ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Saan nagmula si Prinsesa Urduja
MANILA - Dahil sa kakulangan ng katibayan na magpapatunay na totoo ang mga datos tungkol sa kanyang pagkatao at kaharian, itinuturing alamat o kathang isip lamang si Prinsesa Urduja. Pero sa lalawigan na pinapaniwalaan kung saan siya nagmula, buhay na buhay at pinapaniwalaan ang kanyang kwento. Alam nyo ba kung saang lalawigan ito? Ang manlalakbay na si Ibn Batuta ng India ang pinagmulan ng kwento ni Urduja na kanya umanong nakita noong 1347. Napadaan umano ang sinasakyan nitong barko sa Kahirian ng Tawalisi sa Lingayen Gulf â na kilala ngayon na Pangasinan. Si Urduja ay inilarawan na isang matapang na mandirigma at tagapagtanggol ng kanyang kaharian . Inihalintulad si Urduja bilang isang âkinalakian," na ngayon ay tinatawag na makabagong amasona. Ang gusali ng kapitolyo ng lalawigan sa Lingayen ay pinangalanang "Urduja Palace." Isang bantayog din ni Prinsesa Urduja ang makikita sa Hundred Islands National Park sa Pangasinan. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular