ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dinukot na broadcast journalist sa Sulu posible ng makalaya - Razon
MANILA â Inihayag ng pinuno ng Philippine National Police nitong Martes ng gabi na posibleng makalaya na anumang oras si broadcast journalist Ces Drilon at dalawa pa nitong kasama na hawak ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu. âInaasahan natin na in few hours or a day sina Ces Drilon, Jimmy Encarnacion (cameraman) at si Professor Octavio Dinampo ay maibabalik na sa ating piling," pahayag ni PNP chief, Director General Avelino Razon Jr sa isang panayam sa local television. Sinabi ni Razon na tuloy pa rin ang negosasyon at inaasahan niyang matatapos na ang krisis sa pinakamadaling panahon. Sa hiwalay na ulat ng GMA News 24 Oras, inulat ni reporter Marisol Abdurahman sa Zamboanga City na nakahanda na ang medical team na titingin sa kalusugan nina Drilon. Kapag naisagawa na umano ang turnover, kaagad umanong susuriin ang kanilang kalusugan at posibleng isalang din sa debriefing sa Zamboanga City. âPositive attitude ito na mare-resolve ito naâ¦manunumbalik sina Ces Drilon safely sa ating piling," ayon kay Razon. Nang tanungin kung kaagad na iuuwi sa Maynila sina Drilon at Encarnacion, sinabi ni Razon na gagawin ito para sa kapanatagan ng kanilang mga pamilya. âSa dagliang panahon posible kung pwede para ma-reunite sa family. Para hindi na mahirapan ang pamilya na nag-a-anguish dito sa kanilang pagiging detained," ayon sa opisyal. Nasa Zamboanga si Razon upang personal na tutukan ang pagsisikap na mailigtas ang grupo ni Drilon. Una rito, nagbigay ng taning ang ASG na papatayin ang mga bihag kapag hindi naibigay ang hiningi nilang P15 bilyon nitong Martes ng hapon. Ngunit napapayag umano ang mga negosyador ang mga ASG na idadaan na lamang sa mga livelihood projects sa rehiyon ang halagang hinihingi ng mga kidnappers. - GMANews.TV
Tags: cesdrilon, sulukidnapping
More Videos
Most Popular