ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 mall sa Iligan binomba, 3 patay, 48 sugatan!
ZAMBOANGA CITY â Umabot na sa tatlong tao ang patay at 48 iba pa ang sugatan sa magkahiwalay na pagsabog sa dalawang mall sa Iligan City, Lanao del Norte nitong Huwebes. Naganap ang pagsabog isang araw bago ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Iligan City upang dumalo sa inagurasyon ng Suka Pinakurat Processing Plant ng Green Gold Gourmet sa barangay Pugaan. Ito ang ikalawang pagkakataon na nagkaroon ng pagsabog sa Mindanao na bibisitahin ni Gng Arroyo. Nitong December 12 ay kinansela ang byahe ni Shariff Kabunsuan sa Maguindanao matapos sumabog ang isang improvised explosive device malapit sa isang pamilihan. Kinondena ni Gng Arroyo ang pinakabagong pambobomba sa Mindanao at inutos na dakpin ang mga responsable sa pag-atake, ayon sa tagapagsalita ng Malacanang. âThe President condemns the ruthless and violent acts of terrorism against our communities. The Philippine National Police and the Armed Fores will be relentless in their pursuit against the perpetrators," pahayag ni presidential deputy spokesperson Anthony Golez. "The government will not stop hunting these terrorists until they are put behind bars and we urge our people to coordinate with our law enforcers as to any information that might lead to the arrest of those responsible," idinagdag ni Golez. Nasawi Sa ulat ng The Associated Press, sinabing dalawa sa 48 sugatan ang nasa kritikal na kalagayan, Inilagay umano ng mga hindi pa nakikilala suspek ang bomba sa baggage counter ng Unicity Commercial Center at Jerry Supermart na kapwa nasa Aguinaldo St. Ayon kay Army Lt. Steffani Cacho, tagapagsalita ng AFP-Western Mindanao Command, ang unang bomba ay sumabog dakong 1:25 p.m. sa Unicity at ilang minuto lamang ay sumunod na ang pagsabog sa Jerry Supermart. Kinilala ni Police Officer 3 Abdullah Sumayan ng Iligan City police ang mga nasawi na sina Erwin Suico, 20, ng Brgy Pugaan; Jonas Badelles, 22, ng Brgy Poblacion; at Jalilah Mangondato, 22-year-old nursing student mula sa Marawi City. Sa panayam ng GMANews.TV, sinabi ni Sumayan na kinuha na ng pamilya ang mga labi ni Mangondato, habang nasa Cosmopolitan Funeral Homes pa ang mga labi nina Badelles at Suico. Inihayag ng Philippine National Red Cross (PNRC) sa Maynila na 21 tao ang nasugatan sa pagsabog at dinala ang mga ito sa Dr Uy Hospital, Sanitarium Hospital at E & R Hospital. Wala pang grupo na umaako sa pagsabog ngunit ang mga naunang pagsabog ay itinuturong kagagawan ng mga rebelde at Abu Sayyaf group na sinanay ng Jemaah Islamiyah. Hinihinala ng isang opisyal ng militar na posibleng mga âlawless member" ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod ng pagsabog dahil ang bombang ginamit ay may umano âtatak" ng MILF. âOur suspect here are the lawless MILF group because of the type of the (improvised explosive device) that were used. That IED manifest their signature, using mortar rounds. That is our initial findings," ayon kay Col. Nicanor Dolojan, commander 403rd Brigade ng Army. Idinagdag ni Dolojan na makatutulong ang nakalagay na close-circuit TV sa mall upang matukoy kung sino ang nag-iwan ng bomba. Sinabi nito na isang lalaki ang nakitang nag-iwan ng bagahe sa Jerryâs mall at ilang minuto lamang ay naganap na ang pagsabog. - AP, GMANews.TV
More Videos
Most Popular