Bayan sa Lanao Norte, nagmistulang war zone sa loob ng 22 oras
PANTAR, Lanao del Norte—Sa loob ng 22 oras mula noong Huwebes hanggang alas-2 ng hapon noong Biyernes, nagmistulang war zone ang bayan na ito dahil sa pagsiklab ng bakbakan sa pagitan ng mga taga-suporta ng "dalawang mayor" na sina Moh’ d s Exchan Gabriel Limbona at Magondaya Tago.
Si Tago ang ang vice mayor in Limbona, ngunit siya ay itinalaga ng Interior government na alkalde dahil sa kasong administratibo ng huli.
Mayor Limbona presents to media bullet shells of firearms allegedly used in the attack on his house. --Mariz Revales
Nugnit nagmamatigas si Limbona dahil iba naman umano ang pasya ng Comelec.
Nag-umpisa ang barilan ng magkabilang kampo nang atakehin ang tinitirhan ni Limbona sa Barangay Poblacion noong Huwebes kung saan 15 mga bala ng M-79 at isang rocket propelled Grenade (RPG) ang tumama doon.
Natigil lamang ang barilan matapos mamagitan si Colonel Gilbert I. Gapay, 2ndMechanized Brigade Commander, sina Limbona at Tago na kausapin ang kanilang mga taga-suporta na itigil ang putukan at respetuhin ang kanilang napagkasunduang peace covenant.
Sinabi ni Gapay na nagdagdag sila ng tropa ng kasundaluhan at pulis at nagtatag ng checkpoint at patrol operations sa loob ng Pantar.
Isa ang papaulat na namgatay at lima ang nasugatan sa bakbakan. Ngunit hindi pa ito kinumpirma ng mga awtoridad.
Sa panayam kay Tago, sinabi nito na noong Biyernes may dinala umano silang bangkay para ilibing sa kanilang lugar ngunit hinarang anya ang kanyang mga kamag-anak kaya nag kabarilan na naman.
Umapela si Limbona kay Gapay na lagyan ng permanenteng checkpoint at detachment ang boundary ng barangay Punud district at Barangay Poblacion upang permanente nang matigil ang putukan.
Ayon sa kampo ni Limbona, nagbanta umano ang grupo ni Tago na atakehin ang munisipyop ngayong Sabado.
Ayon kay Gapay, nakahanda ang kanyang puwersa na panatilihin ang kapayapaan sa lugar.
Samantala, ilang mga pamilya na ang nagsilikas dahil sa banta na sisiklab muli ang kaguluhan doon. — Mariz Revales/LBG, GMA News