ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pagbili sa lokal na produkto makatutulong sa pagbaba ng inflation rate
MANILA - Iminungkahi ni Speaker Prospero Nograles nitong Miyerkules sa publiko na tangkilikin ang lokal na produkto at magtipid sa paggastos ng dolyar bilang bahagi ng estratehiya upang labanan ang tumataas na inflation rate. "Ito ay isang kampanya upang makatipid sa dolyar at mapalago ng mga lokal na industriya sa ating bansa," pahayag ni Nograles na naniniwalang mas malaki ang pag-asa ng Pilipinas kaysa sa mga kalapit na bansa para makaahon sa lumalalang krisis pang-ekonomiya sa Asya. Ang panawagan ni Nograles na tangkilikin ang lokal na produkto ay makatutulong para mapababa ang inflation rate na doble ang itinaas nitong Hunyo, na nagtulak sa pagtaas sa presyo ng mga pagkain ng 10 hanggang 11 porsiyento. Ang inflation rate ay pamantayan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Sinabi ni Nograles na hihilingin niya kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magpatawag ng pulong ng Ehekutibo at Lehislatura kasama ang sektor ng bangko upang bumalangkas ng mga paraan para mapababa ang inflation rate. "Kailangang gumawa tayo ng paraan para pababain ang lebel ng inflation rate dahil hindi ito makakayanin ng mga negosyante sa Pilipinas," ayon kay Nograles. - GMANews.TV
Tags: inflationrate, infation
More Videos
Most Popular