ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mapayapang rally sa SONA tiniyak ng PNP, mga militante
MANILA â Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) at ibaât-ibang militanteng grupo nitong Huwebes na magiging mapayapa ang kilos protesta sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Hulyo 28. Sa ulat ng isang himpilan sa radyo, bumisita ang mga militanteng grupo sa PNP headquarters sa Camp Crame upang ilatag sa patakaran at detalye sa gagawing kilos protesta sa Lunes. Isasagawa ang SONA ni Arroyo sa Batasan Pambansa sa Quezon City sa Lunes ng hapon. Kabilang sa mga nakipag-usap sa mga opisyal ng PNP ay mga lider ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Akbayan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Kilusan para sa Makabansang Ekonomiya, ilang tagasuporta ni dating Pangulong Joseph Estrada. Ang mga lider ng militanteng grupo ay hinarap ni NCRPO chief director Geary Barias. Pinayuhan niya ang mga magpoprotesta na huwag lalampas sa Ever Gotesco Mall sa Commonwealth Avenue, ilang kilometro ang layo sa Batasan. Maaari umanong magprograma ang mga demostrador sa Commonwealth Avenue ngunit isang linya lamang ang maaari nilang sakupin, ayon kay Barias. Idinagdag niya na mahigpit na ipatutupad ang maximum tolerance ng mga pulis at mahigpit na ipagbabawal sa kanila na magdala ng baril. Mananatili rin umano na malayo ang pwersa ng pulisya at militar sa grupo ng mga magpoprotesta upang maiwasan ang tensyon. Nanawagan naman si Bayan secretary general Reynato Reyes sa pulisya na huwag pigilan ang mga taong sasama sa kilos protesta sa Lunes. Una ng inihayag ng Armed Forces of the Philippines na inaasahan nilang 10,000 hanggang 17,000 tao ang dadalo sa mga rally sa Metro Manila. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular