Sex education sa klase, maaaring 'optional'?
Isa sa mainit na pinagdebatihan ng mga kongresista sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill ay ang reproductive health education o âsex education." Sa panayam ng News To Go kay Sen Pia Cayetano, alamin kung may mababagong probisyon sa naturang panukalang batas kapag tinalakay na ang bersiyon nito sa plenaryo ng Senado. HOWIE SEVERINO: Senate Bill No.2865 o âyung Reproductive Health Act. âYan ang Senate version ng RH bill. Dalawampung senador ang pumayag na dinggin na ito sa plenaryo, pero indikasyon ba ito na agad na maipapasa ang kontrobesyal na panukala? Kasama natin ngayon ang nag-isponsor ng panukalang âyan, si Senator Pia Cayetano. Siya rin po ang chairperson ng Senate committee on health and demography, at committee on youth, women and family relations. Magandang umaga Sen. Pia Cayetano, welcome to News to Go. SEN. PIA CAYETANO: Good morning and Iâm happy to explain the reproductive health bill. HOWIE: Unang-una nagdedebate na sa House, pinakikinggan nâyo ba âyung mga debate doon? SEN. PIA: Kung may oras ako, pero hindi ko focus. Sen. Miriam ang nagfile ng bill and abogado rin ako so talagang I tried to address din some of the concerns that I heard from the House kasi alam ko similar âyon. Pero talagang independent ang trabaho namin, so âpag natatanong ako to compare, mahirap magcompare kasi wala ho akong kinalaman sa version ng House. HOWIE: Okay. Pero hindi kaya parang training din âyon para sa debate sa Senate? SEN. PIA: Yes, âyun nga ⦠HOWIE: Pinakikinggan nâyo yung mga argumento ng mga ibang legislators naman. SEN. PIA: Oo. In fact, the fact na medyo latter part na kami na-finalize âto, meron din talaga âkong na revise ng konti to address some of the concerns na narirning ko. HOWIE: Halimbawa lang, anong mga revisions âyon? SEN. PIA: For example yung tungkol dun sa reproductive health education, sex education⦠ang tagal ng debate kung anong grade mag-i-start âyan. Ako wala akong nilagay na indikasyon kung anong grade kasi actually, ang number one objective ko is madebate âto nang maayos sa Senado. Dahil kanya-kanya kasi, marami rin dun mga magulang din (para) madebate namin kung ano talagang tingin namin na maayos na edad. Pero personally ang sa akin, paano mo lalagyan ng edad âyan e sa katotohanan niyan, reproductive health education is really part of day to day education. For example, kung buntis ako at may anak akong three years old, sasabihin niya, âMommy bakit lumalaki tiyan mo?â Anong sasabihin mo? âNakalulon ako ng basketball o ng pakwan?â âDi ba hindi. 'Magkakaroon ka kasi ng kapatid, may baby kasi kami ni Daddy gumawa kami ng baby, period.' Kasi âyon lang naman ang tanong ng three years old eh. E kung 12 years old na âyan, âMommy paano ba kayo gumawa ng baby?' E di medyo mas malalim ng konti ang explanation mo, iba-ban mo âyong discussion na iyon? So ang pakikinggan na lang ng mga anak natin, malalaman na lang nila is yung naririnig nila sa subject nila⦠na kasaysayan kung saan nandoon si Malakas at si Maganda⦠nanggaling tayo sa bamboo, sa kawayan, âyun ba? So iyon ang gusto kong madebate ng husto. HOWIE: So hindi ka naniniwala na dapat magulang lang ang nagbibigay ng sex education sa mga bata. SEN. PIA: In principle, in theory naniniwala ako na magulang, pero hindi karamihan ng magulang... HOWIE: Kasi iyon ang mga sinasabi ng mga opponent ng RH bill di ba? SEN. PIA: Oo. At naniniwala ako talaga na sana ang magulang. Pero the reality is Howie and ask around din sa mga kaibigan mo. I have so many friends, educated like me, sasabihin nila Pia ano bang sinasabi mo sa anak mo? Kasi lang po nagkataon na ang nanay ko teacher at kumportable siyang mag-explain. So ako lumaki akong kumportable din. So ang mga anak ko kumportable rin akong magpaliwanag sa kanila. Pero hindi kumportable ang karamihan ng magulang. Yes in principle, parents, bakit hindi? Pero hindi rin ako papayag na walang intervention ang eskuwelahan, bakit? Nagkalat ang ating problema sa sexual abuse⦠Father and daughter, brother and sister, ang dami po niyan yung sa mga iba't bang lugar. Hindi natin ma-dedeny âyan. How can you not teach these children na