ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mas malalakas ang bagyo sa buwan ng ‘ber’ - NSCB
MANILA â Pinayuhan ng pamahalaan nitong Huwebes ang publiko na lalong maging maingat sa paglalakbay dahil sa malalakas na bagyo na papasok sa bansa ngayong palapit na ang buwan ng mga âber." Batay sa talaan ng National Statistical Coordinating Board (NSCB) mula noong 1947 hanggang sa kasalukuyan, lumilitaw na mas nagiging malakas ang mga bagyo sa Pilipinas mula Setyembre hanggang Disyembre. Sa nakalipas na tatlong taon, umabot sa 39 tropical cyclones ang pumasok sa bansa na mas mataas kumpara sa 27 bagyo mula 2000 hanggang 2003. âDapat palagi silang alerto especially during the 4th quarter," paalala ni NSCB Secretary-General Romulo Viriola. Lumitaw umano sa talaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administrationâs (Pagasa), na mas malalakas ang mga bagyo na tumama sa Pilipinas sa huling bahagi ng taon sa nakalipad na dekada. Lima sa anim na bagyo na umabot sa Signal No. 4 ay tumama sa buwan ng âber." Ito ay ang bagyong Ilian, Oct. 98; Loleng, Oct. 98; Yoyong, Nov.-Dec. 2006; Paeng, Oct.-Nov. 2006; at Queenie, Nov. 2006. Idinagdag ni Nathaniel Cruz, hepe ng Pagasa, may mga pag-aaral na lumalakas ang mga bagyo dahil sa epekto ng pagbabago ng panahon o climate change. Sa listahan ng NSCB at Pagasa sa âtop 10" na malakas na bagyo kung saan marami ang namatay, nanguna sa talaan si Uring (Nov. 1991) na nag-iwan ng 5,101 patay. Kasunod ay ang bagyong Nitang (Aug-Sep. 1984) na may 1,363 patay; Trix (Oct 1952), 995 namatay; Amy (Dec. 1951), 991 ang namatay; Sisang (Oct. 1987), 979 ang iniwang patay; Rosing (Oct.-Nov. 1995), 936 ang patay; Undang (Nov. 1984), 895 ang patay; Sening (Oct. 1970), 768 ang patay; Reming (Nov.-Dec. 2006), 754 ang patay; at Ruping (Nov. 1990), 748 ang nasawi. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular