OPINION: Ask Atty. Gaby: Hit-and-run
Sa mga papasok ngayon sa trabaho at eskuwelahan, ingat po sa biyahe at ang dami pa rin pong mga insidente sa kalsada.
Sa San Pedro, Laguna, caught on cam ang pagsemplang ng motorsiklo ng pulis ng HPG.
Sa kuha ng dashcam video, banayad ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng South Luzon Expressway.
Maya-maya pa, makikita ang pagdating ng pulis ng HPG nang biglang sumalpok ang isang puting SUV sa pulis.
Dire-diretso lang ang SUV, habang sumemplang at nagpagulong-gulong naman ang pulis at kaniyang motorsiklo sa gilid ng kalsada.
Nakatayo rin kalaunan ang pulis na nagtamo ng minor injuries, ayon sa PNP-HPG.
Samantala, pinaghahanap naman ang driver ng SUV na bumangga sa pulis.
READ: LTO summons SUV driver in SLEX hit-and-run for abandoning HPG cop, reckless driving
Pag-usapan natin ang insidenteng 'yan. Ask me, ask Atty. Gaby!
Atty., ayon sa LTO, mukhang sinadya ang pagsalpok tapos tinakbuhan pa! Ano ang sinasabi ng batas tungkol dito?
Paano kaya nila mapapatunayan kung sadya o hindi ang salpukan na itong nangyari?
Pero mabuti na lang at merong kotseng may dashcam na maaaring gamitin bilang siguradong ebidensiya tungkol sa identity ng kotseng involved sa aksidenteng 'yan – kasama na ang license plate nito at ang kanyang sadyang pagtakbo mula sa scene of the incident.
Usually, ang mga kaso ng banggaan ay mga hindi sinasadya. Mga kaso ito ng pagpapabaya o ng kakulangan sa pag-obserba o pagsunod sa rules on driving. Ang hindi pagsunod sa speed limit, hindi pagtingin sa kaliwa't kanan bago mag-change lane o ang swerving — ito ang mga usual na dahilan kung bakit nagkakaroon ng aksidente.
At ang sobrang pagpapabaya na ito ay napaparusahan sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries o damage to property or posibleng homicide pa, depende sa resulta ng insidente.
Kapag mapatunayang ito ay sadya pala – halimbawa, may girian na palang nangyari bago ng salpukan, of course hindi na reckless imprudence ang mai-fa-file na kaso. 'Yung pananadya o 'yung deliberate na attempt or intensyong manakit ay magreresulta sa kaso ng homicide or murder halimbawa kung namatay ang biktima. Posibleng kaso ng either serious, less serious or slight physical injuries kung hindi naman namatay ang biktima at nasaktan lamang.
Magkaiba ang penalty siyempre kung sadya ang insidente. Halimbawa, kung namatay ang isang tao dahil sadya itong binangga, ang penalty ay 12 years and 1 day to 20 years. Kung hindi sadya at reckless imprudence lamang, ang penalty ay 4 months and 1 day to 4 years and 2 months. So definitely mas mababa ang penalty kung hindi sinasadya ang insidente.
Pero tandaan: Hindi rin natin dapat iwan ang scene of the incident kung kayo ay nakabangga ng ibang tao. Ang isang hit and run ay magreresulta sa mas mataas pa na penalty ng kulong — by one whole degree ang madadagdag.
Kaya't huwag na huwag iiwan ang inyong biktima. Kalma lamang. Itigil ang sasakyan. I-secure ang sarili at ang mga kasama at siguraduhin na walang nasaktan o nangangailangan ng pangunahing lunas. Take pictures of the damage.
Secure the dashcam footage kung meron man. Makipag-usap nang maayos sa kabilang partido at kunan din ng litrato ang driver's license ng kabila pati na rin ng kotse, license plate at OR/CR, 'yung damage to the cars. Kailangan din kumuha ng police report. Kakailanganin ang mga ito lalo na kung magfa-file kayo ng claim sa insurance. Pero huwag na huwag tatakbuhan ang mga maling ginagawa sa buhay.
Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip. Ask me, ask Atty. Gaby!