ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pagbasa ng sakdal vs Perez sa Sandigan inurong
MANILA â Hindi natuloy nitong Biyernes ang pagbasa ng sakdal sa kasong katiwalian sa Sandiganbayan laban kay dating Justice secretary Hernando Perez matapos pagbigyan ng korte ang petisyon ng kampo ng dating opisyal. Kinatigan ng Sandiganbayan First Division ang petisyon ng mga abogado ni Perez na resolbahin muna ang motion to consolidate sa apat na kaso kung saan kasama sa asunto ang asawa ni Perez na si Rosario . Si Perez ay nahaharap sa kasong katiwalian, robbery at falsification of public documents batay sa reklamong pangingikil umano nito ng $2 milyon kay dating Manila Rep. Mark Jimenez na isinampa ng Office of the Ombudsman. Bukod sa mag-asawang Perez, kasama sa kasong katiwalian at robbery ang bayaw ng dating kalihim na si Ramon Arceo at negosyanteng si Ernest Escaler. Itinakda ng korte ang oral arguments sa kahilingan ng mga akusado sa Setyembre 19, habang gagawin naman ang arraignment nito sa Oktubre 17. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular