ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
3 construction workers, naospital matapos makuryente sa Batangas
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tatlong construction workers ang naospital matapos makuryente sa Barangay Sampaguita, Lipa, Batangas.
Sa ulat ni GMA reporter James Agustin sa Unang Balita base sa impormasyon mula sa GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, nakitang nakahundusay sa gilid ng kalsada ang tatlo. Isa sa kanila ay duguan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naglalagay ng takip ng drainage ang tatlong biktima nang mangyari ang insidente.
Dumikit umano sa kable ng kuryente ang boom truck na kanilang ginagamit kaya sila nakuryente.
Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima. Maayos na ang kanilang kalagayan.
Ayon sa pamunuan ng barangay, sasagutin umano ng kontraktor ang gastusin sa ospital ng tatlo.—Alzel Laguardia/AOL, GMA News
More Videos
Most Popular