ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pacquiao hinikayat magbigay sa mga biktima ng bagyo
MANILA â Hindi lamang pag-aalay ng laban ang nais ng isang militanteng grupo ang dapat gawin ni Pinoy boxing hero Emmanuel "Manny" Pacquiao sa kanyang darating na laban sa US sa Linggo (oras sa Maynila). Nais ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na magbigay din ng tulong si Pacquiao sa mga biktima ng bagyong âFrank" mula sa kikitain nila sa pakikipaglaban sa Mexican fighter na si David Diaz. Ayon kay KMU spokesman Prestoline Suyat, hindi bababa sa $ 5 milyon ang pwedeng kitain ni Pacquiao sa kanyang laban kay defending champion na si Diaz. "Pacquiao will get more pride and honor from the Filipino people if he would share to typhoon victims part of his income from the match," pahayag ni Suyat nitong Biyernes. Ilang ulit na inihayag ni Pacquiao ang pakikiraman sa mga kababayan nitong nabiktima ng bagyo at inihandog ang kanyang laban sa mga nasalanta ni âFrank." Hinamon din ni Suyat ang managers at mga sponsors ni Pacquiao na mag-donate sa mga biktima ng kalamidad dahil tiyak na kikita rin umano ang mga ito sa laban. "Filipinos tend to ease their burdens and artificially escape their desperate situations when inspired by his successes and thrilled by his punches in the international ring. It would be better if there would be concrete economic relief for them," idinagdag ni Suyat. Sakaling manalo, si Pacquiao ang magiging unang Asyano na magiging kampeon sa apat na dibisyon. Ang Pacquiao-Diaz fight ay mapapanood (delayed telecast) sa GMA channel 7 sa Maynila. Samantala, mapapakinggan naman ng live ang laban sa AM station dzBB radio at sa FM station na Barangay LS- 97.1 - GMANews.TV
Tags: mannypacquiao
More Videos
Most Popular