ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Telcos pinagsasauli sa mga cellphone users
MANILA â Dahil sa inaasahang malaking kita ng mga telecommunication companies sa mga pabati sa text messages at tawag ngayong Pasko at Bagong Taon, hiniling ng ilang kongresista na âbumawi" sa kanilang mga subscribers sa susunod na taon. Sa magkahiwalay na text messages, sinabi nina Manila Rep. Bienvenido Abante at Anak Mindanao party-list Rep Mujiv Hataman, na tiyak na malaki ang kikitain ng mga telcos dahil sinuspindi ng mga ito ang kanilang mga promo tulad ng unlimited text at voice call ngayong holiday season. Idinahilan ng mga telcos tulad ng Smart at Globe na kailangan suspindihin ang mga promo upang hindi mahirapan ang kanilang sistema at dagsain ng mga text at tawag para sa pagbati ngayong holiday season. Ang naturang hakbang ng mga telcos ay inaprubahan naman ng National Telecommunication Commission. Sinasabing aabot sa 65 milyon ang bilang ng mga Filipino na mayroon cellphone sa bansa. âSa laki ng kita nila ngayon sana magbalik naman sila ng kaunti sa mga subscribers nila pagkatapos ng holiday season, yun na bale ang pamasko nila sa mga kliyente nila," mungkahi ni Hataman. Sinabi naman ni Abante na dapat magpakita rin ng malasakit sa kanilang mga subscribers ang mga telcos at hindi lang puro kita ang nasa isip. âThe network should even declare half price for two days (New Yearâs eve and New Yearâs Day) due to a greater volume of calls and texts. Should they not also reward the users for that?" puna ng kongresista. Ipinagtanggol naman ng NTC ang desisyon nito na kampihan ang kahilingan ng mga telcos para hindi maabuso ang kanilang koneksyon ngayong holiday season. Ngunit nangangamba ang ilang kongresista na maging maling mensahe ang paglambot ng NTC at abusuhin ng mga telcos ang naturang katwiran at laging humingi ng suspensyon ng mga promo kapag may mga mahalagang okasyon na kailangan magbatian ang mga subscribers. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular