ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
CHED nagbabala sa mga nursing schools na hindi susunod sa bagong curriculum
MANILA â Binalaan ng Commission on Higher Education (CHED) nitong Huwebes ang mga nursing schools na aalisan ng lisensya sa pag-operate kapag hindi ipinatupad ang rebisyon sa nursing curriculum sa susunod na pasukan sa 2009. Ginawa ng CHED ang babala matapos makatanggap ng mga ulat na mayroon lamang 30-percent compliance sa lahat ng nursing schools sa bansa para ipatupad ang CHED Memorandum Order No.5. Sa nasabing memorandum order, magdadagdag ng 28 units sa kasalukuyang nursing load at maging ang oras ng kanilang pagsasanay sa mga pagamutan. âBy June next year everybody must comply and implement the new curriculum, otherwise the commission may be constrained to revoke their license," pahayag ni CHED Commissioner Nona Ricafort. Binigyan-diin ni Ricafort na sapat na ang one-year deadline na itinakda ng CHED sa mga nursing schools upang isagawa ang mga pagbabago na itinatakda sa MO No. 5. Sa ilalim ng bagong curriculum, ang Bachelor of Science in Nursing (BSN) ay mananatiling four-year course ngunit magkakaroon ng karagdagang tatlong summer upang makuha ang 28 units at oras sa tinatawag na related learning experience (RLE). Ang RLE ay internship o hands-on learning education sa mga lahat ng nursing student bago sila magtapos. Inamin ng CHED na ang mababang compliance rate ay dulot ng nakabinbing apela sa Malacañang ng maimpluwensyang Coordinating Council of Private Education Associations (COCOPEA), isang samahan ng mga private education institutions sa bansa na may 2,500 miyembrong paaralan. Tutol ang COCOPEA sa bagong memorandum order dahil mangangahulugan umano ito ng dagdag na gastos sa mga paaaralan at maging sa mga magulang ng estudyante. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular