ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
‘Little President’ ni PNoy, anti-crime czar na rin
Isang taon makaraang italaga ni Pangulong Benigno Aquino III bilang âLittle President," inilahad ni Executive Secretary Paquito âJojo" Ochoa Jr., sa News To Go ang mga nangyayari sa Malacañang. Totoo nga bang may paksiyon sa Palasyo at may âKâ nga ba siyang maging anti-crime czar ng bansa? KARA DAVID: Isa raw siya sa mga Kaibigan, Kaklase o Kabarilan (KKK) ni Pangulong Noynoy Aquino. MARK SALAZAR: Hindi lang siya Executive Secretary, siya rin ang bagong chairman ng Anti-Organized Crime Commission. KARA: Makakasama natin ngayon si Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. Good morning Sir. Executive Secretary Paquito âJojo" OCHOA Jr.: Good morning Kara, good morning Mark. KARA: Linawin muna natin 'yun KKK, alin po ba kayo dun sa KKK? Kaklase po ba talaga kayo ni Pangulong Aquino? E.S OCHOA: Hindi, 'yung pre-law ko kasi sa UST and then nag-law school ako sa Ateneo. Yung mga classmates niya sa Ateneo na nag-law naging kaklase ko, because magka-batch kami. KARA: So hindi niyo siya kaklase? E.S. OCHOA: No. MARK: Kabarilan?. KARA: Kaibigan... kabarilan? MARK: So dalawang K lang kayo Sir. E.S. OCHOA: Minsan nakakasama niya ako sa firing, yes. MARK: So dalawang K. KARA: Okay, may mga nagsasabi na isa raw ito sa mga reason kung bakit bumaba ang rating ng Pangulo dahil daw sa sinasabing KKK. E.S OCHOA: Well, I doubt that. Kasi kung titingnan ninyong mabuti 'yung surveys naman, sa ratings ng Pangulo hindi naman âto kasali sa mga naging dahilan. Mga sinasabi nilang dahilan kung bakit gumalaw pababa ng konti ang ratings ng Pangulo. KARA: Pero sa tingin ninyo kailangan ba talagang isyuhan 'yang KKK na 'yan? E.S. OCHOA: I don't think so. Kasi natural lang naman sa isang namumuno kung saan ka mapunta ang una mong pipiliin na kukuhanin makakasama mo sa trabaho ang komportable ka. KARA: The people you trust. E.S. OCHOA: ...yung pagkakatiwalaan mo and most of them come from the group na kilala mo na talaga at most likely kaibigan mo rin. KARA: Pero kapag kunwari ba ikaw miyembro ng KKK na sinasabi and you do something... you know hindi ayon sa ano ng Pangulo, puwede ka rin bang tanggalin or receive a special⦠E.S. OCHOA: Palagay ko naman⦠dahil lahat naman kahit na kaibigan, kamukha ko sa ngayon ang tingin ko sa sarili ko hindi na ako basta isang kaibigan, kundi subordinate na niya ako. KARA: Sinasabon ka rin ba ng Pangulong Aquino? E.S. OCHOA: Siyempre naman kung mayroon kang pagkakamali. Wala namang exemption dun. MARK: Executive Secretary siyempre malaki ang grupo ninyo, marami pang ibang kaibigan si Presidente⦠ngayon ba mayroon bang mga ibang nangyayari na mga kaibigang hindi napagbigyan, nagselos sa isang kaibigan kay Sec. Ochoa nagselos, ânaku buti pa 'yung kaibigang si Paquito nakaupo, kami hindi, e barkada din naman kami.â May mga ganoon ba? E.S. OCHOA: Ang totoo maraming kaibigan si Pangulo na hindi naman niya nakasama sa Gabinete o sa ano mang posisyon. At kung titingnan ninyo 'yung Gabinete karamihan dun ay hindi naman dating nakasama ng Pangulo. So isa lang, siguro ako lang ang maituturing ninyo nasa Cabinet members na talagang galing doon sa grupo na 'yon. Isa-isahin natin. KARA: O sige-sige. E.S. OCHOA: Sina Dave Singson (DPWH), si Dinky Soliman (DSWD), Butch Abad DBM) kaibigan niya 'yan dahil nagkasama sila sa Kongreso, at incidentally si Butch Abad kaklase ko rin sa law school. Medyo mas may edad nga lang siya sa 'kin, and so forth and so on. Wala akong maituturing na dati niyang kaibigan o 'yung iba nga hindi pa niya kilala. KARA: So ang sinasabi niyo po yung composition ngayon ng Gabinete hindi naman siya dominated nung âKKK.