ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PAL kinansela ang 3 biyahe sa Hong Kong dahil kay ‘Karen’
MANILA â Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang tatlo nitong biyahe sa Hong Kong nitong Biyernes dahil sa bagyong âKaren" na patungo sa nabanggit na teritoryo ng China. Sa ulat ng GMA Flash Report, sinabi ng isang opisyal ng PAL na itutuloy na lamang ang kinanselang biyahe sa Sabado ng umaga. Posible rin umanong kanselahin ng PAL ang biyahe nito sa Hong Kong sa gabi (6:30 p.m) depende sa magiging kalagayan ng panahon, ayon pa sa ulat. Batay sa pahayag ng Hong Kong Observatory nitong Biyernes ng umaga, si âKaren," na may international name "Nuri," ay nasa layong 150 kilometers southeast (93 miles) ng Hong Kong at kumikilos patungong hilagang-kanluran. Inaasahang na direktang tatamaan ng bagyo ang Hong Kong ngayon Biyernes. Bagaman wala pang matinding pinsalang idinudulot si âKaren" sa Hong Kong, ang malakas nitong hangin at ulan ay naging dahilan para kanselahin ang klase sa mga eskwelahan, pasok sa opisina at pagkansela sa mga biyahe ng transportasyon. Sa Pilipinas na dinaanan ni âKaren," nag-iwan ito ng pitong patay at pinsala sa impraestruktura at agrikultura na tinatayang aabot sa P107 milyon. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular