ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Transcript of interview with Genelyn Magsaysay on State of the Nation with Jessica Soho


'Hindi kayang gawin ng aming pamilya pumatay ng sariling kapatid' - Genelyn Magsaysay GMA News’ Jessica Soho interviewed on Friday, Ms. Genelyn Magsaysay, mother of nine whose acknowledged father is former Senator Ramon Revilla, Sr. Her eldest son, Ramgen Revilla was shot and stabbed to death at their home in Parañaque City on October 28. Suspects police arrested and witnesses questioned have identified one of her sons, Ramon Joseph, as the mastermind of the killing of Ramgen. RJ is detained at the Parañaque city jail on murder and frustrated murder charges. One of Genelyn’s daughters, Ramona, was placed at the crime scene by Janelle Manahan, Ramgen’s girlfriend who survived the attack on Ramgen but was critically wounded. Ramona first claimed her brother’s attackers kidnapped her, but before leaving the country on November 4, she changed her story and said she was not kidnapped at all, but simply left the house and made up her story because she felt ashamed that she was unable to help her brother and his girlfriend. Public interest in the life of the Genelyn Magsaysay branch of the Ramon Revilla Sr. family has been insatiable and at fever pitch levels since the day after Ramgen died. At the center of the drama, along with the murder suspects, Ramon Joseph and Maria Ramona, is Genelyn Magsaysay of the Magsaysay political clan. Transkrip ng live na panayam kay Genelyn Magsaysay, ina ni Ramgen Revilla, sa SONA with Jessica Soho, ika-11 ng Nobyembre 2011. JS - Jessica Soho G - Geneyln Magsaysay JS: Ngayong gabi, para linawin ang ibat-ibang isyu sa pagpatay kay Ramgen makakausap po natin live ang kanyang ina na si Genelyn Magsaysay. Magandang gabi Genelyn at maraming salamat sa pagpapaunlak sa aming interview. G: Magandang gabi din po. JS: Okay. Unimaginable, napakahirap isipin kung ano ang pinagdadaanan mo. Namatayan ka ng anak. Sinangkot pa ang dalawa mong anak. Paano mo nakakayanan ito? G: Ang unang-una po tinutulungan po ako siguro ng Panginoon na kayanin ko ang pinagdadaanan ko sa ngayon dahil isa po akong pinaglalaban ang aking mga anak.
JS: Okay, ano ba ito, parang bangungot ba sa’yo na sana magising ka na lang? Tapos, i-compare mo ito sa lahat ng napagdaanan mo sa iyong buhay. G: Ito po yung pinaka-worst na pinagdaanan ko sa buhay ko dahil po wala akong ibang pwedeng mahalin kung hindi ang mga sarling kong anak. JS: Okay Genelyn, nasaan si Ramona? Nasa Turkey nga ba? Kasi sabi ni Senador Bong Revilla dapat daw i-turn over mo na siya para masabi niya ang version niya tungkol sa nangyari. Bakit daw hindi daw siya kumbinsihin umuwi para magsalita. G: Wala po akong magagawa sa naging desisyon ng aking anak na si Ramona dahil siya po ay may asawa na at nakatira po talaga sa Turkey. JS: Ok. G: Gusto ko lang po sabihin kay Senator Bong na sana bilang kapatid ay maging kapatid din po siya, hindi lamang po ni Ramgen kundi ni Ramona at Ramon Joseph. Hindi pa napapatunayan kahit saang korte na nagkasala ang anak ko na sina Ramona at Ramon Joseph. JS: Pero on the other hand Genelyn, pwede rin kasi kapag umuwi si Ramona dito at nagsalita pwedeng ma-solve ang pagkamatay ng isa mong anak at pwede ding ma-clear ang isa mo pang anak na si RJ kung wala talaga siyang kasalanan di ba? Don’t you look at it that way kasi sinasabi din nila na flight is admission of guilt. ‘Pag tumakbo ka ay guilty ka ayon sa ating batas, ano reaksyon mo dyan? G: Can I quote po a Bible verse? When you have been persecuted you have to fly away not because of admission of guilt, but you have to wait for a process na kailangan mapatunayan mo rin wala ka talagang kasalanan. In this country, napakahirap kunin ang hustisya. Napakaraming tao ngayon ang nakakulong na walang kasalanan at nakakaawa sila. Ito po ay isang lesson para sa ating lahat at sa mga manonood at nakikinig na maging maingat po dahil hindi po natin alam na yung nangyari sa akin at sa aking mga anak mangyayari din po sa kanila. JS: Pero nagkaroon ka man lang ba ng pagkakataon na tanungin ng deretsahan ang iyong mga anak na sina RJ at Ramona kung ano ang alam nila sa nangyari that night? G: May tiwala po ako kay Ramona at kay Ramon Joseph. JS: Okay… G: Matatalino pong mga bata ang aking anak. May buhay na Panginoon at nakita ko po sa aking anak na si Ramona na na-shock talaga siya sa pangyayari... Hindi ko nakita ang pagkamatay ni Ramgen. Nakita ko lang po sa cellphone... hitsura ng anak ko nakabukas pa ang mata at marami pang saksak at baril ang ibinaril sa kanya. Hindi ko po ma-imagine na nagawa ng isang tao, ang killer na ito ang isang karumal-dumal na krimen na ginawa nilang parang baboy ang aking anak. JS: So, you trust Ramona and RJ enough na hindi mo sila matanong kung totoo ang sinasabi ng pulis? G: Tatanungin ko si Joseph, tatanungin ko si Ramona… wala silang kasalanan dahil sa ang araw na iyon lahat kami ay pupunta sa Baguio, pupuntahan po namin ang PMA kung saan full cadet si Ramon Joshua Bautista. JS: Yung isa mong anak? G: Opo JS: Yung sa PMA? G: Opo JS: So, ayaw mong tanungin ever? G: Hindi na ho, napag-usapan naman ho namin ni Joseph eh. Yung yakap po ng anak ko sa akin ang yakap mo ng isang ina ng hindi ho magkakamali. JS: Genelyn, I hope you don’t mind ha pero sa Facebook account mo daw ay ginawa mong public at doon nakikita yung mga nakaraan mong shout outs at status updates at nakita na mukhang meron kayong pinagdadaanan na financial crisis sa pamilya. Okay lang ba na pag-usapan natin ito? G: Okay lang po. JS: Okay. Naghirap ba kayo kasi sinabi ng kampo ni Senator Bong Revilla na hindi naman natigil ang inyong sustento. Meron allegation na malaki ang pagkaka-utang mo sa credit card at yun nga ang posibleng motibo sa pagpatay sa iyong anak noh? Na may financial problems ang iyong pamilya, yung allowance. Nagsumbong daw siya kay Senador Revilla (Senior). Sa inyo nagalit yung iba etcetera. Ano masasabi mo dyan? G: Ah, pabawas nang pabawas ang sustento na binibigay po sa amin simula nang ma-i-stroke si Senador Ramon. Kung sasabihin ko ho yung figures ah from three hundred fifty naging two-sixty at naging one-fifty. Nagtataka lang po ako bago nga namatay si Ramgen bigla nang binaba sa one-fifty yung aming sustento, yung aming allowance. Ngayon po, doon sa credit card? Kasi ho wala po akong option, may anak po akong siyam, kailangan ko naman pong bihisan, kailangan kong pakainin, kailangan kong dalhin sa isang maayos na lugar kapag may birthday sila. Hindi na nga po kami nagsasama-sama katulad ni Gaby. Nagpunta kami sa isang Days Hotel at doon nag-birthday si Gaby, Kumuha kami ni Ramgen ng isang kwarto para makapag-swimming kami nina Janelle at kasama namin ang isang kapatid pa sa ama ni Ramgen at masaya kami kahit simpleng sitwasyon lang basta mairaos namin ang birthday ng bata. Ang mga anak ko kailangan ng shelter, clothing, lahat po iyan ay dapat kasama sa allowance na ibinibigay sa amin pero sa totoo lang po ay hindi ito kasama. JS: Pasensya ka na muli, medyo personal ang susunod kong tanong ’no. Ano ba’ng estado niyo ni Senator Revilla Sr. Kayo po ba ay nagkasama pa o hiwalay na? G: Simula po nang mai-stroke si senator at mga ilang taon nang naiwan kami ni senator, binigyan po ako ng pagkakataon ng Panginoon na magkaroon ng access sa mansion. Kahit na ma-stroke po siya, tumira po ako sa mansion at ako po ang nag-alaga sa kanya. JS: Okay G: Panahon po nung magkasakit po siya tulad ng na-operahan siya, na-stroke siya ay yung na bypass operation. Ako po ang nagbabantay sa kanya sa Makati Medical. JS: So, kayo po ba ay magkasama pa sa mga oras na ito? Nakausap niyo na ba siya? Tungkol dito sa matinding trahedya na pinagdadaanan niyo? G: Sa ngayon ho ay hindi ko pa po siya nakakausap. Ang huling usap lang po namin ay punta na daw ako sa bahay ko at sagot ko po sa kanya, hindi ko kayang bumalik sa bahay, hindi mo pa alam ang lahat ng nangyayari. Gusto ko ho siyang makausap pero wala po akong access ngayon sa mansion para makausap siya. JS: Okay, may sinabi ho kayo sa previous interviews niyo sa GMA News na ang relasyon niyo kay Senator Revilla Senior ay consecrated? G: Ang consecration po ay blessing ng Panginoon para sa mga mag-asawa at inaalay ang kanyang mga anak para sa pagsisilbi sa ecclesia, sa aming church. JS: Okay, hindi ho nangangahulugan na meron kayong legal na relationship o kasal?... G: Hindi ko po alam kung papaano nila po binibigyang kahulugan. Ipinipilit nila na isa itong kasal dahil kung sasabihin na ako ay kasal kay senator, pinag-uusapan na ako ang entitled sa mga mamanahin. Kaya ko po ginawa ang consecration na ’yun at pumayag si Senator Senior na mag-consecrate sa Panginoon, ang sabi ko sa kanya tayo ay ikakasal sa harap ng Panginoon para sa blessing niya, hindi para sa mamanahin namin sa iyo. JS: Papaano po kaya yun? Mukhang matindi ang alitan niyo. On one side kayo, on the other hand si Senator Bong Revilla Jr. Nagdaan na kayo sa trahedya, nawalan na kayo ng anak, bunsod pa ito ng matinding alitan sa inyong pagitan. G: Hindi ko po nakita kasi pagmamahal ng kapatid sa kanyang mga kapatid sa ama. Ako po ay half-sister lang ng kapatid ko, dalawa po kaming magkapatid na illegitimate pero po kami ay nagmamahalan. Kung kailangan ng isa ng tulong nagtutulungan po kami. Inaalam po muna namin kung ano ang sitwasyon bago po kami magsalita ng kahit anong bagay hindi po kami nagpapadala sa emosyon o ambisyon o kung ano ping bagay. JS: Ano pong balak niyo ngayon? Paano po kayo makaka-pamuhay araw-araw na meron kayong mabibigat na dinadala. How do you even expect to move on in this tragedy and crisis? G: Being a Christian po, kay Ramgen, alam ko po na siya ay nasa Panginoon… na yun po ay tanggap ko na pero nung panahon na sinabi sa akin ni Senator Bong Revilla na ang aking anak na si Joseph na imbitahan ng mga pulis for questioning sinabi ko sa kanya, “Bakit mo pinayagan? Senador ka." JS: Meron ka pa bang nais sabihin sa iyong anak na si Ramona, kay RJ, kahit kanino, you have the floor. G: Yes, ah sa mga anak ko gusto ko maging matibay tayo ngayon, magkaroon tayo ng mas higit na oneness, meron tayong pagkakaisa. Meron tayong laban, ito ay hindi lang para sa atin kung hindi para kay Janelle at para kay Ramgen. Mahal natin si Janelle, mahal natin si Ramgen. Kailangan makita talaga kung sino ang totoong killer at sino man ang mastermind. JS: Genelyn, pahabol na tanong. Kahapon kasi isa sa mga suspect o witnesses na sinabi na alam daw ng pamilya itong plot na patayin si Ramgen. G: Wala pong kaalam-alam ang kahit sino man sa amin sa pagkamatay ni Ramgen. Hindi po kayang gawin ng aming pamilya na pumatay ng kanyang sariling kapatid at ako bilang ina, hindi ko kayang gawin kay Ramgen yun. Ako ang nag-alaga sa anak ko. JS: Maraming salamat Genelyn Magsaysay. Magandang gabi. G: Magandang gabi din po. — ELR/HS, GMA News