ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
COMMENTARY: Ang SONA ay piyesta
By XIAO CHUA
Noong 2009, isang pangunahing pahayagan ang naglathala ng isang artikulo ukol sa kasaysayan ng State of the Nation Address at sinabi nito na ang unang manipestasyon ng SONA ay ang tinawag nilang State of the Katipunan Address o SOKA na ibinahagi ni Supremo Andres Bonifacio bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik noong Tejeros Convention na umagaw sa kanyang puwesto noong March 22, 1897.
Lumaganap ang impormasyon na ito sa internet, tradisyunal na media at maging sa mga billboard sa paaralan. SOKA??? Kaloka. Liban sa katunog ito ng SOCO… (pasintabi kay Gus Abelgas), walang record na nagsuka, este, nagtalumpati si Bonifacio ukol sa kalagayan ng Katipunan sa kapulungan na iyon.
Salamat kay Undersecretary Manolo Quezon, iniwasto niya gamit ang mga historikal na batayan sa kanyang mga sulatin sa bahay-dagitab ng pamahalaan na The Official Gazette at sa aklat na Official Calendar of the Republic ang kasaysayan ng napakahalagang taunang okasyong ito.
Pinag-angkupan ng SONA
Ang terminong “State of the Nation” ay pag-angkop sa ulat na “The State of the Union” na binibigkas ng Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika sa kanyang kongreso. Ginagawa rin ito sa Europa, halimbawa sa Gran Britanya, kung saan ang sovereign ng bansa, ang Hari o ang Reyna, ay magbibigay ng talumpati sa parliyamento na kinatha ng Primer Ministro upang buksan ang sesyon nito at nagtataglay ito ng mga prayoridad na mga isasabatas sa taong iyon.
Ang unang nag-SONA: Ang mga ulat sa bayan ng Pangulong Manuel Quezon
Sa 1935 nasasaad na isa sa tungkulin ng Pangulo ng Pilipinas “from time to time” ay ang pagbibigay ng ulat ukol sa “State of the Nation,” at una itong isinakatuparan ni Pangulong Manuel Quezon noong November 25, 1935 sa harapan ng Pambansang Asembleya. Nakasaad din ito sa ating kasalukuyang saligang batas, ang 1987 constitution.
Kung gayon, mayroon na ngang SONA noon pang Dekada 1930s. Ngunit isinulat ko sa isa sa aking mga lathalain na isinagawa pa rin ni Quezon ang mas direktang ulat sa bayan sa kanyang talumpati tuwing anibersaryo ng pagpapasinaya ng Komonwelt, Nobyembre 15 mula 1936 hanggang 1941.
Sa pamamagitan ng mga lumang pahayagan aking naipakita kung paanong hinihintay ng bayan ang mga talumpating ito sa paligid ng kanilang mga radyo o sa mga plaza at kung paanong ang mga ito ay sumasalamin sa magandang pakiramdam o optimismo ng kanyang mga unang taon na napalitan ng pagtanggap sa reyalidad ng hirap na mamuno, hanggang sa takot na nadama sa papalapit na digmaan.

Trivia sa SONA: Pangulong Quirino, nag-SONA sa ospital!
Tanging si Pangulong Elipidio Quirino lamang ang nag-SONA na wala sa kongreso. Noong January 23, 1950, ang maysakit na Quirino ay iniradyo na lamang ang kanyang SONA sa kongreso mula sa Johns Hopkins Hospital sa Baltimore.
Pinamarami at pinakamahabang mag-SONA: Pangulong Ferdinand Marcos
Si Pangulong Ferdinand Marcos, liban sa may hawak na record na pinakamaraming SONA na naibigay—20, ang nagbigay rin ng pinakamahabang SONA noong 1969. May haba ito na 30,427 words na inilathala bilang isang libro, New Filipinism: The Turning Point. May salin pa ito sa Filipino, Bagong Pilipinismo: Landas Tungo sa Kaunlaran.
Ang SONA at ang Kontra-SONA
Noong January 26, 1970, nagkaroon ng malaking rally ang mga kabataan sa harapan mismo ng Kongreso. Matapos na magtalumpati ang Pangulong Marcos, pinaulanan siya ng bato. At dito nagkaroon tayo ng dalawang SONA, ang SONA ng pangulo at ang tinatawag na “SONA ng Bayan” na nagpapakita ng dalawang mukha ng bayan, ang mga tagumpay at kabiguan ng pamahalaan.
Noong gulo sa SONA noong 1970 na mas kilala ngayon bilang Sigwa ng Unang Kwarto o First Quarter Storm, mayroong ginamit sa protesta na kabaong na kumakatawan sa kamatayan ng demokrasya. Tila si Pangulong Marcos ay itinuturing na bagong Hitler, na may tendensiyang diktatoryal, dalawang taon bago niya iproklama ang Batas Militar.
Mayroon ding Papier-mâché na buwaya na may nakasulat na “FM” at simbolo ng dolyar. May hawak din itong pera. Mula noon, nag-evolve na ang mga tinatawag na effigy ng pangulo na sinusunog sa kada SONA.
Mayroon ding Papier-mâché na buwaya na may nakasulat na “FM” at simbolo ng dolyar. May hawak din itong pera. Mula noon, nag-evolve na ang mga tinatawag na effigy ng pangulo na sinusunog sa kada SONA.
Ang kilos protesta na ito ay inilalayo ng inilalayo sa venue ng SONA sa paglipas ng panahon.
Noong 1970, ang mga demonstrador ay nasa harapan na mismo ng gusali ng kongreso, ilang dipa mula sa kotse ng pangulo. Noong unang taon ng Pangulong Gloria Arroyo, na nagso-SONA mula sa Batasang Pambansa, ang protesta ay umaabot pa sa Sandiganbayan. Subalit inilayo ito hanggang sa Simbahan ng St. Peter sa Commonwealth Avenue at sa mga nakaraang taon hanggang Ever Gotesco Commonwealth na ito.
Anuman, gaano man ito ilayo sa Batasan, dahil sa modernong teknolohiya, tila nagiging mas malapit ang SONA. Sa telebisyon, habang nagsasalita ang pangulo sa Batasan, nasa tabi nito ang inset ng nagbabagang SONA ng Bayan kung saan siya ay sinusunog ng mga militante.

