ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Estrada binatikos ang pagdakip kay Anwar sa Malaysia


MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Huwebes si dating Pangulong Joseph “Erap" Estrada sa ginawang pagdakip sa kanyang kaibigan na si dating Prime Minister Anwar Ibrahim na lider ngayon ng oposisyon sa Malaysia. "It is far from his character to commit such a crime as sodomy," pahayag ni Estrada. Sinabi ng dating pangulo na umaasa siyang makakamit ng mga mamamayan ng Malaysia ang tunay na demokrasya sa kanilang bansa. Dinakip ng mga pulis sa Malaysia si Anwar noong Miyerkules sa bintang na sodomy ng isa niyang dating tauhan na lalaki. Ito na ang ikalawang pagkakataon na naungkat ang nasabing akusasyon. Unang nakulong si Anwar noong 1998 sa bintang na sodomy habang kainitan ng mga protesta laban kay Prime Minister Mahathir Mohamad. Pinalaya rin siya pagkaraan ng anim na taon. Sa ulat ng Associated Press, sinabi umano ng abogado ni Anwar na pinalaya ang kanyang kliyente sa bisa ng piyansa matapos ipiit ng magdamag. Wala pa umanong pormal na demanda na isinasampa kay Anwar ngunit nanatili siyang akusado. Mariing itinanggi ng 61-anyos na si Anwar ang bintang na hinihinala niyang political conspiracy upang siraan siya upang pigilan ang oposisyon. Sa Pilipinas, nagpahayag ng pangamba si Estrada na baka saktan si Anwar na kamakailan lang ay bumisita sa bansa at nakipagkita sa dating pangulo. “I hope that the Malaysian government will exercise prudence and observe due process in Anwar's case," apela ng dating pangulo. "Anwar is considered an advocate of democracy in Asia and we hope that real justice for Anwar will show itself in this case." Inihayag ni Margaux Salcedo, tagapagsalita ni Estrada, nakikisimpatya ang dating pangulo kay Anwar," because he knows what it feels like to be unjustly accused for political purposes." "Like Anwar, former President Estrada was put in prison for charges that were unjustified and untrue in order to execute a power grab in 2001," ayon kay Salcedo. "The whole world is now following the developments in Malaysia . As is our hope for the Philippines, we pray that real democracy will find its way to the Malaysian masses, a democracy where the tools of justice are not used for purely political ends," idinagdag niya. Si Estrada ay nanalong pangulo noong 1998 ngunit naputol ang anim na taong termino nito nang mapatalsik sa pamamagitan ng people power revolution noong 2001 dahil sa bintang ng katiwalian. - GMANews.TV