ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
'Masamang salita' ni Roxas sa rally binatikos
MANILA â Isang pag-insulto umano sa demokrasya ang ginawang pagmumura ni Sen Manuel âMar" Roxas II sa ginawang interfaith anti-Charter change rally sa Makati City nitong Biyernes. Sa text message nitong Sabado, sinabi ni Manila Rep Bienvenido Abante, lider ng Bible Believers League for Morality and Democracy (Biblemode Philippines), na ang masamang salita na binitiwan ni Roxas sa harap ng libu-libong demonstrador ay magiging bahid sa malinis na pangalan ng kanyang lolo at ama. âI believed in the freedom of expression but it must be tempered with respect and honor. The statement of Roxas with a curse is mockery of democracy and insult to the legacy and good name of his grandfather and n father," ayon kay Abante, kasapi ng partidong Lakas. Ang lolo ni Roxas na si Manuel Roxas ay ika-limang presidente ng Pilipinas, habang ang kanyang ama na si Gerardo M. Roxas ay dating senador ng bansa. Naniniwala si Abante na hindi makatutulong kay Roxas, pambato sa 2010 elections ng Liberal party, ang kanyang pagmumura sa rally upang tumaas sa rating sa mga ginagawang survey sa mga âpresidentiables." âHis ability to lead with dignity and decency is now in question. Imagine if he can speak that way to the president how much more to an ordinary man in the street. I abhor his statement and all decent Filipino should, â pahayag ng mambabatas. Noong Biyernes ng gabi, binigyan ng pagkakataon ng nag-organisa ng rally ang mga lider ng ibaât-ibang grupo na magsalita sa loob ng tatlong minuto. Sa talumpati ni Roxas, binatikos nito ang mga kontrobersya na kinasangkutan ng pamahalaan at sinundan ng, "Ngayon gusto ni (President) Gloria (Macapagal Arroyo) na baluktutin ang ating Saligang Batas para manatili sa poder ⦠p____ ina, ano na 'to!." Kaagad naman na humingi ng paumanhin si Roxas na nadala umano ng kanyang emosyon. Sa mga "presidentiables" na dumalo sa rally, tanging si dating Senate President Manny Villar ang hindi umakyat sa entablado para magsalita sa mga tao. Aniya, sapat na ang pagdalo niya sa pagtitipon upang ipahayag ang kanyang pagtutol sa chacha.â GMANews.TV
More Videos
Most Popular