'Sa 'Pinas nagplano ang al Qaeda na patayin ang Pope'
Nang mapatay si Osama bin Laden, naging usapin na naman ang banta ng terorismo at ang posibilidad na gumanti ang mga galamay ni bin Laden. Bagamat humina na ang impluwensya ng al Qaeda sa Pilipinas, kinuwento ni Professor Rommel Banlaoi, isang researcher ng terorismo at executive director ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research, kay Howie Severino na naging malalim ang ugat ng al Qaeda sa Pilipinas.
Howie Severino (HS): Posible bang magkaroon ng retaliatory attacks dito sa ating bansa? Rommel Banlaoi (RB): Howie, ilagay natin yan sa konteksto. 'Yong retaliatory attacks, precautionary statement yan. Hindi 'yan predictive, hindi yan forecast. Hindi tayo magiging complacent dito dahil batay sa trend in the past, 'pag may namatay na leaders, nagkakaroon ng retaliatory attacks. Or if not retaliatory attacks, mga sympathy attacks. So precautionary lang 'yan, predictive, hindi 'yan forecast and we hope na walang mangyari. Pero kung possibility ba ang retaliatory attacks, there's always a possibility. HS: Linawin natin. Kung magkaroon ng retaliatory attacks, malamang hindi ito coordinated, walang nang central command ang al Qaeda tulad ng dati? RB: Maaaring wala at dalawa rin iyan. Pwedeng 'yong retaliatory attacks ay pwedeng signals ng al Qaeda na buhay pa kami dito sa Pilipinas. O talagang emotionally disturbed lang sila and they want to express their emotions. May nakausap kaming Muslim brothers na affiliated before sa rebel groups na talagang nasaktan sila sa pagkamatay ni Osama bin Laden. Meron din nga kaming researcher na dating Abu Sayyaf Group member na talagang napaiyak siya sa pagkamatay ni Osama bin Laden. Hindi dahil sa pagiging Osama bin Laden niya kundi dahil alam nilang mayroong ideolohiya si Osama bin Laden na natanggap nila na naging malakas ang impact sa kanila. HS: So hanggang ngayon may impluwensyia pa yung ideology na ito sa ating bansa? In a nutshell, ano ba ang ideology ni Osama bin Laden? RB: Ang ideology ni Osama bin Laden can be traced to the Wahabi philosophy. Naniniwala sila na dapat bumalik tayo sa original roots ng Islam. Kaya tinawag sila ng west na Islamic fundamentalists. They want to go back to the original practice of Islam na kailangan i-uphold yung Shari'a court tapos yung estado, aligned siya sa preaching ng Islam. At ang tingin ng mga Wahabi, lalo na ni Osama bin Laden, kung hindi ka Muslim, isa kang infidel. HS: Ok, iyan ang kanilang goal. Pero kailangan bang pumatay ng tao, kailangan ba ng terrorism acts, magbomba, etc.? Iba yung ideology sa method. RB: Diyan na papasok yung interpretation ni Osama bin Laden ng Jihad. Kasi yung interpretation ni Osama bin Laden ng Jihad ay can be translated into violent acts that can lead to the act of terrorism. At 'yon ang hindi sinasang-ayunan ng karamihan ng mga Muslim sa buong mundo. Maski dito sa Pilipinas, hindi sinasang-ayunan ng majority ng Muslim Filipinos yung concept ng violent acts ng Jihad. Debate yan. HS: Noong napatay si Osama, gaano ba siya kalakas sa buong mundo? RB: Malakas ang impluwensiya niya, ideologically. In fact, potent yung ideology hanggang ngayon. In fact, sa tingin ko nga mas naging potent yung ideology ni Osama bin Laden dahil na-immortalize 'yon no'ng pagkamatay niya. Argument nga before he was killed, he was already immortalized by his ideas. HS: Pero yung real power niya, kasi sinasabi isolated siya sa Pakistan. Wala siyang telepono o connection sa internet. Puro human contact lang at talagang dahil sa security ay talagang na-isolate nga siya doon. Paano siya magbibigay ng orders sa mga tauhan niya, sa mga armado niya kung gano'n ang sitwasyon? RB: Organizationally, wala nang gano'ng central command ang al Qaeda. Pero, yung kaniyang na-inspire o na-influence na like-minded groups all over the world including the Philippines can act independently but consistent with the ideology of Osama bin Laden. Parang franchise 'yan e. Napa-franchise 'yong ideology ni Osama bin Laden na walang control 'yong central command pero consistent sa ideology na ina-advocate niya. HS: So sa tingin mo sa ngayon lumalakas yung kilusan na itinatag ni Osama? RB: Sa ngayon hindi pa natin alam. Pero ang alam natin, ang ideology malakas. Pero kung ang organization, hindi natin alam 'yan pero alam namin, humina since 9/11 dahil na-disrupt na yung critical infrastructure ng al Qaeda after 9/11. Pero ang ideolohiya, hindi pa nawawasak 'yan. Marami pa ring na-iinspire sa ideolohiya ni Osama bin Laden and I'm sure, after his death maraming libro ang magsusulat about Osama bin Laden and that will romanticize him further. At 'pag na-romanticize 'yong idea niya, that will attract other young people to really admire his ideas. So we have to present an alternative idea that is better than the ideology of Osama bin Laden. And that's the challenge for us. HS: Sabi ng Armed Forces of the Philippines, ang pagkamatay ni Osama bin Laden ay magpapahina sa Abu Sayyaf. Sumasang-ayon ba kayo doon? RB: Unang-una, bago pa man mamatay si Osama bin Laden, mahina na talaga ang Abu Sayyaf. Financially and organizationally, weakened na ang Abu Sayyaf. Pero hindi siya nawala, hindi siya na-eliminate. So dalawa ang posibleng mangyari. Pwedeng humina pa nang husto ang Abu Sayyaf Group o pwede rin siyang lumakas kung magkaroon ng opportunities ang Abu Sayyaf Group to generate another source of income abroad. Pero kung gagamitin nila 'yong income nila from kidnap-for-ransom activities and use it for Islamic provocation, that's something we have to see. Pero bago pa man mamatay si Osama bin Laden, talagang mahina na ang Abu Sayyaf Group as an ideological organization originally established by Abdurajak Janjalani. After Abdurajak Janjalani talagang bumagsak 'yong organizational at financial strength ng Abu Sayyaf Group. Kaya't sa pag-aaral nga namin, the great majority of the members now are those people who claim to be members of Abu Sayyaf Group are ordinary bandits engaged in kidnap for ransom, extortion, piracy, arms smuggling. HS: So mali na 'yong tinatawag silang terrorist group? Tingin mo mas bandit group na sila? Ordinaryong kriminal na lang? RB: Bigyan natin ng konteksto 'yong sagot diyan. Kasi ngayon meron nang tinatawag na crime-terrorism nexus . Meron na silang deep relationship; 'yong criminal organization tsaka terrorist organization. So very close na yung link nila, mahirap nang i-draw 'yong line. Kaya terrorist pa rin sila kasi meron pa rin silang tinatawag na ideology, they can still hide behind the ideology. Pero at the same time, yung actions nila ay economically motivated. Pero may argument sila na 'yong economic motivation nila ay isa sa mga political goals. So may crime-terrorism nexus. Mahirap sagutin nang simple 'yan kasi may very deep relationship 'yong dalawa. HS: At one point, mas malakas 'yong coordination at yung tulong ng al Qaeda sa Abu Sayyaf at may network sila dito sa Pilipinas. Kailan pa 'yong peak nito? Kailan ba 'yong highest point no'ng relationship ng mga grupo dito sa Pilipinas at saka 'yong al Qaeda. RB: Early 1990s 'yan, high peak 'yan ng al Qaeda. As early as 1988, sinurvey na ng al Qaeda ang Pilipinas. Inutusan nga ni Osama bin Laden ang kaniyang brother-in-law, si Mohammed Jamal Khalifa na pumunta sa Pilipinas para i-build ang capacity ng Abu Sayyaf Group in bomb-making, guerilla warfare and even financial activities. Dalawa ang in-establish ni Jamal Khalifa dito na legitimate organizations para magawa yan. Unang-una yung Dar'ul Immam Shafee. Islamic center yan, Islamic school na na-establish sa Marawi City no'ng 1991. Maraming naging graduate yan, more than 100. 