ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Renewable Energy Act pinirmahan ni Arroyo
MANILA â Pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nitong Martes upang maging ganap na batas ang Renewable Energy bill na naglalayong isulong ang paggamit ng mga alternatibong pagkukunan ng eherhiya mula sa init ng araw, hangin, tubig at iba pa. Sa ulat ni Aileen Intia ng dzBB radio, sinabi nito na nilagdaan ni Gng Arroyo sa Rizal Hall ng Malacanang bilang Republic Act (RA) 9513 ang Renewable Energy Act of 2008. Dumalo sa Malacanang sina Senate President Juan Ponce Enrile at Speaker Prospero Nograles upang saksihan ang ginawang pagpirma ni Gng Arroyo. Sa ilalim ng RA 9513, pagkakalooban ng fiscal incentives ang mga kumpanya na mamumuhunan sa mga proyekto tungkol sa renewable energy. Inaatasan din nito ang Energy department at National Power Corp. na gumamit ng mga renewable energy sources. Nakasaad din sa batas na libre sa singil ng value-added tax ang mga renewable energy sources. Idinagdag pa na ang mga nasa likod ng renewable energy projects ay pagkakalooban ng seven-year income tax holiday at 10 percent corporate income tax, mas mababa sa regular na 30 percent tax kapag napaso na ang kanilang income tax holiday. Bukod dito, bibigyan din ng 1.5 percent realty tax cap sa orihinal na gastusin sa mga kagamitan at pasilidad upang makalikha ng alternatibong enerhiya. Mayroon din silang import duty-free sa loob ng 10-taon para sa mga aangkating gamit para sa proyekto. â GMANews.TV
Tags: renewableenergy
More Videos
Most Popular