ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Humihinang piso hindi sasaluhin ng Malacanang


MANILA — Inihayag ng Malacanang nitong Sabado na wala itong balak na pakikialam ang halaga ng piso kontra dolyar matapos itong humina nitong nakalipas na mga araw. Ayon kay Presidential Management Staff head Cerge Remonde, nakikinabang naman sa mahinang piso ang mga exporters at overseas Filipino workers (OFWs). "Our policy is for the value of the peso to seek its own level. We don't want to interfere with it," pahayag ng opisyal sa panayam ng dzRB radio. Idinagdag ni Remonde na humina ang piso dahil lumalakas ang halaga ng dolyar at hindi dahil humihina ang pundasyon ng ekonomya ng Pilipinas. Nilinaw din nito na maging ang halaga ng pera ng ibang bansa ay apektado rin ng paglakas ng dolyar. "This will be good for exporters and OFWs also," pahabol ni Remonde. Nitong Biyernes, nagsara ang palitan sa P46.860 kontra $1, mas mahina kaysa P47.095 - $1 noong Huwebes. - GMANews.TV