ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
3rd batch ng gatas mula sa China negatibo sa melamine - report
MANILA â Negatibo sa melamine ang ikatlong batch ng mga gatas at milk-based products na galing sa China na sinuri ng Bureau of Food and Drugs (BFAD), ayon sa Department of Health nitong Biyernes. Sa ulat ng dzBB radio, ligtas sa anumang uri ng industrial chemical ang 20 produktong gatas mula sa China na sinuri ng BFAD. Kulang sa 100 pang produkto ang susuriin ng BFAD kung saan inaasahan na maipapaalam ang resulta ng laboratory test sa susunod na linggo, ayon sa ulat. Una rito, tatlong produkto ng gatas na galing sa China ang nagpositibo sa melamine. Ito ay ang Jolly Cow Slender Milk, Greenfood Yili Pure Milk, at Mengniu Drink. Imbestigasyon ng Senado Samantala, sisimulan ng Senate blue ribbon committee sa Nobyembre ang pag-imbestiga sa Bureau of Customs kung papaano nakapasok sa bansa ang mga gatas na kontaminado ng melamine. "We are eager to start probe because many of the products should not even be in the country. Early November we will schedule the hearing," ayon kay Cayetano. Nagsimula nitong Oktubre 9 ang isang buwang bakasyon sa sesyon ng Kongreso. Ang gagawing imbestigasyon ay batay sa inihaing resolusyon ni Sen Miraim Defensor Santiago. Nakasaad sa Resolution 694 ni Santiago na kailangang alamin at parusahan kung sino sa mga tauhan at opisyal ng custom ang nagpabaya kaya nakapasok sa bansa ang mga kontaminadong produkto. Una ng iminungkahi ni Santiago na bigyan lamang ng isangdaang piso (P100) na budget ang BOC sa 2009 dahil sa pagpapabaya umano nito na pigilin ang pagpupuslit ng mga kontrabado sa bansa. - GMANews.TV
Tags: melamine
More Videos
Most Popular