ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 kasapi ng BMI nag-inhibit sa imbestigasyon ng ‘Princess’
MANILA â Dalawang kasapi ng Board of Marine Inquiry na nagsisiyasat sa sakunang kinasangkutan ng MV Princess of the Stars ang nag-inhibit o hindi na makikibahagi sa imbestigasyon, ayon sa ulat ng dzBB radio nitong Martes. Sa ulat ni dzBB radio reporter Sam Nielsen, boluntaryong nag-inhibit sa pagdinig sina Capt. Benjamin Mata at Capt. Amado Romillo. Dahil dito, lima na lamang ang kasapi ng board na magsisiyasat sa insidente. Ayon kay Rear Admiral Ramon Liwag, pinuno ng board, ipagpapatuloy nila ang imbestigasyon sa kabila ng pagtutol ng abogado ng Sulpicio Lines Inc, may-ari ng naaksidenteng barko. Una rito, hiningi ni Atty. Arthur Lim, abogado ng Sulpicio, na mag-inhibit sa imbestigasyon ng BMI sina Mata at Romillo dahil sa maaaga umano nilang paghuhusga sa insidente batay sa kanilang testimonya sa imbestigasyon ng Kamara de Representantes nitong Lunes. Sa ulat ng GMA News Flash report, itinanggi nina Mata at Romillo ang akusasyon ni Lim tungkol sa naging pahayag nila sa imbestigasyon ng mga kongresista. Gayunman, pinili nilang huwag nang makisali sa imbestigasyon ng BMI. Dahil dito, kinansela ang pagdinig ng board at ipagpapatuloy na lang sa Miyerkules. Nitong Lunes, naghain ng 14-pahinang petisyon ang Sulpicio sa isang korte sa Maynila upang hilingin na magpataw ng temporary restraining order (TRO) sa ginagawang imbestigasyon ng BMI. Iginiit ng Sulpicio na ang Maritime Industry Authority (Marina) at hindi ang BMI ang dapat nagsisiyasat sa trahedyang sinapit ng âPrincess" kung saan tinatayang 700 pasahero pa ang nawawala. Nakatakda namang humarap sa pagdinig ng BMI sa Miyerkules ang mga opisyal ng Del Monte Philippines at Bayer upang magbigay linaw sa pestesidyong endosulfan na nakasakay sa tumaob na barko. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular