ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Hirit ng 2 obispo sa paggamit ng 'extra legal' vs Arroyo govt binatikos
MANILA â Binalaan ni Speaker Prospero Nograles Jr. nitong Biyernes ang ilang Obispo ng Simbahang Katoliko na hindi nila maaaring higitan ang batas bunga ng naging pahayag ng dalawa nilang opisyal sa paggamit ng âextra-legal means" upang mapalitan ang pamahalaan. âThe bishops like them are not above the law and they should be more circumspect in calling for mass action against the duly constituted authorities," paalala ni Nograles. Ang pahayag ay ginawa ni Nograles, bilang tugon sa sinabi nina Bishops Antonio Tobias at Deogracias Iniguez na handa nilang suportahan ang paggamit ng extra-constitutional means laban sa pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung tuluyang hindi na iiral ang demokratikong paraan sa paghahanap sa katotohanan. Sinabi ng dalawang obispo na umaasa silang magreresulta sa malaking kilos-protesta katulad ng mga naunang people power revolt ang isasagawa nilang demonstrasyon sa Balintawak Monument sa Nobyembre 30. Para naman kay Batangas Rep. Mark Llandro Mendoza, maling ilagay ng obispo sa kanilang mga kamay ang pagpapalit ng isang pamahalaang iniluklok ng mamamayan. âWe are a society of laws and not of men. It is not for any citizen of this republic, not even a man of cloth can take the law into his own hands. We will be putting our nation into a tailspin of chaos if we allow a mob to set the direction of this nation in a time when sobriety and unity are needed," paalala ni Mendoza . Dismayado rin Aurora Rep. Juan Edgardo Angara sa naging pahayag ng mga obispong kritiko ni Arroyo dahil mistulang hindi na umano nila kinikilala ang umiiral na mga batas sa bansa. âI think they have always advocated that which is a shame. Importante na galangin ang rule of law," ayon kay Angara. Idinagdag naman ni Buhay party-list Rep. Erwin Tieng na hindi kailangan ngayon ng bansa na mahati sa gitna ng matinding pandaigdigang krisis pinansiyal. Naniniwala rin sina Reps. Mark Enverga (Quezon) at Marcelino Teodoro (Marikina) na dapat tumulong ang mga obispo sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa sa halip na magkahati-hati. âChanges in our political leadership must at all times be in conformity with our legal processes. Our Constitution provides the manner of effecting changes in our political leadership. Extra legal means is unacceptable as it will only bring confusion and further divisiveness to our nation. Let us follow the Constitution and the rule of law, not of emotion and political ideology," paghikayat ni Enverga. Sinabi ni Teodoro na posibleng tingnan ang panibagong hirit ng mga Obispo na isang desperadong hakbang para maisakatuparan ang matagal na nilang nais na patalsikin ang pamahalaan. 'Di sila masisisi Inihayag naman nina party-list Reps. Risa Hontiveros (Akbayan) at Luzviminda Ilagan (Gabriels) na hindi masisisi ang dalawang obispo sa naging pahayag ng mga ito dahil pinipigil umano ng mga kaalyado ng pamahalaan ang legal na mga proseso para malaman ang katotohanan sa likod ng mga alegasyon ng katiwalian. âUp to now, we are still waging his (Andres Bonifacio) struggle to improve the lives of the workers. We can not blame the Church or the majority of the Filipinos who believe legal means for change have been bastardized by the Arroyo regime," paggiit ni Ilagan. Pinayuhan naman ni Cibac Rep. Joel Villanueva si Justice Sec. Raul Gonzalez na seryosohin ang mensahe ng ilang Catholic bishops sa halip na bantaan ang mga ito na kakasuhan ng sedisyon. âThey are shooting the messenger instead of taking the message. Paranoia na 'to. Magagawa ng DOJ ang lahat ng gusto nito pero huli na ang lahat para subukan pang itago ang mga bagay na sa palagay ng marami ay ang katotohanan," ayon kay Villanueva. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular