ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2006 Holy Week travel: Alternate Routes to Popular Destinations


Alternate Route Papuntang Tagaytay CitySources: DOT Region 4A, Gov.ph , Wow Philippines, DPWH, Map Central


ROADRUTAADVANTAGE
GEN. AGUINALDO HIGHWAYMula Roxas Blvd, dumiretso sa Coastal Road palabas hanggang Bacoor Cavite. Tahakin ang Gen Aguinaldo Highway, diretso na ito hanggang Tagaytay City.
  • Pangunahing ruta ito ng mga provincial buses mula Maynila papuntang Cavite and/or Nasugbu o Lian, Batangas.

  • Isang sakay lang sa pampublikong bus diretsong Tagaytay City mula Pasay at Maynila.
SLEX through Carmona Exit
Lalabas ng Governor's Drive sa Cavite, mula rito maaari nang kumaliwa sa Gen. Aguinaldo Highway.
  • Madalas na private vehicles ang tumatahak sa rutang ito, pero may ruta din ng FX o dyip na gumagamit ng Carmona Exit papuntang Biñan, Laguna mula Cavite
SLEX through Santa Rosa Exit
Kadikit ng Sta. Rosa Exit ang Silang, Cavite. Mula rito, tahakin ang Ulat Road, diretso na ito sa Tagaytay city.
  • Madalas na private vehicles ang tumatahak sa rutang ito, pero may ruta din ng FX o dyip na gumagamit ng Sta. Rosa Exit papuntang Sta. Rosa, Laguna mula Cavite.
Alternate Route Papuntang Batangas (source: DOT REGION 4A)Sources: DOT Region 4A, Gov.ph , Wow Philippines, DPWH, Map Central


ROADRUTAADVANTAGE
STAR Tollway (to Lipa City) Expressway ito papuntang Batangas. Nasa Sto. Tomas, ang entrance nito. Idinudugtong ito nang Maharlika Highway sa SLEX na nagtatapos sa Calamba. Lipa City na ang dulo ng STAR.
  • Major road ito papuntang silangang Batangas, ex. Lipa City.

  • Ito rin ang pangunahing daan ng mga provincial bus papuntang Batangas port.
  • Malawak ang daan na ito, at noong Abril 2000 nabuksan.
STAR Tollway (Tanauan, Batangas)
Maaring gamitin ang Sambat Exit papuntang Tanauan, Batangas.
SLEX through Sta. Rosa Exit (to Talisay & Tanauan, Batangas) Mula SLEX, lumabas sa Sta. Rosa Exit diretso sa Silang gamit ang Ulat Road, lalabas ng Tagaytay City. Tahakin ang Tagaytay-Calamba Road at kumanan sa Tagaytay-Banga Road sa Talisay, Batangas. Mula rito, less than 20 kilometers na lang papuntang Tanauan, Batangas.
  • Ang rutang ito ay dadaan sa Tagaytay City. Mas madalas na pribadong sasakyan ang gumagamit ng ganitong ruta.

  • Maaring gamitin ang rutang ito papunta sa Taal Lake
Cavite-Batangas Road (to Nasugbu, Lian Batangas)
Mula sa Tagaytay City, tahakin ang Gen. Aguinaldo Highway hanggang sa Alfonso, Cavite. Dumiretso sa Cavite-Batangas Road palabas nang provincial border, puntang Nasugbu, Batangas.
  • Ginagamit ang rutang ito ng mga provincial bus papuntang Nasugbu, Lian o Calaca.

  • Ito ang diretsong ruta kung papunta sa mga beach ng Nasugbu, Lian o Calaca.