ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kalabaw na 2 lang ang paa ipinanganak noong Pasko -- report
MANILA â Isang bagong silang na kalabaw ang sentro ngayon ng atensyon sa Cabatuan, Iloilo dahil isinilang ito na dalawa lang ang paa sa mismong araw ng Pasko. Sa ulat ng GMA newsâ 24 Oras nitong Biyernes, sinabing pinangalanan ang bagong silang na kalabaw na si âBaha." Ngunit dahil nasa harapan lamang ng katawan ang dalawang paa ng kalabaw, kailangan pa siyang alalayan ng kanyang amo para makatayo at makasuso ng gatas sa kanyang ina. Hindi umano alam ng may-ari ng kalabaw kung bakit ganito ang kalagayan ng hayop dahil hindi pa ito nasusuri ng beterenaryong duktor. Sa kabila nito, itinuturing biyaya nila ang bagong silang na kalabaw lalo naât isinilang ito sa araw mismo ng Pasko. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Tags: animal
More Videos
Most Popular