ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sharon: ‘Di kami hiwalay ni Kiko


MANILA – Mariing pinabulaan ng aktres na si Sharon Cuneta ang mga ulat na naghiwalay na sila ng asawa na si Senador Francis “Kiko’ Pangilinan. Dumating sa Pilipinas si Cuneta bitong Biyernas mula sa Hong Kong kasama ang kanyang mga anak, pinsan na si Ciara Sotto at kaibigang si Fanny Serrano. Sa ulat GMA news' Saksi, naging matipid ang tugon ni Cuneta sa mga tanong kung totoo ang napaulat na nag-away sila ni Pangilinan kaya lumipad ito ng Hong Kong kasama ang mga anak noong isang linggo. "As you can see, I don't have the two little girls with me, so mali-mali ang mga information," ayon kay Sharon. Nang muli itong tanungin ng mga mamamahayag tungkol sa hiwalayan, sagot ni Cuneta, "I'll give you one word. Burnout, burnout... I'm burned out of intriga." Una nang pinabulaanan ni Pangilinan na naghiwalay sila ng asawa. Sinabi nito na nagpunta sa Hong Kong ang asawa upang mag-shopping. – GMANews.TV