ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 sundalo patay sa ambush ng ASG sa Sulu
MANILA â Dalawang sundalo ng Philippine Marine ang napatay ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa bayan ng Panamao sa Sulu nitong Sabado. Ayon kay Lt. Col. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Philippine Navy, ang dalawang sundalo ay nagsasagawa ng intelligence operation nang tambangan ng may 30 ASGs sa sitio Japi Tunggal, barangay Kandayuk sa Panamao umaga nitong Sabado. Nakasakay umano ang dalawang biktima sa isang motorsiklo nang paulanan ng putok ng mga bandido. Sinabi ni Arevalo na ang grupo ng ASG ay pinangunahan ng isang Amirul, na umano'y naghihiganti dahil sa pagkakadakip sa kanyang kapatid na hinihinalang kasapi rin ng ASG. Ang Panamao ay kabilang sa mga lugar sa Jolo kung saan aktibo ang Abu Sayyaf at iba pang armadong grupo. Samantala, isang hinihinalang miyembro ng ASG ang nadakip ng pinagsanib ng pwersa ng pulisya at militar sa Basilan. Ayon sa awtoridad, si Aseng Sahidul ay nadakip nitong Biyernes habang nagmamaneho ng pampasaherong jeepney sa Isabela City. Isang civilian informant umano ang tumulong sa pagkilala kay Sahidul upang mahuli. Sinabi ng militar na si Sahibul ay nahaharap sa maraming kasong kriminal kabilang na ang kidnapping at illegal detention.- GMANews.TV
More Videos
Most Popular