'Yong iba aktibo pa sa Abu Sayyaf Group, yung iba nag-join na sa ibang Muslim rebel groups. 'Yong pangalawa naman, 'yong kilalang-kilala na International Islamic Relief Organization. Ni-register pa ng SEC 'yan no'ng 1993. HS: Mga legal organizations ito? Mga front ito? RB: Yes, legal silang nag-operate dito. HS: Ngayon, wala na 'yong mga 'yan? RB: No, noong nagkaroon ng Anti-Money Laundering Council noong 2006, na-frozen na lahat ng assets ng International Islamic Relief Organization sa Pilipinas. HS: Si bin Laden, pinili niya mismo ang Pilipinas as a base of operations para sa al Qaeda. Bakit niya pinili ang Pilipinas? RB: Base of operations nila ang Pilipinas sa Southeast Asia kasi unang-una, sabi nila, porous ang border ng Pilipinas, madaling mag-operate. Secondly, very conducive yung condition sa southern Philippines dahil may mga local grievances na pwede nilang i-take advantage. At pangatlo, alam nila na very weak daw ang law enforcement authority sa Pilipinas so madaling mag-operate. So iyon ang mga considerations kung bakit napili nila ang Pilipinas. At pangapat, meron silang ideology, yung si Abdurajak Janjalani. Kung titignan mo nga ang pangalan, Abu Sayyaf Group, hallmark yan ng al Qaeda dahil si Propesor Abdul Rasul Sayyaf ay isang Taliban fighter sa Afghanistan na linked sa al Qaeda. HS: Kanina may ipinapakitang diagram sa TV, baka pwede nating balikan. Ano ba yung diagram na ibinigay ninyo sa amin? RB: Diyan, ipinapakita d'yan na 'yong al Qaeda at yung JI, Jemaah Islamiyah, ay nag-establish ng mga front business at infiltrated corporation sa Pilipinas. Nandiyan nga yung Benevolent International Corporation, Dar'ul Immam Shafee, International Research and Information Center at saka Markhazob Shabab. At 'yang mga 'yan, may mga network din 'yan sa ibang part ng Southeast Asia--Philippines, Malaysia, Indonesia, Singapore--at gumamit din sila ng ibang front and business organizations na tinatawag na Eraska Groups at saka Konsonjaya Group. HS: So talagang international ang grupong ito? RB: Na-establish 'yan at nadiscover ng Philippine National Police as early as 1994. December 1994, may classified report na nagawa ang Philipppine Natinal Police and I had the opportunity to discover this classified report and it gave me a better understanding of al Qaeda's links in the Philippines. Meron 'yan e. Kung maipapakita nga sana natin yung link na yan, nandoon yun. So nakita mo na gumamit talaga sila ng legitimate front organizations to penetrate not only the Southeast Asian region with the Jemaah Islamiyah but also the Philippines with the Abu Sayyaf Group. HS: Tayo ay matagal na pong kaalyado ng Amerika at kaisa nila tayo laban sa terorismo. Sa inyong opinyon, dapat po bang bokal tayo sa pagsuporta sa mga ginagawa ng Amerika laban sa terorismo? RB: Dalawa ang naging epekto ng ating alyansa sa Amerika. Unang-una, napakaganda na kaalyado natin ang world superpower. But at the same time, we invite the enemy of the superpower. If not for our alliance with the United States, hindi magkakaroon ng mga capacity -uilding for counter-terrorism ang Pilipinas. Kasi right after 9/11, because of the global war on terrorism, bumalik ang Amerika sa atin at ni-reinforce yung capacity-building for counter-terrorism. At ngayon, we have a better understanding of the terrorist threat in the Philippines and at the same time, we are able, compared to before, to handle the threat. So mahalaga na meron tayong alliance sa United States. At the same time, 'yong alliance ng United States sa ibang bansa like Japan, Australia also contributes to capacity-building in the Philippines. 