â E.S. OCHOA: Tama, tama 'yon. MARK: At saka parang dapat pala Kara kapag magiging Presidente ka wala kang salbaheng kaibigan, magiging dalahin mo. E.S. OCHOA: Siyempre naman. Hindi naman koâmo kaibigan ka you are already automatically should be part of the members of Official Family. If youâre referring to Presidency, hindi automatic 'yon, tinitingnan din naman 'yung qualifications nung mga tao. Siguro ang pinagtatakhan lang ng mga tao yung hindi naman ako kilala, wala naman akong national statue bago ako napunta dito, nagtataka lang sila. KARA: You came from Quezon City di ba? E.S. OCHOA: Oo. I was part of the administration of Mayor Belmonte who is now the Speaker of the House. KARA: Kasi usually iniisip nila kapag Executive Secretary dati 'yang senador, dati 'yang may mataas na ano. So nagulat pa parang sino si Jojo Ochoa? E.S. OCHOA: Correct. Maski naman ako nagulat din ako. KARA: Nagulat ka rin. Oo. Napapag-usapan na rin natin ang Gabinete so kahapon pa po o actually ilang days na nagge-guessing game ang taong bayan. Kasi di ba may tatlo daw Cabinet secretaries na sumasakit daw 'yung ulo ni Presidente. Ano ba 'yung ibig sabihin ni Presidente na kapag dumarating daw 'yung mga Cabinet secretaries na 'yon e sumasakit 'yung ulo niya. Ayaw ba niya yung mga taong 'yon or ayaw niya yung ibinabalita? What does it mean? E.S. OCHOA: Hindi naman gano'n. Alam mo ang mga departamento may kanya-kanyang level ng gravity or seriousness ng problema. Such that yung pagtalakay mo sa mga problemang 'yon kung minsan mahihirapan ka talagang magbigay ng immediate solutions. So he must be referring dun sa problemang naipabalita sa kanya ng mga Cabinet members na 'yon. So as far as I am concern walang personal sa Pangulo iyon, kundi iyon ay tungkol lamang sa trabaho. Wala siyang malisya doon kundi madalas lang kasi na may problema dun sa departamento na 'yon. KARA: Hindi ba ito prelude to balasahan, sa revamp. E.S. OCHOA: Wala, wala akong nakikitang gano'n. KARA: Wala kayong nakikita, that's very sure? MARK: Yung SONA (State of the Nation Address), ngayon ba as early as now dina-draft na 'yung magiging SONA ng Pangulo? E.S. OCHOA: Oo nagpe-prepara kami siyempre. Ito yung official na mag-uulat ang Pangulo sa buong bayan ng kanyang accomplishment at ng kanya pang gagawin sa mga susunod na panahon. MARK: Ano ang aasahan natin sa SONA? Kasi may mga ibang obserbasyon noon na parang ang laman ng unang SONA ay puro batikos sa nakaraan. So naka-isang taon na dapat daw ay umusad na. KARA: Pero 'yung ulat niya sa bayan kahapon mayroon din siyang batikos pa rin dun sa nakaraan (administrasyon). E.S. OCHOA: Well, 'yung kahapon ay parang prelude to the SONA at hindi naman niya nilahad lahat dun 'yung sasabihin niya sa SONA. Natural ang requirement sa SONA ay magbigay siya ng ulat. So ano ba 'yung na-accomplish namin at ano pa 'yung mga plano niya na gagawin namin in the coming year or for the rest of his term... There's this LEDAC group na nag-conduct na kami ng first meeting. Dun we lined-up our priority bills and out of which if I remember right, naka six na yata that became into law. And we will be conducting another LEDAC or we will propose new sets of priority bills part do'n ay minority dun sa LEDAC group na 'yon. At doon naa-update sila at kung updating lang naman palagi naman nating nakikita ang Pangulo sa media, siya mismo ang naga-update