Noong SONA ng 1971, nagbabala ang Pangulong Marcos, “So I come to speak of a society that is sick, so sick that it must either be cured and cured now or buried in a deluge of reforms.” Tila may babala na siya 1971 pa lamang na kung hindi magagamot ang sakit ng lipunan ay ililibing niya ang lipunan sa isang delubyo ng reporma—Bagong Lipunan?
At gamit na dahilan ang mga kaguluhan ng protesta liban sa iba pang mga dahilan, ipinroklama ni Pangulong Marcos ang Martial Law noong 1972. Natigil ang SONA sa Kongreso at napalitan ito ng Ulat sa Bayan tuwing Thanksgiving Day o Anibersaryo ng Martial Law, September 21 hanggang ibalik niya muli ang praktis ng SONA noong 1978 at mula noon sa Batasang Pambansa na ito ginawa.
Ang SONA ay isang piyesta
Noon, isa lamang simpleng talumpati ang SONA na pinakikinggan sa radyo ng mga mamamayan sa isang wikang banyaga. Mahahaba ang mga SONA ng Pangulong Marcos sapagkat kailangan niyang isa-isahin sa mga nakikinig ang bawat numero ng natamo ng kanyang administrasyon.
Tapos naipakilala ang telebisyon, at kinailangan maging mas presentable sa pamamagitan ng infographics ang presentasyon. Mula sa mga VTR, human props, powerpoint presentations, ngayon, isa nang malaking produksyon ang SONA, kapana-panabik at madrama. At bakit hindi, ito ang tanging talumpati ng pangulo na pinakaaabangan at pinakikinggan ng BUONG MAMAMAYAN!

At dahil sa media attention na ibinibigay sa SONA, pinagkakagastusan ng mga kongresista ang SONA. Nagsimula na silang magsuot ng mga mamahaling mga trahe na tila tutungo sa isang fashion show o dancing ball. Gayundin, ginagamit ito ng iba’t ibang kongresista upang ipakita ang kanilang mga adbokasiya sa kanilang mga kasuotan.
Ang isang simpleng tungkulin ng presidente ay naging isang malaking piyesta. Ang tanong, kaninong pera ang ginagasta?
Ang SONA sa wika ng bayan
Mahalaga ang unang SONA ng Pangulong Noynoy Aquino noong 2010 sapagkat ito ang unang SONA na ibinahagi halos sa Wikang Pambansa. Sa wakas, may nakaisip na dapat nakikipag-usap ang pangulo hindi lamang sa iilang mga kongresista at mga diplomatiko kundi sa buong bayan.
Nasabi ng aking ina, ang sarap palang pakinggan ng SONA kapag naiintindihan mo.
Ang saysay ng SONA
Ayon sa Polakong historyador na si Krzysztof Gawlikowski, ang bansa ay parang isang relihiyon din, kailangan nito ng mga ritwal na nagpapaalala sa atin na nasa iisang bangka tayo, na isang bansa tayo anuman ang mangyari sa atin. Sa ganang akin, ang SONA ang okasyon na kung saan ang pangulo, bilang punong saserdote ng bansa, ay magsasalita. Ang lahat, magkakalaban man at magkakakampi, nagiging isa sa pakikinig.
Ang panalangin ng taumbayan, sana ang mga pangako ng SONA ay hindi mananatiling SANA.
Si Prop. Michael Charleston “Xiao” Briones Chua ay kasalukuyang assistant professorial lecturer ng Pamantasang De La Salle Maynila. Isa siyang historyador at naging consultant ng GMA News TV series na Katipunan at Ilustrado. Ang sanaysay na ito ay batay sa kanyang news segment sa “Xiao Time: Ako ay Pilipino” sa istasyong pantelebisyon ng pamahalaan.
More Videos
Most Popular