Transcript: Round 2 of PiliPinas Debates 2016
The five people aspiring to become the president of the Philippines shared the stage for the very first time last Sunday in the Mindanao leg of the PiliPinas Debates 2016. Below is the transcript of the second round, where the candidates were grilled about poverty and development issues.
Vice President Jejomar Binay and Senator Grace Poe
Mike Enriquez: Maraming magsasaka ang baon po sa utang pagkatapos ng anihan dahil sa kababayad sa hiniram nila na pambili ng abono, pang-bungkal sa lupa, pag-upa sa sasakyan para maibaba ang kalakal nila. Patuloy naman ang pag-angkat natin ng mas murang bigas at mas murang gulay na lalong nagpapahirap sa mga magsasaka. May plano ba kayo para matulungan ang ating mga magsasaka na hindi nadedehado naman ang mga mamimili?
Binay: Imo-modernize po natin ang agrikultura. Ang agrikultura ay napakaliit ng kontribusyon sa GDP natin. 'Yun hong ating mga magsasaka... Kunin na ho natin 'yung CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program). Maganda ho ang intensyon doon. Pero among others, that is to make the lands productive. Kasama na ho diyan 'yung mga magsasaka na sinasabi n'yo na naghihirap dahil sa 'yung parte ng CARP na 'yon tutulungan, isa-subsidize, a-assist-ehan ng ating pamahalaan — fertilizer, iba pang mga post-harvest requirements.
Pangalawa, 'yung irrigation fee po, dapat tanggalin na ho natin 'yon.
Pangatlo, 'yun hong post-harvest problem... Alam n'yo ba, mga kababayan, na mas malaki ang nawawala sa post-harvest kaysa doon sa kinikita?
Pangatlo, dapat ho tayo mang-akit pa tayo ng mga magkakapital para ho meron tayong makakatulong doon sa mga infrastructure requirements.
'Yan po ay ginawa namin sa Makati. Ang ginawa namin sa Makati, maiahon ho ang kahirapan, suportado ho ng pamahalaan.
Enriquez: Salamat po, Mr. Vice President. Sen. Grace Poe, ano po ang reaksyon n'yo sa sinabi ng bise presidente?
Poe: Importante po sa ating mga magsasaka... Tingnan po natin kung magkano ang kinikita nila: 17,000 pesos kung magtatanim ng palay for every one hectare. So kung tatlo ang ibinigay sa kanila sa agrarian reform, kikitain nila, siguro mga 152 pesos a day. Talagang napakaliit.
Dapat libre na ang irigasyon, dapat may crop insurance, pero hindi lamang 'yon. Dapat magkaroon ng agro-industrial zones kung saan magkasama ang DTI at ang DA para naman ma-market ang products ng mga magsasaka.
Mag-soil testing tayo. Anong mga added value na puwede dito sa mga lupa nila? Anong mas kikita sila — palay ba o kape o kung ano pa man?
Tandaan natin, sa niyog, ang average age ng ating mga puno ay mga 60 years old na, kaya kaunti na lang ang binubunga nito. Kailangan ng replanting. Gamitin na natin ang pondo ng coconut levy para dito sa mga magsasaka ng niyog.
Importante rin isipin natin: Puwedeng coco coir, puwedeng virgin coconut oil, puwedeng coconut water, puwedeng kung anu-anong mga programa na puwedeng gamitin dito. Added value para sa magsasaka.
Enriquez: Vice President, meron po kayong 30 seconds para tumugon kay Senadora.
Binay: Wala na ho, pareho naman ho kami ni Senadora doon ho sa assistance and subsidy coming from government.
Ang idadagdag ko lang po, kung ako ay makakapagdagdag, 'yung mga high-wielding crops, dapat ho mag-shift rin tayo doon. Because our crops are basically rice, corn, and coconut. Marami ho tayong lupa na angkop sa high-wielding crops.
Senator Grace Poe and Senator Miriam Defensor Santiago
Jessica Soho: Ano po gagawin ng inyong administrasyon para matiyak na may pagkain ang 2.6 million pamilyang Pilipino na nagsabi sa SWS na sila ay nagugutom araw-araw?
Poe: Ang una talaga para sa akin ay dapat magkaroon ng libreng pananghalian sa ating mga public schools dahil 'yan ay deretso sa tiyan ng mga bata. Hindi po matututo ang mga bata at hindi po tatalino kung sila po ay nagugutom. 'Yan po ang pinakauna.
Pangalawa po, ang ating pinakamahihirap na kababayan ay nasa sektor ng agrikultura. At alam naman po natin na mismong nagtatanim ng palay at bigas, sila po talaga, bumibili pa ng bigas sa palengke.
Kailangan talaga ay bigyan ng tamang subsidiya at least sa paumpisa man lang, sa irigasyon at iba pa, para naman mas maging competitive sila.
Kailangan na po ng replanting ng mga niyog. Sapagka't tayo po ang fifth largest producer ng niyog sa buong mundo, pero hindi natin sila binibigyan ng sapat na suporta.
Nasa lagpas sa P70 billion na po ang nandiyan na nakatengga na coco funds na dapat mabigyan ng scholarships itong mga nagtatanim ng niyog, para bumaba ang presyo.
At importante rin na ang ating gobyerno ay bantayan naman, sapagkat' kung biibigyan ng added value ang crops ng magsasaka at mag-aangkat tayo ng mga ibang bagay, huwag nating kalilimutan at huwag nating pababayan ang sektor ng agrikultura kung tayo ay mag-aangkat ng mga ibang mga pagkain.
So importante po 'yan dahil habang may nagugutom sa bansa, hindi natin puwedeng sabihin na nagiging matagumpay ang ating ekonomiya.
Soho: Ano po ang inyong tugon dito, Senator Miriam Defensor Santiago?
Santiago: Well, promises are very easy to make but which president of our country, just like us presidentiables for 2016, has ever abolished or at least reduced the incidence of poverty in our country? None. I say this with all conviction as former Agrarian Reform secretary. Kayo, pangako lang nang pangako, saan kukunin ang lahat ng pera na ito, na igagastos para sa mga sinasabing plano nila? That is the question.
Soho: Senator Poe, ang inyo pong counter-rebuttal.
Poe: Kaya siguro napapanahon na na magkaroon ng isang may bagong perspektibo. Marami diyan ang namuno na noon bilang pangulo, matagal na sila sa gobyerno, marahil hindi na sila nag-iisip ng ibang paraan para makatulong sa ating bayan at sa ating ekonomiya.
Noong panahon ni Pangulong Marcos, nagkaroon ng nutri-bun. Hindi 'yan kumpleto para sa pagpapakain sa mga bata, pero kahit papaano, nagkaroon ng feeding program para sa ating pamahalaan. Noong panahon ni Pangulong Erap, 'yon lamang ang oras kung saan kahit papaano tumaas ang yield ng agrikultura. Meron po tayong pag-asa. Pero kailangan po tapat, hindi nangungurakot, at mabilis kumilos.
Senator Miriam Defensor Santiago and former Interior Secretary Mar Roxas
Enriquez: Lumago po ang ekonomiya ng Pilipinas nitong mga nagdaang taon, walang kaduda-duda, ang sabi ng nakakarami. At sa pagtatapos ng 2015, umangat ang ating ekonomiya ng 6.3 percent. Sa kabila nito malaking porsyento ng ating mga kababayan ang naghihirap. Kung kayo po ang magiging susunod na presidente ng Pilipinas, papaano ninyo ibababa ang mga nagdarahop sa pag-unlad ng ekonomiya at paano ninyo sisiguraduhin na yung yaman ay hindi mananatili sa ilan lamang kundi bababa sa mas nakakaraming Pilipino?
Santiago: Una, pagandahin natin, ibig sabihin, bigyan natin ng mas maraming pera sa budget itong mga factors na ito: Number one, health, ang kalusugan ng ating mga mahihirap. Karamihan sakanila may mga sakit e, hindi na rin makatrabaho.
Pangalawa, education. Importante sa tao na edukado siya, kaya siguro mali ang pagpili noon dahil maraming hindi edukado nagboboto.
Pangatlo, rural infrastructure or social welfare improvements. Lahat ng ito nangangailangan na ang ating taxes should either be lowered or raised. Wala tayong eskapo diyan. So, we either have to consent to raise taxes or we should lower taxes.