sa taong bayan. So hindi ko lang alam baka hindi niya lang napapakinggan 'yung mga naipo-pronounce ng Pangulo. KARA: Okay. Bukod po sa pagiging Executive Secretariat 'yung mga sumasalag nga sa batikos ng Pangulo, kayo rin po ay itinalaga na PAOCC Chief. E.S. OCHOA: Totoo 'yan. KARA: Anti-crime czar . Nagulat po ba kayo na kayo ang itinalaga dito? E.S. OCHOA: Hindi naman kasi. KARA: Hiningi nâyo po ba itong puwesto na 'to? E.S. OCHOA: Hindi po. Mayroon po kasi kaming Executive Order no.43 na doon sinasabi ang key result areas na dinivide into five â on human development, economic development, good governance and anti corruption, security justice and peace and then climate change. So, ibig sabihin 'yung Gabinete pinaghiwa-hiwalay niya sa lima at doon may mga cluster heads. Yung mga Cabinet members na naa-apoint dun at isa ako sa na-appoint dun sa security cluster at ako na rin ang chairman no'n. So ibig sabihin ang dulo no'n ay kino-consolidate natin sa mga grupo na 'yon ang mga efforts tungkol sa security, sovereignty, justice. So natural lamang na itong anti-organized crime commission ay malagay din do'n sa security group na 'yon at itinalaga yung head din ng security group na ako nga 'yon na maging chairman din no'n. KARA: Of course some people will say na ano hong background ninyo with anti-crime fighting? E.S. OCHOA: Well, I'm a lawyer. I began as a trial lawyer, mahaba-haba naman experience ko dun just like any other lawyer. Ang inumpisahan kong practice ay criminal law doon sa Bulacan pa 'ko no'n. Marami sa mga trabaho ko no'n e appointed ako ng husgado, which is pro-bono word. At karamihan doon ang mga kliyente ko ay mga nakabilanggo sa detention center sa provincial jail, at yun ay puro crimes ang involve dun, criminal cases lahat 'yun. Bukod dun sa Quezon City naman isa ako sa mga nag-handle ng kapulisan ng Quezon City nang ako ay City Administrator. Ibig kong sabihin pamilyar naman ako but then ang trabaho ng PAOCC naman would be on the level on the higher level on anti-criminality e so most of it will be... the job will be policy setting and providing guidelines and of course a direct support from the Palace kung ano man ang kinakailangang magawa para maging effective ito. MARK: Maglalaan daw ng 300 million pesos na intelligence fund para ho sa inyong itinayong unit na 'yan. Hindi po ba mpuapunta lamang yan sa corruption? 'Yan ang unang hinala, hindi po ba? Intelligence fund kasi e 'di natin talaga natin makita kung paano 'yan ginagastos kaya source daw ng corruption. Paano ho 'yon? E.S. OCHOA: By its nature talaga, 'yung intelligence fund talaga ay halos sikreto ang paggastos niyan dahil to protect 'yung efforts against criminality. Kasi hindi mo naman talaga puwedeng i-announce kung ano yung ginagawa mo do'n. In fact mahirap nga palagay kong magsabi ang program ng television, radyo maski sa media kung anong gagawin nito dahil mape-preempt tayo ng mga target natin, mga kriminal o 'yung mga pinagsusupetsahan nating kriminal. So palagay ko sa klase ng liderato ng ating Pangulo na talaga namang tuwid na daan, siya nga ang nangunguna sa anti-corruption. Ang taong bayan ay nakasisguro na hindi ito mapupunta sa corruption. MARK: Pero kahit po internally lang since ang inyong pamahalaan ay nagpapakilala na transparent na pamahalaan, e itong intel fund e tago ho talaga, internally paano ho ninyo sinisiguro na wala hong kalokohang nagaganap sa mga intel fund na 'yan? E.S. OCHOA: May mga programa 'yan na hindi naman koâmo intelligence fund e bahala na system. KARA: May check