ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
LOOK

Ilang paaralan, ospital sa Sarangani, nagtamo ng bahagyang pinsala mula sa lindol


Ilang paaralan at ospital sa Sarangani province ang nagtamo ng bahagyang pinsala dulot ng magnitude-6.3 lindol na tumama sa Mindanao noong Miyerkules.

Sa Sarangani province na ikalawa sa may pinakamaraming eskwelahang nagtamo ng minor damage mula sa lindol, may klase na kahapon ng Biyernes.

Base sa tala ng Office of the Civil Defense, 16 na paaralan ang nagkaroon ng minor damage matapos ang lindol.

Photos: VONNE AQUINO
Photos: VONNE AQUINO


Ang mga estudyante ng Alabel National High School sa Alabel, Sarangani, nakapag-exam na ngayon sa kanilang campus matapos itong maantala dahil sa lindol.

Nagkaroon ng ilang bitak sa pader at sahig ng eskwela ngunit pagtitiyak ng mga opisyal, minor lang naman daw ang mga ito at hindi makakaapekto sa mismong pundasyon ng gusali.

Photos: VONNE AQUINO
Photos: VONNE AQUINO


Sa Malalag Cogon Elementary School naman sa munisipalidad ng Malungon sa Sarangani, isang classroom ang hindi na muna pinapagamit ng city engineers dahil sa mga bitak nito mula sa lindol.

May mga bitak din sa pader ng iba pang classrooms pero ligtas pa naman daw gamitin ang mga ito.

Photos: VONNE AQUINO
Photos: VONNE AQUINO


Sa Malungon Municipal Hospital, may mga bitak din sa pader ng X-ray Room at Lactation Room pero ligtas din daw itong gamitin.

Hindi na muna pinapagamit ng engineers ang Linen Room ng ospital dahil hindi raw ito safe dahil sa mga nakitang bitak sa pader. — MDM, GMA News