Filtered By: Topstories
News

Noli 'first choice,' Villar umangat sa Pulse Asia survey


MANILA, Philippines – Nanguna muli si Vice President Noli de Castro sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na nakakuha ng 18% sa tinaguriang “First Choice Presidential Preference" na kinalap mula Oktubre 14-27, 2008. Natuklasan din sa naturang survey na umangat ng limang porsiyento ang “preference ratings" ni Senate President Manny Villar na nakapagtala ng 17% kumpara sa dating 12% sa kaparehong titulo ng survey na ginanap noong July 1-14. Sumunod kay De Castro si dating Pangulong Joseph Estrada at Villar na kapwa nakakuha ng 17%. Pang-apat naman si Sen. Francis “Chiz" Escudero na nakakuha ng 15% kumpara sa katulad na survey noong July 1-14. Nabawasan din ang porsiyentong pumipili kay Sen. Loren Legarda na nakapagtala lamang ng 13% nitong huling survey kumpara sa dating 14%. Nakapwesto naman sa ika-anim si Sen. Panfilo Lacson, 7%; sinundan nina Sen, Mar. Roxas, 6%; at sina Makati Mayor Jejomar Binay, Metro Manila Development Authority Chairman Bayani “BF" Fernando at Villanueva na may tig-iisang porsiyento. Sa nakalap na datos, pinakamalaking porsiyento ang nakuha ni Escudero (22%) sa Metro Manila, sinundan nina Villar (16%), Estrada at Lacson (tig-13%); Legarda (8%), De Castro (9%), Roxas (6%), Binay (5%) at Fernando (3%). Pinakamalaki naman sa datos na nakuha sa Luzon si Villar at De Castro na kapwa nakapagtala ng 18%, sumunod sina Estrada (17%), Escudero (16%), Legarda (8%), Roxas (6%), at tig-iisang porsiyento sina Binay, Fernando at Villanueva. Sa Visayas, pinakamalaking nakuha si De Castro (22%), sinundan ni Legarda (21%), Villar (18%), Escudero (12%), Roxas (11%), Estrada (8%), Lacson (4%) at isang porsiyento kay Villanueva. Hindi naman kilala sina Binay at Fernando sa Visayan Region. Nanguna naman si Estrada sa nakalap na datos sa Mindanao na nakapagtala ng 30% na sinundan nina De Castro (20%), Villar (13%), Escudero (11%), Legarda (10%), Lacson at Roxas (tig-5%), at tig-iisa naman sina Binay at Fernando. Walang bomoto kay Villanueva sa Mindanao. Pinakamalakas pa rin sa masa o Class E si Estrada na nakakuha ng 27%, sinundan nina De Castro (19%), Legarda (18%), Villar (14%), Escudero (10%), Lacson at Roxas (tig-5%). Walang nakuhang boto sa masa sina binay, Fernando at Villanueva. Sa mayayaman, pinakamalaking nakuha si Villar na nakapagtala ng 19% sumunod sina Escudero (17%), De Castro (14%), Roxas (12%), Estrada (10%), Lacson (9%), Legarda (8%), Fernando (4%) at Binay (1%). Para naman sa middle class, kapwa nakakuha ng pinakamataas na 18% sina Villar at De Castro sinundan nina Escudero (17%), Estrada (14%), Legarda (12%), Lacson (8%), Roxas (5%), Binay (2%) at tig-iisang porsiyento sina Fernando at Villanueva. - GMANews.TV