Hindi naman papayag ang gobyerno na kulang sa pera ang ating budget kaya the remedy will be to decrease subtaxes. For example, the estate tax should be erased. Panggulo lang yan e. Naging judge ako marami akong estate taxes cases na sampung taon na hindi pa ma-resolba.
Pangalawa, real estate tax should be abolished. There is a real property tax on a national-level kaya dalawang beses nagbabayad.
Mahirap labanan ito kaya ang kailangan dyan is the will to win.
Enriquez: Si Secretary Roxas, may reaksyon kayo.
Roxas: Ang masasabi ko lang na tama lumago ang ating ekonomiya. In fact, fastest growing itong nakaraang anim na taon o limang taon kumpara sa nakaraan. Itong paglago ay nakahatid na rin ng kaginhawaan sa ating mga kababayan. Mahigit dalawang milyon na mga tao ang naihatid na mula sa poverty line to above the poverty line. Magreklamo man o mag-kuwestyon tungkol dyan pero yan ang datos ng ating NEDA at ng mga expert. Two million families ngayon ay hindi na kabahagi ng mga mahihirap.
Dagdag pa doon ay ating mga safety nets. May safety net tayo sa PhilHealth noong nakaraang taon. Kung nagkasakit ka kasama ng anim at kalahating milyong mga pasyente ay natulungan ka ng PhilHealth sa halagang P65 bilyon.
Kung dati-rati bawal magkasakit, ngayon, may kasangga ka, ang iyong gobyerno, para hindi na mauubos ang laman ng bulsa mo sa kakabayad mo ng pagpapagamot. Iyan ang inihatid ng Daang Matuwid at yan ang itutuloy ko sakaling mabigyan ako ng pagkakataon
Enriquez: Senator Miriam Santiago, you have 30 seconds to react.
Santiago: As I said, these are all promises way up in the sky. Promises in the sky is the program of government of many officials running for public office. Saan natin kukunin ang pera? Yun ang tinatanong ko, saan?! Sino ang magbibigay, magdo-donate? Mga mayayaman ba? Dadagdagan natin dahil mayayaman sila? Malaking problema 'yang where to source the funds. I can make an entire list from here to there of all my promises to you, but they will each cost taxes.
Former Interior Secretary Mar Roxas and Davao City Mayor Rodrigo Duterte
Enriquez: Paunti na nang paunti ang nahuhuli ng mga mangingisda natin. Maswerte na po kung kumita ang mga mangingisda ng P200 kada araw. Ano ang magiging programa ng inyong administrasyon para maiangat ang kabuhayan ng mga mangingisda at mapangalagaan ang ating karagatan? Meron po kayong 90 seconds para sagutin ito.
Roxas: Para sa ating mangingisda, ang pinakamahalaga ay ang murang pautang. Nauubos ang kanilang kapital, ang kanilang kinikita sa kakabayad ng interes at amortisasyon sa kanilang inuutang. Hindi pa nga sila napapalaot, iniutang na nila ang kanilang huhulihin. Kaya murang pautang ang isa sa mga pinakasusi para sa kanilang kaginhawaan.
Pangalawa, makabagong teknolohiya. Importante ito, doon lang sa Dagupan, sa bottom up budgeting, may napakagandang project na gagawin natin ito sakaling ako ay magiging pangulo sa buong Pilipinas. Nabigyan natin ng fish finder, ito iyong mga radar, para sa ating mga mangingisda. Nakikita nila kaagad kung saan yung mga isda. Hindi naaksaya ang kanilang panahon at pera sa kakabili ng gasolina. Direkta sila kung saan yung mga isda, nahuhuli ito, balik, sariwa pa, naibebenta nila sa magandang presyo.
Pangatlo, post-catch facilities. Ito iyong mga chiller. Ito iyong mga packaging na mahalaga para mas mataas ang kikitain nila kumpara sa kinikita nila ngayon. Sa ngayon, limitado ang kanilang kita dahil nabubulok ang kanilang isda. 'Pag nagkaroon ng mga post-catch facilities tulad doon ng mga chiller, tulad ng mga reefer vans, sadalhin ang kanilang mga huli sa mga pamilihan, gaganda ang kanilang mga kita.
At panghuli, ang pinakamahalaga, ang imprakstatura. Imprakstatura para mas mapadali nila na pamarating ang kanilang mga huli sa mga pamilihan.
Enriquez: Mayor Duterte, meron po kayong 60 seconds para mag-react.
Duterte: I cannot rebut what he has said because they are all true. Gusto ko nga kopyahin kung papayag siya eh. Idagdag ko na lang iyong akin.
Enriquez: Payag ba kayo?
Roxas: Oo naman! Bakit hindi.
Enriquez: Tuloy n’yo Mayor.
Duterte: Well I said this is true in every program of government. Ang problema lang ho dito marami tayong problema in the past. We have a lot of problems to help our fellowmen. Fisheries to farmers and all. Ang nagkakaproblema ho dito is om the implementation along the way. Because if you have incompetent and corrupt officials, it will be the same. Biyaya ng dagat, it was the greatest program of any government. But along the way, sumabog because there was corruption. Ma’am Miriam says it all. Wala akong ma-debate sa lahat sa kanila. Problema ang incompetence sa mga tao and corruption, eh hindi iyan nako-correct eh.
Enriquez: Secretary Roxas, in 30 seconds, incompetence and corruption.
Roxas: Nasa sentro ng program ng Daang Matuwid, nasa sentro ng diwa ng pagkatao ni Mar Roxas iyong anti-corruption. Sa mahigit na 20 taon na panunungkulan, ni minsan, hindi nabahiran ang ating pangalan ng kahit anong anomalya. Ako, galit sa mga corrupt. At hindi ko papayagan na magkaroon ng korapsyon sa aking panunungkulan. Ang importante dito, itong mga nasabi ko ay nasimulan nang magawa, nasimulan nang matamasa ng mga mangingisda at itutuloy ko iyan, papalawakin ko iyan para mas marami pa ang giginhawa sa ating mga programa.
Davao City Mayor Rodrigo Duterte and Vice President Jejomar Binay
Soho: Isa sa mga problema ng magsasaka at mamimili ang pagkakaroon ng mga rice cartel na nasa likod ng smuggling at price manipulation. Paano babanggain ng administrasyon ninyo ang mga rice cartel na ito?
Duterte: Sus, ma’am. Kung ‘yan lang, I’ll do it in three days. Hulihin ko lang ‘yang gagong… When I testified in the Senate, I identified somebody there. Bangayan. He’s one of those smuggling rice. ‘Yung cartel na ‘yan, madali ‘yan as president, naku.
Sabi ko nga, three to six months, tapos lahat ito. No really, I am willing to stake my honor, my position and my life. Three to six months malinis itong bayan na ito, pati ‘yang cartel-cartel na ‘yan. And even those itong mga five-six. Ang ginagawa nagpapahiram pa doon sa mga farmers, tapos binebentahan pa ng appliance. Eh ako sa Davao, sabi ko stop it. Stop it. Do not oppress the people. Kaya lahat ‘yan eh.
We would like to build food terminals. We would like Land Bank to come in and give money to the farmers then allow the Department of Trade to help them in the establishment of credit unions, cooperatives. Doon maghiram. Ang pinakamaganda is P1 billion per region. Doon sila magtayo ng kooperatiba na para kanila ang binabayaran nila.
Soho: Vice President Binay, ano po ang tugon ninyo sa sinabi ni Mayor Duterte?
Binay: Alam po ninyo, yung problema ng smuggling eh makikita ho ninyo yung lider. Doon ho nagsisimula ang problema. Kasi ang lider, hindi decisive, hindi effective. Alam ang problema eh, bakit hindi masolusyonan? Eh kasi hindi marunong mamuno. Ako ho, yung problema lang, sa amin hindi kami masyadong problemahan ng crime at kung anu-ano pa dahil sa ako ho ay… I am a decisive leader. I hit the ground running. Haharapin ko ho ang problema. Halimbawa, may problema nga dito sa Mindanao dahil diyan sa mga kuryente. Eh wala eh, indecisive, ineffective, walang aksyon. May problema, hindi sinosolusyonan kaya ho nagkakaroon ng walang nagagawa sa smuggling.
Soho: Turn po ni Mayor Duterte para magbigay po ng kanyang counter rebuttal
Duterte: I have nothing to rebut in that statement. If it's just the matter of rebutting, it’s useless because it’s all good. The problem, I said, is the money because we have the El Niño coming in. The fundamental duty of a President is see to it that food is available and food is affordable. 'Yan ho ang problema talaga.