ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
4 milyong kabataang Pinoy aktibo raw sa sex - report
MANILA â Mahigit apat na milyong kabataang Filipino ang maagang nagkakaroon ng karanasan sa pakikipagtalik, ayon sa pag-aaral na ginawa ng University of the Philippines Population Institute. Sa ulat ng GMA Newsâ 24 Oras nitong Huwebes, lumitaw sa pag-aaral ng UP batay sa Young Adult Fertility Survey 3, na 4.32 poryento ng mga Filipino na may edad 15 hanggang 24 ang aktibo sa pakikipagtalik. Sa naturang bilang, 20 porsyento lamang dito ang gumagamit ng contraceptives. Ayon kay GMA reporter Kara David, ito umano ang isa dahilan kung bakit itinutulak ng ibang kongresista ang kontrobersyal na reproductive health bill na nakabinbin sa Kamara de Representantes. Nakapaloob sa panukalang batas ang pagsusulong ng sex education sa mga paaralan. Sa ilalim ng panukala, ang mga mag-aaral sa grade 5 ay tuturuan tungkol sa panganib ng pre-marital sex at pakikipagtalik nang hindi pa ikinakasal. Samantala, ituturo naman ang paggamit ng contraceptives, tulad ng pills at condoms sa high school. âWhether we like it or not, harapin natin âyung katotohanan. âYung mga bata ngayon with the influence of everything around nagkakaroon ng experimentation. And it should be properly addressed by teaching them," paliwanag ni Iloilo Rep. Janette Garin, isa sa mga nagsusulong ng panukala. Ngunit nangangamba ang mga pro-life advocates na magpapalala lamang sa problema ng maagang pakikipagtalik ng mga kabataan ang pag-apruba ng panukala. âOk lang na makipag-sex sila sa kung sino-sino at a very young age? Ok lang dahil meron naman condom, meron naman pills, hindi sila mabubuntis, hindi sila magkakasakit? Tama ba âyon?" tanong ni Buhay party-list Rep. Carissa Coscolluela. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular