang karanasan ng mga istasyon ng TV. Ang ratings ng cartoons na na-dub sa Tagalog ay kung ilang ulit na mas mataas kaysa doon sa nasa Ingles. At kahit na sariling anak o apo ng mga taga-TV ay nagrereklamo dahil pumangit daw yung cartoons na Tagalog. Mas maganda raw kung nasa Ingles na lang. Teka nga pala, nasaan na ang beefsteak at bistek? Halos nakalimutan ko nang diskasin ang nasa title. Ang gusto ko lang namang sabihin ay ganito: Ang akala ko, ang beefsteak ay isang klaseng luto ng beef. Mas tama yatang sabihin na ito ay isang klaseng hiwa o parte ng beef. Pero ang beefsteak bilang salita ay mahirap bigkasin ng karaniwang Pinoy kaya siguro nagkaroon ng salitang bistek. Ang beefsteak na ulam, ayon sa mga recipe mula sa ibang bansa ay mahirap sundin dahil ang mga ingredients ay hindi lang mahal, minsan wala pa, katulad ng lemon. Ano ang ginawa ng Pinoy sa beefsteak? Nilagyan niya ng kalamansi at toyo. Pinatamis. At para dumami ang ulam, dinamihan ang sabaw. Ang naging tawag niya dito ay bistek. Concerned ba tayo kung magugustuhan ito ng mga Amerikano? Hiniram natin ang salita at ang recipe. Binago natin ang bigkas, binago natin ang ingredients at luto. Ayon sa ating pagsasalita. Ayon sa ating panlasa. Sa bi ng kaibigan kong nagbalikbayan mula sa Japan, tanungin ko daw sa blog na ito kung anu-anong klaseng imbentong luto at ulam ang ginagawa ng mga Pinoy sa ibaât ibang parte na mundo. Ano na nga ba ang mga naimbento nyo? May tawag ba kayo sa mga ito?