ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Nagprotestang mga magsasaka 'di nakatapak sa Mendiola
MANILA â Hindi makatungtong sa makasaysayang Chino Roses Bridge o Mediola ang mga magsasaka na nagmartsa para gunitain ang ika-22 taong anibersaryo ng tinaguriang âMendiola Massacre" nitong Huwebes. Sa ulat ng Balitanghali ng QTV news, sinabing nagkasya na lamang ang mga magsasaka na miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na magsagawa ng kanilang programa sa kalapit na Morayta Street matapos silang pigilan ng mga tauhan ng Manila Police District. Sinabi sa ulat na galing ang grupo ng mga magsasaka sa Department of Agrarian Reform sa Quezon City upang hilingin sa pamahalaan na ipatupad ang "genuine land reform." Nitong Disyembre, inaprubahan ng Kongreso ang joint resolution upang palawigin nang anim na buwan ang bisa ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ngunit nakapaloob sa ipinasang panukala na dapat maging boluntaryo na lamang ang gagawing pamamahagi ng lupa. Sa hiwalay na ulat ng dzBB radio, sinabing umabot sa 1,500 ang mga magsasaka na sumama sa protesta nitong Huwebes. Noong Enero 1987, mahigit 10,000 magsasaka ang nagprotesta sa Mendiola upang hilingin sa dating administrasyon ni Pangulong Cory Aquino na ipatupad ang repormang agraryo. Sumiklab ang kaguluhan at umalingawngaw ang mga putok na nag-iwan ng 13 patay sa hanay ng mga magsasaka at mahigit 80 pang sugatan. - GMANews.TV
Tags: mediolamassacre, mendiola
More Videos
Most Popular