'Yong Australia nagbibigay ng mga training sa Pilipinas and equipment, pati rin yung Japan. So may mga positive factors. Ang negative factor naman niya, kung ano ang enemy ng United States, nama-magnet din natin. HS: Baka hindi alam ng maraming manonood natin na habang pinaplano daw ng al Qaeda yung 9/11 attack sa New York City, may pinaplano rin daw dito sa Pilipinas na parang Southeast Asian 9/11 naman. RB: Correct. HS: Parang gano'n din ang gagawin nila. Mangha-hijack sila ng eroplano at papasabugin ito. Pero hindi ito natuloy. Bakit hindi natuloy yung 9/11 na conspiracy o plot dito sa Southeast Asia? RB: Remember, no'ng January 1995, nandito 'yong mga al Qaeda operatives--sila Ramzi Yousef, sila Wali Khan, sila Murad, and even Khalid Shaikh Mohammed--para pagplanuhan 'yong pagpatay kay Pope John Paul II during the World Youth event. HS: Bakit gusto nilang patayin ang Pope? B: Target siya. Kistiyano siya e, katoliko siya. Enemy siya. Crusader siya. 'Yan ang tingin nila sa mga kristiyano, mga crusader 'yang mga 'yan. At the same time, pina-plot nila na atakihin 'yong twin tower. Nagkaroon ng aksidente si Ramzi Yousef, na-miscalculate niya yung chemical. Kasi pine-perfect nila yung isang liquid bomb na hindi made-detect sa radar 'pag dinala mo sa eroplano. Pine-perfect nila 'yon, e na-miscalculate ni Ramzi Yousef 'yong chemical kaya nag-create ng smoke and that attracted the attention of the police. HS: Dito sa Manila yan? B: Sa Doña Josefa Apartments sa Ermita. HS: Dito 'yan sa Quirino? RB: Sa Quirino. Bakit? Kasi balak nilang gumawa ng pipe bomb doon kasi dadaan doon si Pope John Paul II na balak nilang pasabugin. Pero hindi natuloy 'yon dahil na-discover. HS: Eto galing din sa inyo, itong slide na 'to. Dito pinapakita niyo 'yong mga connection. 'Yong pilot na 'yan, siya yung nahuli dito sa atin. RB: 'Yong chemist na yan, siya si Ramzi Yousef, siya 'yong nagplano ng unang atake sa twin tower. HS: Lahat 'yan al Qaeda operatives dito sa Manila? RB: Oo. 'Yang manager na yan, 'yan si Khalid Shaikh Mohammed. Ang financier na 'yan, 'yan si Wali Khan. Lahat 'yan nandidito. At ang banker, tingin namin 'yan si Osama bin Laden. HS: So 'yong question mark na 'yon, sa palagay niyo si Osama bin Laden mismo? Siya 'yong pumopondo sa operations nila sa Pilipinas. RB: Oo, correct. HS: Anong dekada 'to? RB: 1995 'yan na-discover. HS: So after 1995, hindi na sila naging aktibo dito? RB: Oo, pero ipinagpatuloy ni Khalid Shaikh Mohammed, 'yong manager. Kasi si Khalid Shaikh Mohammed at saka si Ramzi Yousef, nakatakas. Si Wali Khan at si Murad, nahuli 'yan. Si Khalid Shaikh Mohammed ipinagpatuloy niya 'yong plano kaya nagkaron ng 9/11. Binigay natin 'yong intelligence information sa FBI. Pero imagine mo, 1995 sasabihin mong aatakihin mo 'yong twin tower using jet liners, parang ano ka ba, nahihibang ka ba? HS: So solid 'yong connection ng mga al Qaeda operatives dito sa Maynila at saka 'yong mga nagplano ng 9/11? RB: Before, very solid. The Philippines was the operational base in the region during that time. In the early 90s. Pero na-disrupt 'yon after 9/11. HS: My final question, ano na yung power ng al Qaeda dito sa Pilipinas? B: Ang power nila is the power of ideology. HS: Ideology na lang? RB: Oo, power of ideology. HS: Sa tingin ni'yo wala na silang capability na magplano dito, gumawa ng bomba tulad ng dati? B: That remains to be seen. Kasi may mga operatives pa rin silang dinadala dito. Pero 'yong power of ideology na 'yon, humihina na rin kasi nawawala na 'yong mga ideologues ng Abu Sayyaf Group e. Napapalitan na ng mga more criminally-minded young people whose motivation is money rather than a separate state or an Islamic state. HS: 'Di ko alam kung positive 'yon o negative para sa atin. RB: That remains to be seen kaya pag-aralan natin, Howie. HS: Maraming salamat Prof. Banlaoi. RB: Maraming salamat din, Howie. - GMA News