may boundaries, na kailangang bigyan ng respeto ang katawan ng isang tao kahit bata ka. Paano mo hindi ituturo âyun? Paano mo hindi ituturo yung responsible teenage behavior? E makakapanood ka na isang batang 14⦠HOWIE : Ang sinasabi mo, sa ibang bata akala nila ang incest normal âyun? SEN. PIA: Aba, e iyon ang kinalakihan nila, wala namang nagsasabing bawal. Halimbawa nakita nila âyung tatay nila na ginahasa âyung kapatid nila o âyung kapitbahay. We know that, that exists⦠HOWIE: Tapos uulitin naman nila sa iba? SEN. PIA: ⦠so how can you not talk about it? Kung ang basehan lang ng mga bata is âyung napapanood nila sa TV or âyung na-Google nila sa Internet. âYan ba ang magiging basehan? How many parents interviewhin mo, ang talaga namang magpapaliwanag sa mga anak nila. Yes in principle, parents pero hindi rin ako papayag na pabayaan na kung sakaling hindi maipaliwanag ng parents âyan. Wala namang quality information and accurate information makukuha ang bata. HOWIE: Ang lumalabas na kompromiso sa House at least na imbes na gawing requirement o mandatory ang sex education sa schools, gawing optional na lang âyung mga estudyante., Kung ayaw ng mga magulang nila na mag-attend sila ng sex education class e magpapaexcuse na lang sa klase. Ano bang tingin mo diyan sa ganyang klase ng kompromiso? SEN. PIA: Ang problema, the reproductive health education is incorporated in many subjects. If you ask DepEd now that has been on-going for many years, decades pa yata. So for example, ang subject matter nila is biology at pinapakitang ang manok nangingitlog, ang mammals pinapanganak ng buhay ang bata, paano ang tao? Ah, excuse me lalabas ho ako kasi bawal akong makinig ng parte na âyan kung saan pinanganganak ang tao. Puwede lang akong makinig kung paano ipinapanganak ang manok at kung paano ipinapanganak ang unggoy. Pero pagdating sa tao sabi ng nanay ko labas muna ko ng classroom ko, ganun ba? That is gonna be the subject of my debate, thatâs why open-ended âyan because I wanna explain kung paano ba talaga mangyayari kung ayaw nâyo makinig ng anak nâyo sa wastong reproductive health information. Siyempre po I understand na mayroon tayong pangamba na baka kung anu-anong itinuturo. Kaya sa aking sponsorship speech, sabi ko hindi po totoo na ang ituturo sa mga anak ninyo na nine-years-old ang paggamit ng condom. Sino ba namang magtuturo sa bata na nine-year-old ang paggamit ng condom, hindi po totoo âyun. I donât think DepEd is that irresponsible? HOWIE: So linawin natin dito sa batas na âto hindi irerequire na magkaroon ng sariling klase o sariling subject ang reproductive health, mai-integrate âto sa sinasabi mong biology, ano pang mga subjects ito mai-integrate? SEN. PIA: Ako dun sa bill ko inaral ko ho nang husto, ano ba ang existing programs and right now existing programs or existing information on reproductive health is available in many classes. Nandun âyon sa mga klase nga ng kasaysayan kasi to the extent nga na⦠For example kahit dun sa klase na nagtutro ng Filipino and English. How will you learn English? How will you learn to read? E di âyung pang-araw-araw na buhay âdi ba? So learn to read and at the same time kinukuwento si nanay, si tatay o si nanay buntis, magiging dalawa na anak nila, magkakaroon na ng kapatid si Kuya. So in that sense may reproductive health aspect âyun. How will you take all of that out? Because that is what is existing. Yes, in my bill, wala akong sina-suggest na separate class kasi I donât think itâs necessary naman to have a class na stand alone. Kasi kung kasama naman âyan sa day to day ano⦠then matututunan ng bata. HOWIE: So in other words mahirap palang gawing optional ito? SEN. PIA: Because that is also what exists, so hindi ko alam unless patatanggal nila. Ano lahat na naman ng mga libro rireviewhin natin kung may mali diyan. HOWIE: But if it already exists, bakit kailangan pa ng batas para gawin ito? SEN. PIA: If you recall mga a year or two ago, nagkaroon ng malaking controversy ng may tinuro ang DepEd tapos ngayon gustong ibawal. So the reason why we make a law is to institutionalize a practice to be sure na kada palit ng administrasyon hindi nagbabago-bago âyan. And that will also address âyung general question na bakit ba kailangan pa ng RH? E mayroon namang available na contraceptives on the market, mayroong ganyan, because the problem is you will have situations kung saan may barangay o kaya municipality na magdedisisyon na gumawa ng sariling ordinansa na labag doon sa polisiya ng gobyerno. So we have to make national policy by law that every president, every secretary of Health, DSWD secretary will follow para consistent ang program natin. HOWIE: Nabanggit mo âyung contraceptives, sinasabi ng mga opponent ng RH bill yung ibang mga contraceptives sa merkado ay mga abortifacient katulad ng mga pills, ng IUDs. Ano ba sa tingin mo ang ibig sabihin ng abortifacient? Ano bang pananaw mo tungkol diyan? SEN. PIA: Let me say this, first of all âyung definition ng abortifacient trabaho po âyan ng food and drug administration. Sila ho ang may medical at scientific na kaalaman para sabihin sa atin na ito po ang mga bawal na gamot, delikado po na kahit sinong tao. Kahit ako na abogado na sabihin kong lahat ng abortifacient bawal. Bakit? Kasi po âyung gamot po para sa mga nanay na may diabetes, sakit sa hypertension at iba pa. Karamihan ng mga gamot na âyan mayroong risk at isa sa risk niyan ay delikado sa buntis. Pero pinapayagan pa rin sa buntis âyan with the guidance of the doctor na nakaprescription âyan para mabuhay âyong nanay. So kung ganoon ka-general âyung statement natin, blanket statement na bawal lahat ng klase, aba lahat na ng nanay ngayon na may sakit mamatay na dahil bawal lahat ng gamot. So ang kailangan, pabayaan natin ang FDA na gawin ang trabaho niya na ipagbawal ang paggamit ng gamot na ang purpose is to abort. But if it is to save a life, dapat puwede âyon. HOWIE: Ok, sa version niyo ng RH bill magkakaroon ng access sa ano bang klaseng artificial contraceptives? IUDs, pills, condoms? SEN. PIA: No, we simply state na lahat ng klaseng modern methods of contraceptives and also the traditional family planning is available to all Filipinos para lahat ng Filipino personal kang magdesisyon. Pero ang boundaries mo is what the constitution provides which is we protect the life of the mother and the unborn, which means bawal ang abortifacient that is for the FDA to decide not Congress kung ano âyung mga definition ng mga âyan. HOWIE: At kung anong mga puwedeng i-supply sa health centers, sa mga pasyente, sa mga couples. SEN. PIA: Yes, trabaho po ng FDA âyan. HOWIE: So hindi dinidefine sa bill kung anu-ano iyang mga âyan? SEN. PIA: We just provide the parameters and we say there that under the guidelines of the FDA. HOWIE: Ok. Magkakaroon ng pondo itong bill na âto kapag naging batas. Ang sinasabi ng isang colleague ninyo si Senator (Tito) Sotto na nagkaroon na ng corruption dati sa mga family planning program. Kung magkaroon ng mas malaking programa lalong lalaki ang corruption, di kaya mapupunta lang sa kurakot itong itatabing pera, iyong ibubukod na pera para dito sa contraceptives na âto, itong mga services na âto? SEN. PIA: Well, lahat ng program na naging biktima ng kurapsyon dapat imbestigahan at itigil. But it doesnât give us a reason na itigil lahat ng magagandang programa, otherwise, para mo naâring sinabi na huwag na nating pondohan ang eskuwelahan dahil mayroon ding kurapsyon sa pagpatayo ng eskuwelahan. Huwag na tayong magkaroon ng kalsada dahil may kurapsyon din sa mga kalsada. The objective is to provide good programs then ilagay ang mga safety measures to be sure na talagang magamit sa wasto, siyempre that is a fear but we have to addressed it. HOWIE: Ok. Kailan ang umpisa ng debate sa Senado? SEN. PIA: âPag resume namin, Senator Miriam will give her sponsorship speech, and then we will be ready to tackle all the questions. HOWIE: So it will be a priority? SEN. PIA: Well sa akin sa committee ko I have the Philhealth bill and reproductive health bill pinaprioritize ko. Both of them bibigyan ko ng sapat na panahon. It's up to them, the rest of the Senate, to interpolate on both of those measures. HOWIE: Ok mukhang handa na kayo sa debate. SEN. PIA: Yes. HOWIE: Maraming salamat Senator Pia Cayetano. SEN. PIA: Thank you. - GMA News