and balance. E.S. OCHOA: There is also a system. In fact nagrereport din sa COA 'yan nili-liquidate din sa COA 'yan Dun sa report na yun nilalagay dun kung ano yung na-a accomplish as a result nung paggastos ng intelligence fund. KARA: Maiba tayo Sir, matagal na po itong pinag-uusapan e pag-upo palang ni Pangulong Aquino, may paksyon-paksyon daw ho sa Gabinete. Hanggang ngayon ba may paksyon-paksyon pa? E.S. OCHOA: Wala. Alam mo that's really misconception to begin with. KARA: Yung ano ho may pangalan pa Balay at Samar group. E.S. OCHOA: Kapitbahay nâyo lang 'yun dito. KARA: Oo nga e. Saan daw po ba kayong paksyon? E.S. OCHOA: Hindi paksyon. MARK: Shooting range. E.S. OCHOA: Nung kampanya si Senator Mar Roxas mayroon siyang kanyang headquarters sa Balay. Nung tumakbo na si PNoy for President nagtatag sila ng... ang Liberal Party ng kanilang sariling headquarters tawag nila Park House dun sa Edsa malapit sa Ortigas. Ako naman nung matalaga na magha-handle ng legal representation ng Pangulo sa eleksyon, nagtayo naman ako ng sarili kong headquarters dito sa Samar St., Quezon City. KARA: Bakit 'di na lang isa? E.S. OCHOA: Masikip kasi doon e. Tsaka hindi naman kami kasama sa main line ng campaign at legal representation 'to. So âyon yung pinanggalingan lang siguro ng sinasabing paksyon. KARA: So nung nanalo na, itong mga ibaât ibang headquarters nagsama-sama na? E.S. OCHOA: Oo, nagsama-sama na kami sa Malacanang. KARA: Sa Malacanang. MARK: Okay na ho ba, wala nang paksiyon-paksiyon na sinasabi? E.S. OCHOA: Wala, walang gano'ng paksyon na nangyari to begin with. Even during the campaign you must understand na ang Pangulo ay sinuportahan ng iba't-ibang klaseng mga tao na nanggaling sa iba't-ibang sector. At natural lamang itong mga sektor na 'to o mga tao, individual ay may kanya-kanyang ideas din probably that's were some conflicts came from. Pero 'yong lahat nang iyon naresolba after the elections. In fact naresolba 'yon even before the elections and that made the President win the elections. KARA: So you are in good terms with Mar Roxas' group? E.S. OCHOA: Yes. Oo. MARK: Dati nagkabalita pa nga na si Mar Roxas ang papalit sa inyo pagkatapos ng one year ban. KARA: May sabi na magiging Chief of Staff pa siya. MARK: Kinonsider ba siya talaga? E.S. OCHOA: Napag-usapan 'yon pero mas minabuti ng Pangulo na dahil nga sa pagkaka-resign ni Secretary Ping de Jesus na kailangan kaagad na maatensiyunan, hindi naman puwedeng pabayaan ang DOTC so nagkataon 'yung immediate need doon nalagay si Senator Mar, now Secretary Mar Roxas. KARA: So okay kayo ni Secretary Mar ah. E.S. OCHOA: Oo naman. MARK: Pasintabi lang. Ito ay obserbasyon din ito ng ibang kapwa reporter âpag nanonood sa tv. Si Sec. Ochoa parang tumanda nung maupo sa puwesto. Are you enjoying your position Sir? KARA: Uy, pero âMan Who Matterâ 'yan ng People Asia MARK: Oo nga. Magandang lalaki pa rin pero tumanda raw e. Na-stressed ba? E.S. OCHOA: Well, isang taon na 'yon 'di natural tatanda ka ng isang taon. Hindi natin kayang pigilan 'yon. MARK: Pero are you enjoying your job? E.S. OCHOA: Palagay ko requirement 'yon para tumagal ka hindi ba? Maging interesado ka, enjoyin mo. MARK: Anim na taon sir, tatagalan nâyo anim na taon? E.S. OCHOA: Well, hindi natin masasabi ang future. Of course the way things are now e mukhang okay pa naman kami. KARA: All right. Good luck po Sir. Thank you very much. E.S. OCHOA: Thank you. KARA: Marami pong salamat Executive Secretary Paquito Ochoa. -- GMA News
Tags: PNoy, paquitoochoa
More Videos
Most Popular