ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

'Malaya' 'di umano matitinag kahit inaresto ang publisher


MANILA — Hindi umano magpapatakot ang publisher ng pahayagang Malaya matapos itong arestuhin kaugnay ng kasong libelo noong Huwebes. Sa editoryal na inilabas ng pahayagan nitong Sabado, sinabing panggigipit ang pag-aresto sa publisher ng Malaya na si Amado "Jake" Macasaet, at intensyon na ipalasap sa kanya ang loob ng kulungan. "Once is happenstance, but twice is no longer coincidence. Some people, not necessarily the complainants, are clearly sending a message. But if they believe Macasaet or this newspaper can be cowed by this arrogant display of power, they have another think coming," nakasaad sa editoryal. Inaresto ng mga pulis si Macasaet, 72, sa Maynila noong Huwebes kaugnay sa kasong libelo na isinampa sa kanya siyam na taon na ang nakaaraan. Nakalaya si Macasaet matapos magpiyansa. Ngunit pinuna sa editoryal kung bakit hindi umano binigyan ng kopya ng kaso ang abogado ni Macasaet na magpapatunay na may nakitang batayan ang presekusyon upang ihabla ang kaso. Bukod pa rito, isinilbi umano ang arrest warrant dalawang araw matapos itong lagdaan ng hukom. Si Macasaet at iba pang mga empleyado ng pahayagan ay kabilang sa mga sunod-sunod na kinasuhan sa korte ni first gentleman Jose Miguel Arroyo noong 2006, ayon sa Malaya. "When Mike offered to drop the cases in what the Palace said was an act of charity and forgiveness after a life-threatening illness, Macasaet instructed Malaya lawyers to agree to Arroyo's offer insofar at it covered the staff. For himself, Macasaet told the lawyers to oppose Arroyo's motion to drop and to ask the court to proceed to trial," paliwanag ng pahayagan. Sinabi ni Macasaet na ang korte at hindi ng mga Arroyo ang magsasabi kung nagkasala sila o inosente. "So who's afraid of libel charges? Definitely not Macasaet," idinagdag sa editoryal. - GMANews.TV